GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 12
BRIOHNY POV
Nasa tapat na ako ng bahay. Bumaba na ako sa taxi ng nahagip ng mata ko ang sasakyan ni Zayne sa tapat ng bahay namin. May narinig akong tawanan sa loob kaya dali-dali kong pinahid ang mga luha ko at umakto na parang wala lang."Briohny, anak. Kanina pa si Zayne dito"sabi ni mama at tumango lang ako.
"Nakakatawa pala to si Kuya Zayne, ate"sabi ni Keyle at ngumiti lang ako ng pilit.
"Sige na, iwan muna natin sila Keyle. Maghanda muna tayo ng hapunan"ngiting sabi ni mama at hinila si Keyle. Padabog naman itong sumunod, alam ko na gusto niyang makipag-usap pa kay Zayne.
"Okay ka lang? " tanong niya
"Ha? Ah-Oo naman"sabi ko
"Ang papa mo? " tanong ko sa kanya.
"Galing ako don sa hospital. Wala silang makitang kahit anong palatandaan kung inataki ba siya sa puso o ano."siya
"Ano ba talaga ang nangyari? " tanong niya.
"Baka kasi sabihin ko sayo di ka maniwala" sabi ko.
"Basta ikaw maniniwala ako. " ngiti niyang sabi
"Eh kasi nakakakita ako ng mga kaluluwa at ang masasamang kaluluwa na di na pinayagan na magkaroon ng panibagong buhay. Yung sa daddy mo, meron kunh anong pina-amoy sa kanya at nahimatay siya" sabi ko at nakikinig naman siya.
"Dahil sa kakayahan kong to, lagi akong binubully, kinatatakutan, nilalayuan ako, at dahil din dito may napahamak at namatay ng dahil sa akin. " iyak kong sabi.
"Ngunit sa kabila ng masasamang bagay na dulot nito, ay may katmbas namang saya. Nang dahil dito nakilala ko ang lalaking mahal ko"sabi ko.
"Si Clerk? " tanong niya at tumango ako bago nagsalita.
"Oo, si Clerk isa siyang Taga-sundo o mas kilalang Grim Reaper. Hindi siyang ordinaryong Grim Reaper dahil dati siyang kaluluwa at nakatadhana na maging Grim Reaper, at ngayon isa na siyang tao ng dahil sa akin dahil ako ang soulmate niya, ako ang nagpalaya sa kanya. Kaso nga lang di na niya ako maaalala" iyak kong sabi at niyakap lang ako ni Zayne.
"Shh. Tahan na. Naniniwala ako sa sinasabi mo dahil hindi ka nag-iisa" sabi niya at kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako nakakakita na gaya mo ngunit naririnig ko lang sila, ang mga kakaibang ingay na alam ko di na buhay. Minsan nong bata pa ako halos mabaliw ako sa mga naririnig kong mga ingay hanggang sa nasanay na ko at di ko na matukoy kung aling ingay na, kung sa tao o sa mga kaluluwa na kinakausap ako at mnsan kahit walang tao ay may naririnig akong nag-uusap at dah don nasanay na ako, binabalewala ko na lang. Hindi ko nga sinabi kay daddy baka di siya maniwala" sabi niya.
"Di ba ganon ang daddy mo, o kahit sino sa pamilya mo? " tanong ko
"Di naman ganon si daddy, wala naman akong kilala sa pamilya ko" sagot niya.
"Pansin ko, kanina pa namumula ang ilong mo" sabi niya
"Umiiyak ka ba kanina? " tanong niya at tumango lang ako.
"Ayaw ko na nakikita kang umiiyak Briohny dahil alam mo na mas doble sa akin yun, kung nasasaktan ka, masasaktan din ako. Gagawin ko ang lahat para di ka mapahamak o masaktan. " sabi niya habang hinahawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at inipit sa tenga ko.
"Dahil ba kay Clerk? " tanong niya.
"Ano ka ba! Di no. Haha. Napuwing kasi ako kanina" palusot ko.
"Hmm. Ikaw talaga. " sabi niya at narinig namin na tinawag na kami ni mama para kumain.
Sa amin ng kumain si Zayne, maya-maya umuwi narin siya dahil babantayan niya pa papa niya sa hospital. Ako naman nasa kwarto na ako, umiiyak parin.
'Bakit ba napaka- iyakin ko. Ang bigat-bigat na ng puso ko. Alam ko na di maialis sa isip ko na baka di na niya ako maalala at ang babaeng yun ang mamahalin niya, alam k na wala pang kasiguraduhan ngunit di ko maialis sa isipan ko ang mga bagay na iyon na baka di na talaga ako maalala ng mahal ko. Di ko kaya.' sabi ko sa sarili habang nakasubsob ang mukha sa unan.
Tama nga sila, ang unan mo lang ang nagiging karamay mo sa tuwing umiiyak ka, siya ang saksi sa lahat ng kalungkotan mo na ayaw mo ipakita sa iba.Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
----
THIRD PERSON POV
Pinuntahan ng matandang orakulo si Mr. Wenston kasama ang mga ilang Dark Souls. Pinagmasdan nilang natutulog si Mr. Wenston. Dahan-dahang lumapit ang Orakulo at inilabas sa kanyang bulsa ang kulay dilaw na likido at binuhos sa bibig ni Mr. Wenston."Mahal na orakulo? Ano po yan? " tanong ng kanyang alagad.
"Itong likido na binuhos ko sa bibig niya ay magbibigay sa kanya ng karagdagang lakas at kakayahang makita tayong mga kaluluwa at bukas na bukas din ay gigising na siya, mawawala na ang bisa ng pampatulog. Kailangan na niyang magising upang makaplano tayo ng mabuti para sa gagawin natin pagdakip sa babae" sabi ng matandang orakulo at naglaho na sila.
Yan na ang update.
Sorry sa paghintay. Busy kasi si Author. Bukas babawi ako. HeheSalamat sa pagbabasa at sa walang sawang pagsuporta sa story ko.
Sorry sa typos.Kindly vote and comment guys.
-Author
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.