GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 9
BRIOHNY POV
Pauwi na kami ngayon nina Zayne at nalaman nila na inaway ako. Gusto nga nilang balikan at awayin daw nila at lalo na si Zayne, kalalaking tao pumapatol sa babae. Sabi niya basta ako daw, kaya niyang gawin ang lahat."Zayne, Andrey, Lester at Ariela... Ang OA niyo. Pinapunta na kami sa Dean's Office kanina at bukas pinabalik ako" sabi ko
"Ha? Pinabalik ka ni Daddy? Samahan na kita" sabi ni Zayne
"Sige. Mad mabuti pa. Daddy mo naman yun" sabi ko.
"Kaya nga. Para ipakilala kita sa kanya" sabi niya sabay wink sa akin.
"Takte! Haha huwag nalang"sabi ko sabay tawa
---
Inihatid na niya kami sa bahay.
"Salamat sa paghatid. Naaabala ka pa dahil sa amin. May kotse at sundo naman yung tatlong yun ikaw pa talaga ang ginawang Driver" sabi ko."Ano ka ba. Okay lang sa akin. Mga kaibigan ko rin naman sila at ikaw.. Hehe alam mo na. Haha"sabi niya sabay tawa
"Sira ka talaga! Hahaha. Kaya nga nahihiya ako. "Sabi ko sabay kamot sa batok.
"Sus! Ang cute cute mo talaga"sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
"Tss! Sige na. Umalis ka na. Mag-iingat ka, okay? " sabi ko at tumango lang siya sabay ngiti.
CLERK POV
FLASHBACK
"I saw what you guys did to her! Gawin niyo ulit yun and i'll make sure na mawawalan kayo ng ulo"pananakot ko sa kanila. Of all things bakit pagpugot pa ng ulo ang pumasok sa isip ko."Baby naman! Para naman yun sayo. Nilalandi ka kasi niya" sabi ng babae
"Just shut up. And umalis na kayo"sabi ko.
END OF FLASHBACK
"Aish!! Bakit ko ba nagawa yun. Sa tuwing napapahamak siya, nararamdaman ng katawan ko"'Sino ba ang babaeng yun sa buhay ko.? Bakit iba ang epekto niya sa akin. Nakakabwesit! Sinasayang ko lang oras ko sa kanya. Bigla-bigla nalang kumikilos tong katawan ko na di ko namamalayan'
Nasa kwarto na ako at nagpahinga. Nakahiga na ako sa kama hanggang sa nilamon na ako ng antok at tuluyan ng natulog
---
BRIOHNY POV
"Briohny? " tawag sa akin ni Andrey at inakbayan naman ako ni Lester at kumapit sa braso ko si Ariela."Ang bigat ng braso mo, Lester" reklamo ko
Sabay sabay na kaming pumasok sa building hanggang sa nakarating na kami sa classroom. Nakita ko si Clerk na isinubsub ang mukha niya sa desk niya at si Zayne na man kumaway lang sa akin at umupo na ako.Tapos na ang unang subject sa umaga at wala kaming guro ngayon dahil may emergency meeting sila, tungkol siguro sa pagkakaroon ng Foundation Week sa school.
Magulo ang classroom dahil ang mga kaklase ki ay nagbabatuhan ng kung ano-ano, panay ilag naman ang iba, yung iba nagkakantahan, nag-uusap at iba pa.
"Natamaan niyo ang Clerk namin! "
Natamaan si Clerk sa may ulo dahil sa notebook na itinapon at sa kanya napunta. Natutulog pa naman to kanina pa.
Ingat niya ang ulo niya sabay kurap sa mata at tumayo, bigla naman natuod ng wala sa oras ang mga kaklase kong lalaki ngunit lumakad lang siya at lumabas sa silid. Tumayo naman ako para sundan siya ng bigla akong pinatawag
'Tss! Malas naman o!'
"Briohny? Samahan na kita sa Office ng Dean" sabi ni Zayne.
"Huwag na lang. Babalik lang naman ako kaagad. Di naman siguro ako tatagal don" sabi ko at nginitian siya
---
Padabog akong naglakad papuntang office ng Dean.
