Chapter 15

72 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE   CHAPTER 15
         GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 15
           BRIOHNY POV
Isang araw na ang nakalipas sa mga nangyari noong sabado at lunes na ngayon.

'Makikita ko na naman siya'sabi ko sa sarili habang naglalakad papuntang school. Masakit parin ang puso ko na may halonh selos at inis sa babaeng yun. Akala mo kung gaano na niya talaga ka kilala si Clerk eh di pa nga siya nangangahalati.

Nasa school na ako at nahlalakad ako ngayon sa pathway ng nakayuko. Wala ako sa mood ngayon, inaantok rin ako dahil ilang araw na ako di makatulog kakaisip sa kanya.
----
           CLERK POV
Nakita ko siyang naglalakad na nakayuko habang pinahbunulungan siya ng mga estudyante. Tinitigan ko lang siya at nakasunod lang sa kanya.

Naisip ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin. Pilit kong inaalala ang mga sinasabi niya, di naman siya baliw o ano para lang gumawa ng ganong istorya, mahirap maniwala lalo pa't kahit anong pilit ko sa isipan ko wala talaga. Nagising lang ako sa isang lugar na ang naaalala ay ang pangalan ko, wala ng iba. Ngunit bakit niya nasasabi ang lahat ng yun? Di kaya nagsasabi siya ng totoo. Minsan nga may nararamdaman akong kakaiba pagdating sa kanya, kusang kumikilos ang katawan ko na di man lang dinidektahan ng isip ko. Sa tuwing nasa panganib siya nararamdaman ko, at kapag nasasaktan siya, nasasaktan rin ako.. Akala ko nong una wala lang to ngunit ng sinibukan kong saktan ang damdamin niya,  sabihan ng masasakit na salita nararamdaman ko rin yun lalo na ngayon na alam ko na malungkot siya.

Umupo siya sa upuan niya na para bang di ako pinansin. Iniwagayway pa ng lalaki ang kamay sa harapan niya ngunit wala parin epekto to, sinubsob lang niya ang mukha niya sa desk niya. Tinignan naman ako ng masama ng lalaki, Zayne ata pangalan nito.

"Bro? Anong nangyari diyan? "

"Haays. Hayaan nalang muna natin, Lester"sabi niya sa lalaki.

"Sinaktan mo ba besty ko?!"

"Ariela kahit kailan hindi ko kayang saktan si Briohny. Hindi katulad ng iba diyan. Napakamanhid." sabi niya at naguguluhan naman ng kasamahan niya.

'Pinaparing-gan  niya pa ako. Tss.!  Pero bakit parang nagui-guilty ako. Im the reason who put her into that kind of situation right now. Baka nga totoo ang sinasabi niya---na siya ang babaeng pinakamamahal ko at kabiyak ng puso ko. '

Dumating na ang guro, ngunit natutulog parin siya, gigisingin sana siya ng guro ngunit pinigilan ito ni Zayne.

"Let her" sabi ni Zayne ng seryoso

"Okay po, Mr. Hyun"sabi ng guro kay Zayne.

Lumabas na ang lahat para mag-lunch. Tumayo na ako at iniwan siya dahil nandon naman ang kasamahan niya.

Mamaya pala may family dinner kami, kasali si Mr. Smith. Pag-uusapan daw kung kailan yung enggagement party, pero di ako pupunta. Ayaw kong pumunta dahil parang sinasabi sa akin ng puso ko na huwag.
----

        BRIOHNY POV
Nakatulog pala ako sa buong klase at di ko namalayan na lunch time na pala.

"Grabe! Ang hirap mong gisingin besty. Balak ko na sana buhusan ka ng yelo" sabi ni Ariela.

"Nagpupuyat ka ba, Briohny? Wala ka namang dapat na pagpuyatan" sabi ni Andrey.

"Sana nga wala" tipid kong sabi at lumabas na kaming lima.

Pagkatapos kong kumain ay may 30 minutes pa kami kaya nagpa-isipan ko na magpahangin muna. Sasama sana sila ngunit sinabi ko na kailangan kong mag-isa muna.

Sobrang sarap ng simoy ng hangin na para bang nakakagaan ng loob. Nasa garden ako ngayon, pumipitas ng mga bulaklak at tinatanggal-tanggal ang petals nito, kung may kaya lang tong magsalita nagmamakaawa na to sa akin na tigilan ko ang ginagawa ko.

Sumandal ako sa may puno. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may biglang umubo na kung saan. May TB ata to eh!
Nilingon ko to at laking gulat ko dahil siya ang nandito ngayon. Tinignan niya ako ng walang kahit anong emosyon na makikita mo sa mukha mo, pero kahit ganon gwapo parin siya at mas gumagwapo siya pag-ngumiti siya ulit. Alam ko na sa akin niya lang pinapakita ang ngiti niya na papangarapin talaga ng lahat.

"Can i sit beside you? " sabi niya at bumalik naman ako sa reyalidad ng nagsalita siya. Tumango lang ako at walang kahit nagsalita sa aming dalawa. Para na nga akong baliw na kakaisip kung ano ang sasabihin ko. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Ipaalala mo sa akin ang lahat. Huwag kang sumuko. Gagawin ko anh lahat para malala ka. Sorry sa lahat. " sabi niya ngunit napako lang ang tingin ko sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Di ba ako nananaginip?! Kung ganon. Ayaw ko ng magising.

"Hindi pumasok sa isip ko na sumuko,  dahil yun yung ipinangako ko sayo nong umalis ka. " ngiti kong sabi sa kanya at ngumiti siya ng ubod ng tipid. Naman eh! Nilubos mo nalang sana.

"I'm sorry. " sabi niya ulit.

"Ayos lang" sabi ko sa kanya ngunit di ko parin maiwasan na  naka-arrange mariage na siya.

Kahit na! Hindi ko hahayaan na maikasal siya sa iba. Alam ko na ayaw niya ring maikasal. Alam ko yun.

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
-AUTHOR    

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now