Chapter 5

82 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 5
        
                  BRIOHNY POV

Uwian na ngayon. Kanina ko pa napapansin na tahimik si Zayne samantala yung tatlo ang ingay nila sobra.

"Psst! May problema ka ata? " tanong ko sa kanya at ngumiti lang to saka ako inakbayan. Nakita namin siya sa parking lot, kaya napatigil ako sa paglalakad at nakatitig sa kanya.

"Hoy! Briohny. Tara na" tawag ni Ariela

"Huh? Ah andiyan na. " sabi ko. Hinintay ko nalang siya na makaalis saka ako pumasok sa kotse ni Zayne.

"Mukhang nagmamadali ata"bulong kong sabi sa sarili

"May sinasabi ka? " tanong ni Ariela

"Tumahimik ka nga babae"inis na sabi ni Andrey.

Nakatulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

------

                      CLERK POV

Nagmamadali akong umuwi ng bahay ng tumawag si lolo, may nagmamasid daw sa labas ng bahay niya. Mayaman naman si lolo at may bodyguard naman ito ngunit nag-aalala parin ako.

Tinigil ko ang sasakyan malayo sa bahay at bumaba. Tanaw ko ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng bahay.
Dahan-dahan akong nglakad papalapit sa kanya.

"May hinahanap ka?"walang emosyon kong tanong.

Tatakbo na sana to ngunit hinawakan ko ang likod ng damit niya at binalibag siya at nabangga sa poste.

'Ang lakas ko ata'

"Urrghh!! Bwesit ka!! " sigaw niya at sinugod ako.

Pinagsusuntok niya ako and i just dodge all of his attacks. Ang bilis ata ng reflexes ko,  di ko rin alam kong bakit.

"Now my turn! "Gigil kong sabi at sinipa ko siya sa may ulo at sinikmuraan. Pinaikot ko ang kamay niya mula sa likod niya at napaluhod ito sa sakit.

"Dont you ever come back kung mahal mo buhay mo! " sabi ko rito at tumayo na to sabay takbo.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si lolo sa kwarto na nakaupo don sa study table niya, ang mga kamay niya nasa mukha niya

"Lo, wala na siya so huwag ka ng mag-alala" sabi ko.

"May gustong pumatay sa akin Clerk. Di ko alam kong sino" sabi niya na nakikita sa mukha niya ang takot.

"Baka kaaway niyo lang sa business lo. Huwag kang mag-alala. Pro-protektahan ko kayo" sabi ko.

"Mag-iingat ka rin apo. Baka madamay ka. Ayaw ko na mapahamak ka. Aalamin ko kung sino at magbabayad siya. " sabi ni lolo at ngumiti ito sa akin.

"So kamusta ang unang araw mo sa school? " tanong niya.

"Its fine. Magpahinga na po kayo. " sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.

'Sino kaya ang gustong pumatay sa kanya at ano ang dahilan'

-----

                BRIOHNY POV
Nasa bahay na ako,  dali-dali akong nagbihis at pumunta sa Headquarter.

Nasa garden ako ngayon at hinihintay si pinuno. Maya maya ay dumating na ito.

"Pinuno? "Tawag ko

"Oh briohny? May kailangan ka? " tanong niya at ngumiti ako bago nagsalita.

"May ibabalita po ako. Nakita ko na siya. Nagkita na kami pinuno. Ngunit wala siyang naaalala tungkol sa akin"may halong lungkot kong sabi

"Maaring hindi niya nakalimutan ang nakaraang buhay niya, tungkol sa pamilya niya at maging pangalan niya alam niya. Ang tungkol sa kanyang pagkatao alam niya ngunit pagdating sayo ay wala. Nawala ang alaala mo sa kanya" sabi ni pinuno.

"Paano niya ako maaalala muli? " tanong ko

"Hindi ko alam. Wala pang kasigiraduhan na di ka na niya talaga maaalala." Sabi niya

"So ibig sabihin maaalala niya ako? " sayang tanong ko.

"Siguro, wala namang kasigiraduhan na di ka na niya maaalala habang buhay, soulmate ka niya diba. Ang dapat mong gawin ipaalala sa kanya" sabi ni pinuno at natuwa naman ako

"At least may pag-asa ako" sabi ko.

"Sige pinuno, uwi na ako" sabi ko at nag-paalam.

Masaya akong naglalakad sa daan kahit medyo gumagabi na.

----

                SOMEONE POV
"MGA WALANG KAYONG KWENTA! "sigaw ko mula sa telepono. Yung lalaki kasi na pinababantayan ko sa bahay ni Mr. Hyun ay binugbog ng lalaki. Nakakainis talaga.

Medyo madilim na ang gabi at pauwi na ako sa bahay.

"Pwede ba pakibilisan" utos ko sa driver ko ng may babaeng biglang tumawid.

"Ano ba kuya! Hinay hinay naman po. Pasalamat kayo nasa magandang mood ako" sabi ng babae at naglakad na ulit ngunit bago yun nakaramdam ako na napapaso ako sa leeg, bigla kong tinignan ang kwentas ko at nawawala na ang ilaw, lumingon ako sa likod at tinignan ang babae hanggang sa mawala na siya  sa paningin ko.

"Di kaya siya? Di ko masyado nakita yung mukha.!! Tss! Malas talaga. "

Yan na ang update. Salamat sa pagbabasa. Matutulog na ko. Hhuhu.
Sorry sa typos guys
Kindly vote and comment guys in order for me to know your side about this story

Feel free to chat me kung may mga tanong kayo.
-author

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now