GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 3BRIOHNY POV
Nagising ako ng maaga, di ko nga alam kung bakit ang excited kong gumising. Dumiretso na ako sa banyo and do my daily routine.
After an hour tapos na ako kaya nagpaalam na ako kay mama para pumasok. 8:00 pa ang klase ko at 7:00am pa, kaya naisipan kong pumunta sa park kung saan kami lagi ng Grim Reaper.
Habang nakaupo ako don at tanaw ang lawa ay nag-iisip ako ng kung ano-ano.
'Nasaan ka na mahal ko. '
'Siguro gwapo ka parin ngayon ng sobra. Paano pa kaya kung maging tao ka na.'
Tahimik lang akong pinagmamasdan ang lawa, di ko na malayan na umiyak na naman ako, nagbuntong hininga muna ako bago pinahid ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko. Ilang minuto din ako na ganon kaya naisipan ko nag tumayo at naglakad paalis don. Muli kong tinanaw ang lawa, muling ko na naman inalala ang masasayang alaala naming dalawa na sana ay di niya nakalimutan.
Ilang minuto ng paglalakad ay nakarating na ako sa school tanaw ko na ang gate ng school, papasok na sana ako ng biglang may sasakyan na pinaharurot ang papasok ng school building, kaya napailag ako ng wala sa oras at muntikan ng matumba. Hinabol ko yung sasakyan hanggang sa makarating ako sa parking lot.
'Bwesit! Muntikan na ako don ah! Lagot a sa akin'sabi ko sa sarili.
Papalapit na sana ako sa sasakyan na kulay itim at nakita ko kung sino ang bumaba, tinunoon ko ng mabuti ang aking mata sa isang lalaki at bigla nalang akong umiyak, sobrang saya ng puso ko. Magsasalita na sana ako ng papalapit siya sa akin ng bigla niya akong nilagpasan, na di man lang nakatingin sa akin. Halos madurog ang puso ko. Nilagpasan niya lang ako na parang isang hangin. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Iyak lang ako ng iyak ng may biglang umakbay sa akin.
"What the! Bakit ka umiyak?! " alalang tanong ni Zayne.
"Huhuhu. Wa-wala l-lang. Hehe" iyak kong sabi sabay pahid sa mga luha ko at tumawa ng pilit. Kumunot lang ang noo niya kaya hinayaan ko lang siya.
'Alam ko na siya yun. Dama yun ng puso ko. '
Naglalakad na kami ni Zayne ng nakasalubong namin sina Ariela, Lester at Andrey.
Sabay sabay na kaming pumasok at hinihintay nalang na dumating ang guro. Maya-maya lang nakarating na ang guro at tinignan kami bago nagsalita with a smile on her face.
"Class, i have an announcement. We have a transferee. " sabi niya habang nakangiti parin. Ako na man kinakabahan habang ang mga babae ay tumitili dahil baka yun na daw yung transferee na pinag-uusapan nila kahapon.
"Please come in" sabi ng guro habang nakangiti parin. Pumasok ang isang matangkad at makisig na lalaki, alam na alam ko ang lahat, maging ang tinding niya at kahit likod pa to makikilala ko siya.
Nang humarap na siya.
"Aaaahhhhh.. Ang gwapo. Grabe"
"Hi. Saakin ka na tumabi. Bestfriend lumayo ka muna sa akin siya diyan"
"No dito siya! Waahhh. Sobra gwapo niya"
"Class! Be quiet! " sigaw ng guro.
'Siya nga'sabi ko sa sarili at ang sobrang saya ko.
'Ibig sabihin dito na siya mag-aaral? '
Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Sabihin sa kanya na sobrang miss ko na siya. Miss na miss. Pero di niya ako kilala.
"Hi everyone. Im Clerk Maynard Hyun" walang emosyong sabi niya. At natawa lang ako sa isip ko. Ganon parin siya. Walang pinagbago. Mapa- taga-sundo man o tao.
Nagsisigawan na naman ang mga kaklase kong mga babae at tili ng tili, nakakarindi sa tenga nakisali pa si Ariela. Si Zayne naman tahimik lang.
"Na! Haha may mas gwapo na sayo bro" mapang-asar na sabi ni Lester ngunit tumawa lang to.
"Kaya nga eh. Mas okay na yun na mawala na ang atensyon nila sa akin para di na nila pag-initan si Briohny" ngiting sabi niya kaya ngumiti lang ako ng pilit. Magkatabi kasi kami ni Zayne sa likod namin ay ang tatlo, sa kanan ko sa may pinto, bakante to, bag ko lang ang umuupo rito.
'Clerk pala pangalan mo. Nakakatuwa naman mahal ko may pangalan ka na at bagay lang sayo'
"You can sit beside Ms. Park" sabi ng guro. Miss park? Diba ako yun. Naku naku bilis ng tibok ng puso ko. Para akong natuod sa kinauupuan ko, nanigas ang buong katawan ko at tanging kabog ng pusp ko lang ang naririnig ko at ang yabag niya na papalapit sa akin.
Habang papalapit siya sa akin para naman naging slow mo ang lahat. Nang nakaupo na siya sa tabi ko ay nabalik na ako sa reyalidad. Para ngang akong tuod na di makagalaw.
Gusto ko siyang lingunin at kausapin. Miss ko na talaga siya. Miss na miss na kita, my soulmate.Nagsimula na ang klase at maya maya lang ay tapos na ito.
-----
Nakita ko siyang tumayo kaya dali-dali din akong tumayo at iniwan ang apat don. Kailangan ko siyang makausap. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat. Dapat niyang buksan ang puso at isip niya. Kailangan. Dahil gusto ko na bumalik kami sa dati.
"Hintay! " pasigaw kong sabi at lumingon siya sa akin.
"Yes? " walang emosyon niyang sabi at gusto ko namang umiyak. Ang sakit pala sobra pag di ka matandaan ng taong mahal mo. Wala rin kasiguraduhan kong makikilala niya pa ako. Pero hindi ako susuko. FIGHTHING!! Fight lang Briohny. Umpisa pa lang to.
"Cle-clerk right? Amf-uh"utal kong sabi na nakayuko. Any minute I can feel in my eyes the tears that wanted to let go pero pinipigilan ko ito.
"What it is? " tanong niya at lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Di ko na mapigilan ang sarili ko. Sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil ang lalaki na mahal ko ay nasa harapan ko ngayon. Masaya ako at ayos lang siya.
"Ikaw nga! Huhuhu miss na miss kita. Di mo ako naalala? " iyak kong tanong. Wala akong paki-alam kong pinagtitinginan nila ako at sinasabihang malandi. Ang importante sa akin ngayon ay makausap siya.
Kumunot lang ang noo niya at binawi ang kamay niya.
" I don't know you" sabi niya at tinalikuran na niya ako. Umiyak lang ako habang pinagmamasdan ang likod niyang hanggang sa lumiko na ito papuntang cafeteria. And this time I cannot hold on the tears right now, para itong waterfalls na walang tigil sa pag-agos. Sobrang sakit. Sobrang sakit dahil hindi ka na kilala ng taong pinakamamahal mo, ang taong kabiyak ng puso mo.
Hahaha. Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry rin sa typos-AUTHOR
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.