Kumatok na ako at may narinig ako na nagsabi sa loob na "Come in "
-----
MR. WENSTON POV
(DEAN)
Pinatawag ko na siya. Tinignan ko ang kwentas at unti-unti na itong umiilaw hanggang sa naging umilaw pa ito ng todo.'Siya na nga'
Narinig kong may kumatok at pinapasok ko na ito
"Come in" sabi ko at pumasok na siya
Tumawa lang ako sa isipan ko
"Ano pong kailangan niyo, Mr. Wenston? " tanong niya
Ngumiti ako bago nagsalita
"Ayaw mo bang umupo" sabi ko. Nakatayo lang kasi siya medyo malapit sa pinto at umiling lang ito
"Okay lang po ako" sabi ko
"Meron tayong Foundation Week. And as a one of the best student ay ikaw ang magto-tour sa mga estudyante sa ibat-iba school patungkol sa school natin. " sabi ko
'Bat ba ang tagal nila'
---
BRIOHNY POV
Kanina pa ako nakadama ng hindi maganda. Ang creepy kasi ni Mr. Wenston kung ngumiti. Parang may mangyari na hindi maganda.'Tss! '
"Sige po. Wala pong problema sa akin" sabi ko ngunit tumayo ito ng biglang nahimatay si Mr. Wenston dahil may kung ano pina-amoy ang mga DS sa kanya. Oo tama kayo, limang DS ang nandito.
"Anong ginawa niyo sa kanya?! Di pa kayo tumahimik at manirahan sa impyerno. Total bagay naman kayo don! " inis kong sabi
"Tumahimik ka babae. Ikaw ang pakay namin" sabi ng DS at lumapit ito sa akin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Clerk. Nagulat naman ako. Kahit wala siyang naaalala tungkol sa akin ay pinoprotektaha niya parin ako. Masaya ako at nakadaman ng kaligtasan dahil ang lalaki na nandito ngayon ay ang lalaking pro-protektahan ako
"Cl-clerk? " tawag ko at tinitigan niya lang ako at umiwas agad.
"Ang taga sundo. Naging tao na siya. Diba siya yan? "DS1
"Ano bang klaseng nilalang kayo, at ano ang pinagsasabi niyo diyan?! " inis niyang tanong
"Ibig sabihin madali na natin siyang matatalo"DS2
"Saniban natin"DS3
"HAHAHA walang kwenta"DS4
"Clerk? Umalis ka nalang. Tama sila tao ka na. Wala ka ng laban sa kanila. Ako naman ang pakay nila eh" sabi ko at tinignan niya ako ng masama bago siya nagsalita
"Ano bang pinagsasabi mo.? Sino ba yan sila? Ang papangit. Tss! Pwede ba! Bakit ka laging pumapasok sa gulo. Nakakainis! Bakit ba sa tuwing nasa kapahamakan ka, nararamdaman ko.? Sino ka ba?! " inis niyang sabi sa akin
"HOY! May panahon pa talaga kayo para mag-away? Sabagay kukunin na namin ang babaeng yan kaya magpaalam ka na"DS1
"HINDI KO YAN HAHAYAANG MANGYARI AT HUWAG NIYO AKONG SABIHAN NG TAGASUNDO" inis niyang sigaw sa kanila.
'C-clerk'
"Ang papangit niyo. Psh! "Siya
"Pasalamat ka gwapo ka. " DS4
"Tss! "Siya
"Dami mong satsat. Dakpin ang babaeng yan! "DS1
Sinugod na nila si Clerk. Nakakatuwa dahil kahit wala siyang naaalala ay inililigtas niya parin ako sa kapahamakan. Kahit tao na siya di parin nababawasan ang galing niya sa pakikipaglaban ngunit natatakot parin ako kasi tao na siya.
Sinakal niya ang DS4 at binalibag sa pader. Nilapitan niya ito at tinadyakan sa ulo dahilan para maglaho ng tuluyan. Lalapitan niya sana ang isang DS ng bigla itong naglaho.
Nilapitan ko si Mr. Wenston ngunit di ito magising, mabuti nalang at dumating si Zayne.
"Anong nangyari dito Briohny? Sinundan kita tas ito makikita ko. "Zayne
"Okay ka lang ba? "
"Dalhin mo sa hospital ang papa mo Zayne. Okay lang ako"ako
Nilapitan niya ang papa niya at tumawag ng ambulansya.
"Anong nangyari? "Taning niya na halos maiyak na.
"Kung sasabihin ko sayo baka di ka maniwala. " sabi ko at niyakap ko lang siya.
Lumabas na si Clerk at iniwan kami rito sa office ng Dean.
Yan na ang update.
SALAMAT SA PAGBABASA
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
-author
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.