GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 24
BRIOHNY POV
Ngalalakad kami pabalik ng building.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng hinawakan niya ang kamay ko at may nilagay na----panyo."Tanggalin mo yang make up sa mukha mo. " utos niya.
Tinignan ko yung panyo.
'Waah. Ang panyo niya. Itatago ko to. '
"Ito ba ang gagamitin ko? " tanong ko.
"Ang bobo mo naman. Syempre yan" inis niyang sabi.
"Ewan ko sayo! Pasalamat ka mahal kita" sabi ko at sinunod ang pinag-uutos niya.
Habang pabalik sa booth namin namin ay nakasalubong namin ang dalawang taga-sundo. Tinignan ko si Clerk at nakatuon ang mata niya sa dalawa.
'Nakikita niya rin sila'
"Brio---Waaaahhhhh. Broo! Kamusta?! "GR1 at tumakbo ito pappalapit sa amin at niyakap si Clerk. Kumunot naman ang noo ng isa at parang naiinis na.
"Who the hell are you! Let go. " sabi niya at tinulak niya ang si GR1
"Oh sorry. Di mo pala kami naaalala"GR2
"Sino sila? " tanong niya sa akin sabay tingin sa dalawa simula paa hanggang sa ulo.
"Mga taga-sundo sila. Kagaya mo noon. Diba sinabi ko na sayo na isa kang taga-sundo noon, isang kaluluwa na nakatadhana na maging isang taga-sundo. Ikaw pa nga ang pinakamagaling sa lahat eh. Mga kaibigan mo sila noon" pagpapaliwanag ko.
"Briohny? May sasabihin kami sayo"GR1
"Di ba kayo nag-enjoy? " tanong ko.
"Nag-enjoy naman pero--amf. Ma--"GR1
"May umaaligid na DS. May naramdaman kami na may DS sa school niyo, sa taas ng building" GR2
"Ako dapat nagsabi non.! Epal ka! "GR1 at binatukan ang kasamahan niya
"Bagal mo eh! "GR2
"Totoo ba yang sinasabi mo? " tanong ko sa dalawa na nag-aaway ngunit di ako sinagot kasi nagbabangayan ang dalawa sa harapan namin.
"Tumigil kayo! Punyeta! " inis kong sabi sa kanila at dali-dali naman itong tumigil at umaakting na parang walang nangyari at pataghoy taghoy pa ang dalawa. Huminahon muna ako bago nagsalita.
"Now. Totoo ba ang sinasabi niyo? " tanong ko.
"Isa kaming Grim Reaper, Briohny. Matalas ang pakiramdam namin sa mga paligid, at naramdaman namin sila na nandito kaya mag-ingat ka" GR1
"Excuse me. I'm here. Di ko kayo naiintindihan" sabi ni Clerk at tumawa naman ang dalawa, ayan tuloy sinamaan sila ng tingin.
"You two! Explain! Kung ano yung sinasabi niyo sa kanya! If you dont want be to cut each of your head. " sabi niya.
"Geez. Di parin nagbago. Pagdating sa kanya para kang leon ah. "GR1
"OPO! magpapaliwanag na"GR2
"Kasi po may DARKSOUL na umaaligid sa school niyo at ang puntirya nila ay si Briohny. Alam ko na di mo na maalala ngunit kailangan nila si Briohny dahil siya lang ang makakabukas sa kahon kung saan mo kinulong ang mga pinuno ng mga DARKSOUL"GR1
"DARKSOUL? " naguguluhan niyang tanong
"Yung mga pangit" sagot ko.
"Oooh. Them. Yung gustong dumakip sayo" sabi niya at tumahimik na, na para bang nag-iisip ng kung ano.
"Oo, kaya bantayan mo yang babaeng mahal mo"GR1
"Tss! " siya
"Sige na. Balik na kami Briohny. Ibabalik na namin yung tatlong kaluluwa" GR2
"Sige, salamat" sabi ko at naglaho na silang dalawa.
-----
ZAYNE POV
Habang busy ako sa pag-aayos ng mga papers ay biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako nito at hinihilot. Pag-gising ko kaninang umaga, napapansin ko na may ugat na itim sa leeg ko, yung katawan ko naman ay parang bumibigat na para kang nilalagnat.Pagkatapos ko sa lahat-lahat ay pumunta na ako sa booth namin, nabalitaan ko rin na malaki ang kita ng dalawang booth dahil kay Briohny at Clerk. Speaking of them, magkasama silang dalawa.
'Mabuti ayos lang siya. '
"Zayne! " tawag niya sa akin at tumakbo papalapit sa akin. Kumunot naman bigla ang noo nito at tinignan ako ng mabuti
"Okay ka lang? Maputla ka ata? " tanong niya at iniligay niya ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Hmm. Di ka naman mainit" sabi niya sabay lagay din ng palad niya sa noo niya na para bang kinukumpara ang temperatura naming dalawa.
"Ayos lang ako, Briohny"sagot ko.
"Besty, halika na dito" tawag ni Ariela sa kanya.
"Sige na. Bumalik ka na don. Mag-serve ka na. Maraming tao o" sabi ko at ngumiti muna siya sa akin saka siya tumakbo papunta kina Ariela.
Naisipan ko na rin magpahinga muna sa clinic.-----
BRIOHNY POV
Tinignan ko si Zayne at nakita ko na lumabas ito sabay hilot sa batok niya. Mabigat din ang paghinga niya.
Napapansin ko talaga na hindi maganda ang pakiramdam niya.
Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng mga order.Naghuhugas na ako ng baso ngayon at ito naman si Clerk nasa likod ko. Naiilang tuloy ako kasi may nagmamasid sa akin.
"Wala ka bang ibang gagawin? " tanong ko rito.
"I was just curious. Ano si Zayne sa buhay mo? " tanong niya.
"Nagseselos ka ba? " tanong ko.
"No. As you said mahal kita noon, at ikaw ang soulmate ko. So ano naman si Zayne sa buhay mo" tanong niya at tinigil ko ang ginagawa ko at hinarap siya.
"Zayne is the one who stay beside me sa mga oras na walang lumalapit sa akin, sa mga oras na nangungulila ako sayo, sa mga oras na umalis ka ay siya ang nagpapatawa at nagpapasaya sa akin sa araw na halos mamatay ako kakaisip at kakaiyak dahil sa pagkawala mo. Dahil sa kanya nakayanan kong maging matatag para sa ating dalawa" sabi ko sa kanya at tinitigan niya ako sa mata.
"Oh i see. If babalik na ang alaala ko i would not let that Zayne come near to you. Your mine only and i am yours " sabi niya at iniwan na niya ako. Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga kataga na binitawan niya kanina. Para namang iwan tong puso ko kung makakabog, halos tumalon na. Di ba siya aware na sa mga salita niya pinapakilig niya ako ng sobra.
Huhuhu Clerk. Kung alam mo lang kung gaano kabaliw ang puso ko sayo.Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
What cha say people?
Sabihin niyo ang gusto niyong sabihin para malaman ko ang side niyo tungkol sa story. It's a must. Thank you readers😂😘KINDLY VOTE AND COMMENT
-AUTHOR
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.