GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 35
CLERK POV
Naglalakad na kami papuntang gusali na sinasabi nila sa akin. Habang papalapit na kami ay may narinig kaming mga sigaw at angungol ng isang tao na nahihirapan. Napapalibutan ng mga kaluluwa ang gusali, ang iba nakabaon sa pader.Papasok na sana kami sa loob ng biglang may lumabas na mga Ds at sa tingin ko higit 50 silang lahat.
"Grabe! Ang dami talaga nila. Yee! Ang pangit! Nakakakilabot"GR1
"Dahil marami ng masasama sa mundong to. Kaya mas dumadami pa sila" sabi ng pinuno
"Mga bwesit.! " inis kong sabi at nilabas na ang scythe ko.
"All of you! Be attentive and be aware. Ubusin niyo silang lahat! " sabi ko at tumakbo papalapit sa kanila.
Winasiwas ko ang aking scythe. Bawat paghampas ko ay sinisigurado ko na tatama sa leeg nila at maputil ang ulo.
Sipa, ilag, pugot ulo, suntok at balibag sa kanila ang ginagawa ko."Clerk! Sige na. Pumasok ka na don. Susunod na lang kami at tatawag ng tulong. "GR1
"Ngayong gabi ay may digmaan na namang magaganap sa pamamagitan ng mga taga-sundo at DarkSouls" GR2.
Iniwan ko na sila sa labas at pumasok na sa loob. May sirang hagdan ang bumungad sa akin, para itong isang gusali na puro sira ang dingding at parang nanggaling ito sa sunog.
Iniisa-isa ko ang mga silid ngunit di ko sila nakita. Pinikit ko ang aking mga mata, pinakiramdaman ko ang paligid at dinama ang tibok ng puso ko, parang may sinasabi ito sa akin. Umakyat na naman ako sa taas at sinisipa ang mga pinto. May nakita akong silid na may kandado. Nilapitan ko to at hinawakan ang kandado nito. Nilabas ko ang scythe ko at sisirain na sana ang kandado ng may biglang pumalo sa ulo ko at may kung anong pinaamoy sa akin, pilit kong kumawala ngunit di ko na nakayanan dahil nanghina na ang aking tuhod at nawalan na ng malay.
---BRIOHNY POV
May narinig akong ingay sa labas, bigla naman akong kinabahan na di ko alam. Nakita kong gumalaw si Zayne at dahan-dahan minulat na ang mata nito."Zayne? " tawag ko.
Nakatali din ang kamay at paa nito."Briohny. Ayos ka lang. Lalapit ako diyan" sabi niya at lumapit siya sa akin kahit nahihirapan siya, ang puwetan niya ang ginamit niya sa paggalaw niya sabay sikad para makalapit lang sa akin.
"Briohny? Kailangan nating makatakas. Tatalikod tayo sa isat-isa and i will untie you. " sabi niya at tumango naman ako.
Tumalikod na kami sa isat-isa at sinusubukan niyang tanggalin ang nakatali sa kamay ko. Maya-maya lang ay natanggal na niya ito.
"Ako naman. " sabi ko at sinubukan ko na rin na tanggalin ang nakatali sa kanya. Nagtagumpay naman kami, mga bobo kasi ang mga DS na iyon.
Tinanggal na rin namin ang aming tali sa paa.
-----
CLERK POV
Nawalan ako ng ulirat ng ilang minuto. Nagtataka nga ako kung bakit di ako tinablan sa pina-amoybsa akin. Di ko parin ibinuka ang aking paa uoang akalain nila na wala parin akong malay. Nakinig lang ako sa pag-uusap nila."Gabi na. Lumabas na ang buwan. Gawin na natin ang seremonya. Kunin niyo na ang babae"sabi ng isang boses matanda
"Opo, Orakulo. " sabi rin ng isang Ds.
"Mr. Wenston, sumama ka na rin don, kukunin ko muna ang kahon. Kayo! Bantayan niyo to" utos ng matanda at may narinig na ako ng yabag na papaalis.
'Mr. Wenston? Parang--di kaya si Zayne! Siya ang kumuha ka Briohny! Tss'
Nong tahimik na ang paligid minulat ko na ang aking mata at limang Ds pala ang nakabantay sa akin. Dali-dali kong pinalabas ang scythe ko at tatlong paghampas ko lang ay naputol na ang apat na ulo nila, senugundahan ko na agad ang isang naiwan at naputol din ang ulo nito. Sinundan ko na yung daan kong nasaan si Briohny ngayon.
BRIOHNY POV
Lalabas na sana kami ni Zayne ng biglang pumasok ang ilang Ds at ang daddy ni Zayne."ZAYNE! " inis niyang sigaw.
"May balak pa ata kayong tumakas"dagdag niyang sabi
"Please dad, let her go. Patakasin mo na siya. Hindi ko hahayaan na saktan or worst patayin. I swear i-susumpa kita! " inis na sabi ni Zayne.
"Kunin niyo ang babaeng yan"sabi ng daday niya at may sampung Ds na lumapit sa amin, pinagtutulak sila ni Zayne at pinagsusuntok ito ngunit sadyang di siya nagtagumpay kasi hinawakan agad siya sa braso nito at may pumulupot na itim na ugat sa kamay niya.
"Bitawan niyo ko! " inis kong sabi dahil hinawakan nila ako sa kamay at biglang may pumulupot na kung ano sa kamay ko.
"BRIOHNY! " sigaw ni Zayne sa akin
"Bitawan niyo ako sabi eh! " inis kong sabi at pilit kong kumakawala sa pagkatali ng kamay ko. Pinasan ako ng mga Ds at lumabas kami sa gusali at si Zayne naman naiwan sa loob.
"Briohny! Briohny! Bitawan niyo siya!" rinig kong sigaw ni Zayne at tuluyan na kaming nakalayo sa silid na iyon.
CLERK POV
Nandito na ako sa silid kung saan ako dinala ng aking paa. Sinipa ko to para bumukas. Tinamad akong pumihit eh.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Zayne na walang malay sa sahig. Nanggigil naman ako nong nakita ko siya, sinipa ko naman ng marahan ang kanyang paa at gumalaw naman ito at dahan-dahan minulat ang kanyang mata at nakita ko na nakapulot na kung ano ang kamay niya. Tinanggal ko naman ito gamit ang scythe ko.
"Clerk" sabi niya at tumayo iyo. Tinignan ko naman ito na walang gana.
"Nasaan si Briohny" mahinahon kong tanong.
"Kailangan natin siyang sundan. Dinala siya sa labas. " sabi nito at dali-daling tumakbo. Tumakbo na rin ako kasunod niya..
Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Busy si Author ngayon eh.
Replyboxpolicy po tayo.
-Author
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.