Chapter 29

66 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 29

                BRIOHNY POV
Nagising ako ng maaga to do my daily routine. Mamayang gabi pa naman ang event na sinalihan.
Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si mama na nagbabasa ng diyaryo habang si Keyle ay kumakain ng sandwich. Umupo na ako at kumain.

"Ate? Punta ako sa inyo ha? Kami ni Ate Ariela ang mag-ayos sayo" sabi ni Keyle at tumango lang ako.

Naglalakad na ako papuntang school.
Binati ako ng guard at ganon din ako. Habang naglalakad ako sa pathway, nakita ko ang sasakyan ni Zayne na nagpatakbo ng mabilis papuntang parking lot.

Tumakbo naman ako para maabutan siya. Nakita ko siyang lumabas. Medyo kakaiba siya ngayon dahil ang putla at parang walang buhay ang mata niya. Naka-turtle neck ito sa loob at black suit.

'Gusto ata niya ang black ngayon'

Lumapit ako at kinawayan siya.

"Zayne?!  Okay ka na? " sayang tanong ko. Tinignan niya ako ng walang emosyon, nakakapanibago nga.

"Okay ka lang? " ngiting tanong ko.

"Yeah. " tipid niyang sagot at naglakad na. Naiwan naman ako sa parking lot na napakamot ng batok at tinitigan ang likod niya.
Maya-maya pumasok na rin ako sa main gate at naglalakad na ngayon sa corridor na puno ng tanong ang utak ko.

'Ano bang nangyari kay Zayne? Di naman siya ganon eh? Ano bang problema non. Parang may nagbago sa kanya eh' tanong ko sa sarili at di ko namalayan ay may nabangga na pala ako. Inangat ko ang paningin ko kasi matangkad tong nabangga ko.

"Sorry Clerk" paumanhin ko. Tinignan niya ako na walang emosyon.

"Is there any problem?"tanong niya

"Wala" ngiting tanong ko ng dumapo ang mata ko sa mga daliri niya.

"Gosh! Anong nangyari sa mga daliri mo? " pag-aalala kong sabi.

"It's nothing" sagot niya. Ipapasok niya sana ito sa bulsa niya ngunit dali-dali ko itong hinigit.

"Tara punta tayo sa clinic"sabi ko at hinila ko siya papuntang clinic.

----

Nasa clinic na kami. Ginamot ko na ang sugat sa daliri niya. Pinagmasdan ko ito ng mabuti, parang--umf..

"Clerk? " tawag ko.

"What?! " may pagkainis niyang tanong.

"Sa gitara mo ba to nakuha? " tanong ko at inilayo niya ang tingin sa akin. Alam ko na ang style mong yan mahal ko, pagnabuking ka na ay tatahimik ka nalang at iiwas ng tingin.

"Hahahaha. Grabe. Nag-aral ka ba na mag-gitara? Sagutin mo ko. Hahah" tawang tanong ko..

"Tss. Stop laughing will you! Ano naman ngayon ah? " inis niyang sabi.

"Lahat nga naman ng mga bagay ay natututunan by Clerk Maynard Hyun. Hahaha" tawang sabi ko ulit. Ang sarap niyang asarin kasi napakapikonin niya

"Shut up! Tss! " inis niyang saad.

"Ayan kasi. Sinabi pa sa akin na marunong di naman pala. Buong magdamag talaga nag-ensayo eh. Halata sa mata mo. Nagkakaroon ka na ng eye bag. Pero okay lang gwapo sa gwapo ka parin kahit may eyebags ka. Hahaha" pag-asar kong sabi at tumayo naman ito at lumabas ng clinic. Sumunod naman ako sa kanya.

----

Pumunta na kami sa open field to announce kung sino ang nanalo sa booth making, singing and dancing contest, musical instrument at ang may malaking kita sa mga booth nila. Im sure na mananalo kami.

Ang Business department ang nanalo sa booth making at sa may malaking kita sa ibang booths. Nakakuha kami ng malaking points.

Nakatayo lang ako kasami si Clerk. Nahihirapan nga akong makita ang nagsasalita sa harapan dahil ang tatangkad nila. Tss.

May narinig ako na sinisigaw ang pangalan ko.

"Briohny?!! " tawag ni Ariela kaya naagaw ang iilang atensyon sa mga estudyante at napunta sa amin. Para kasing inahing manok to si Ariela kung makasigaw.

"Oh Besty? Bakit? " tanong ko.

"Wala. Nakita namin si Zayne papunta sa office ng dad niya. " sabi ni Ariela.

"Nagkita na kayo? " tanong ni Lester at tumango lang ako.

"Feel ko parang nagbago siya na di ko alam" sabi ni Ariela. Napansin niya rin pala, naramdaman din niya na parang may mali kay Zayne.

"At isa pa. 5pm sisimulan yung King and Queen of each sections, so dapat maghanda na tayo mamaya" sabi ni Ariela at tumango lang ako

----

                 Mr. WENSTON POV
Nandito na si Orakulo at ang mga DS. Hinihintay nalang namin ang anak ko. Hindi na siya si Zayne nakikila ng lahat, ibang-iba na siya. May taglay na siya ng lakas. At ang itsura niya nagbago narin, puno ng maitim na ugat sa leeg papunta sa pisngi hanggang sa ulo niya.

Maya-maya lang ay nandito na siya.

"Zayne? Anak. " tawag ko at lumapit lang to sa amin. Nakakakita na rin pala siya katulad ko, dahil siguro sa pinainom sa kanya.

" Zayne. Ihanda mo na ang iyong sarili dahil kukunin mo na siya at dalhin don sa abandonadong gusali" sabi ko sa kanya.

"Handa na ako. Huwag na kayong mag-alala" sabi niya.

"Mabuti kong ganon Zayne. Hindi na kami makapaghintay na babalik ulit ang pinuno namin at maghahasik ulit kami ng lagim, at ikaw Mr. Wenston ang kayamanan na nais mo ay mapapasaiyo rin. Malalagpasan mo na ang kayaman ni Mr. Hyun" sabi ng Orakulo.

"At ang araw na ito ang magiging pinakamasaya para sa akin. Titingalain ako ng lahat, at ako na ang pinakamayaman sa lahat--hahaha sa buong mundo! " saya kong sabi.

"Hahaha. Tama. Sige Zayne. Puntahan mo na siya. Sundan mo siya kung saan sa pupunta. Huwag mong hayaan na mawala siya sa paningin mo. Ibibigay naman ang hudyat kung kailan mo na siya dakpin. Itakip mo to sa bibig niya para himatayin siya" sabi ng Orakulo sabay abot na itim na tela kay Zayne. Tumango naman ito at lumabas na.

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment.

-AUTHOR

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now