Chapter 13

64 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 13
          
                BRIOHNY POV
Sabado ngayon kaya naisipan kong puntahan si Clerk. Papara na sana ako ng taxi ng nahagip ng mata ko ang sasakyan ni Zayne. Bumaba ito ng may ngiti sa mukha.

"Briohny? " tawag niya

"Bakit ang aga mo naman rito" sabi ko. Eh, pupuntahan ko si Clerk eh.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita, my love. " naka-pout niyang sabi.

"Di naman. " sabi ko

"Ah! Bago ko makalimutan may sasabihin ako. Gising na si papa kaninang umaga kaya nga pumunta ako rito para ibalita sayo. " sabi niya at ngumiti lang ako.

"Mabuti naman" tipid kong sabi.

"My love, namamaga ata mata mo ngayon ah" sabi ni Zayne at lumapit sa akin sabay titig sa mata ko. Umiwas naman ako ng tingin.

"Si-siguro nasobrahan ng tu-tulog" pagsisinungaling ko.

"Huwag mong sabihin umiyak ka na naman kagabi" sabi niya.

"Di nga! " inis kong sabi.

"Hahaha. Pangit mo pag mainis. Hehe. By the way. Gutom na ako, di pa ako nakapag-breakfast. Samahan mo ko" pout niyang sabi sabay himas sa tiyan niya. Tss! Parang bata talaga.

"Sige" sabi ko at hinila na niya ako papasok ng sasakyan.

'Mamaya nalang siguro ko siya pupuntahan'
---
Huminto kami ni Zayne sa isang Restaurant. Pinagbuksan na niya ako at lumabas na ako sa kotse.

"Waiter! " tawag niya.

"Yes sir. Can i take your order.?" sabi ng waiter.

Nag-order na siya ng makakain namin. Tumayo ako at nagpa-alam sa kanya para mag-cr.

May babae na pumasok at mukhang familiar siya sa akin. Binalewala ko na lang at lumabas na don.

"Tagal mo. Nagugutom na ako" sabi niya

"Ba't di ka pa kumain eh nasa harapan mo lang pagkain" sabi ko.

"Gusto ko makasabay ka. " sabi niya at natawa lang ako. Parang ewan.

Nahinto ang pag-uusap namin ni Zayne ng nahagip ng mata ako kung sino yung papasok ng Restaurant. 2 matanda, yung babae at si Clerk. Naka-formal attire sila. Ang gwapo niya tuloy. Ngunit biglang sumakit ang puso ko ng kumapit ang babae sa braso niya. Yumuko ako upang di makita ni Zayne na umiiyak na naman ako.

"Sino bang--" putol niyang sabi ng nakita niya rin si Clerk with that lady.

"So that's the reason kung bakit ka umiiyak ngayon. Please Briohny, nasasaktan ako pag-umiiyak ka. " sabi ni Zayne kaya pinahiran ko ang luha ko sabay ngiti.

"Opo di na po ako iiyak. "Sabi ko.

"Good"siya

"Kapag andiyan ka. " sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Briohny naman eh. So dapat pala lagi lang ako sa tabi mo para di ka umiyak?! " inis niyang sabi

"Hehehe" ako.

Tinitignan ko sila. Yung mesa namin ni Zayne ay malapit sa bintana, sila nasa pang-limang mesa sila. So makikita mo lang sila ngunit di mo maririnig.

"Zayne? " tawag ko sa kanya habang kumakain

"Lapitan natin" sabi ko kaya muntik na niyang mailuwa ang kinakain niya.

"Tumigil ka nga. " suway niya kaya nag-pout lang ako.

"Sige na please. Gusto ko kasing marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. " sabi ko at nagbuntong hininga muna siya bago tumayo.

-----

             CLERK POV
Sa amin ng sta-stay sina Mr. Smith ang business partner ni Lolo. Sobrang aga pinagising ako dahil magkakaroon daw kami ng breakfast sa labas together at may announcement rin si lolo sa akin which is may nararamdaman ako ng di maganda.

Pagpasok namin sa Restaurant ay nakita ko si Briohny with a guy. Hindi ko maintindhan ang nararamdaman ko parang may kakaiba sa puso ko. Alam ko na tinititigan niya ako, minsan nga lagi kong iniisip kung sino nga ba siya sa buhay ko, naging parte ba siya ng buhay ko?

"Tahimik mo naman Clerk" sabi ni Lolo

"Is there something bothering you? " tanong ng babae na nasa tabi ko.

"Nothing" walang gana kung sabi.

"Amf-both of you before we forget. My announcement kami sa inyo. Since Mr. Hyun and i,  are business partner and also a great friend, we have decided that you and my granddaughter Prexy will be enggage,  we plan this arrange marriage for the better outcome and strong foundation of our business, right Mr. Hyun? " sabi ni Mr. Smith and i was so shock hearing those thing from them. Wala sa isip ko na pumasok sa ganyang bagay, di ko alam kong bakit parang tumututol ang sarili ko.

"Yes, i know you guys like each other. This arrange marriage will be good for the two of you. Alam mo naman Clerk na family friend natin sila, na mention ko yun sayo diba. Di ka naman siguro tutol, diba apo? " sabi ni lolo at tinitigan ako ng nakangiti, nagbuntong-hininga nalang ako at nag-aalinlangan na tumango.

May narinig ako bagay na parang nabasag na kung saan. Nakita ko siyang tumakbo palabas at sumunod naman yun lalaki.

Yan na amg update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment

Haaysss. Motivate me guyses. Huhuhu. Djoke lang.

-Author

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now