Chapter 4

85 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 4

                    CLERK POV

Medyo nagtataka ako sa sinabi ng babae na kung na aalala ko ba daw siya, honestly, i dont know her. I just meet her.Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pangungulila sa isang tao, ang lungkot sa kanyang mata ay makikita mo talaga. Nakaramdam ako ng awa pero na we-weirduhan ako sa kanya, baka palusot niya lang yun para makapoints sa akin kagaya ng mga babae na nasa harapan ko ngayon. Pinalilibutan nila ako.

"Clerk? Pwede tumabi sayo? "

"Hindi! Ako lang Clerk please ako nalang"

"Clerk ang gwapo mo naman sobra. Hehe pwede patabi sayo. "

"Gagawin ko kahit ano para sayo. Ang pogi mo nakakalaglag panty ka naman eh! "

Hindi ako makakain ng maayos. Unang araw ko palang rito, pinaiinit na ang ulo ko.
Tumayo ako bigla kaya napatahimik silang lahat.

"Get your faces out of my sight" seryoso kong sabi but still they shouted.

"Waahh. Ang cool mo"

"Mas super gwapo ka pagmagseryoso"

"May pagka cold ka pala eh. "

'Seriously. Haays'-__-

Lumakad na lang ako at umalis don pero nakasunod parin sila sa akin, natanaw ng mata ko yung babae kanina. Nakatingin to sa akin at dali-daling yumuko.

'Ano bang problema niya. Ang weird niya ha.'

Lumabas na lang ako sa cafeteria at nagpahangin.

----

                BRIOHNY POV

Nakita ko siyang pinagguguluhan ng mga babae. Sabi ko na nga ba pag maging tao siya maraming babae na ang mababaliw sa kanya.
Nakita ko siyang lumabas kaya nagpaalam ako sa kanila na mag-cr. Pero ang totoo niyan sinusundan ko siya ngayon hanggang sa makarating siya sa garden ng school.
Nakaupo siya sa isa sa mga bench habang nakasandal ang sarili sa puno, nakapikit ito at dinadama ang hangin.

Bumilis ang tibok ng puso ko at gusto ko siyang mayakap.. at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Namimiss ko na yung pagyakap ko sa kanya ng mahigpit na nagpapagaan ng loob ko at sinusuklian niya ito ng halik sa noo.
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak. Tumikhim ako para maagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon ito agad sa akin at ngumiti ako sa kanya.  Kumunot lang ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.

"Why are you here? " walang emosyon niyang tanong.

"Gusto kitang makita. " sagot ko

"Tss! Isa karin sa kanila no? Napaka-annoying. I want to rest. You may now leave" sabi niya.

Ang sakit, sobrang sakit dahil di niya talaga ako maalala. Kailangan kong kausapin si pinuno mamaya at sabihin sa kanya ang tungkol dito.

"Hindi ako katulad nila. Hindi mo talaga ako naaalala. Pero okay lang gagawin ko ang lahat para maaalala mo ako" sabi ko sa kanya at kumunot ang noo nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?  I swear,  ngayon lang kita nakita. Pwede ba tumigil ka na. Di ako natutuwa sayo " sabi niya at ngumiti lang ako ng pilit.

"Ngumiti ka nga. Bumalik ka na naman sa pagiging emotionless mo, laging naka poker face" sabi ko sa kanya.

"Tss! Crazy" sabi niya.

"Yeah im crazy. Im crazy in love with you. " sabi ko at nginitian siya ng malapad.

"Ngumiti ka na kasi bago ako umalis dito. Ang gwapo mo pa naman kung nakangiti ka. Hehehe" sabi ko

"No! " ikli niyang sabi kaya umupo ako sa tabi niya.

"Sige na. Matulog ka lang babantayan kita diyan. Katulad ng pagbabantay mo sa kin non" sabi ko at nginitian siya.

"Tss. Whatever. Baliw kang babae. Nice rin ang pamamaraan mo sa pagpapapansin no"seryoso niyang sabi.

Grabe. Ang sakit naman non.*pout*

"Lage kaya kitang binabantayan kapag natutulog ka. Hahaha yu-yung mga araw na malapit mo na akong iwan" sabi ko at tumawa ng mapakla

Tumahimik na ako at
pinagmamasdan ang mukha niya na sobra kong namiss.

Nakapikit na kasi siya ngayon at binalewala ako. Di man lang umimik nong nagsalita ako.

'Ipaalala ko sayo ang lahat mahal ko. Maghintay kalang. Gagawa ako ng paraan'

-----

                  ZAYNE POV
Nung umalis si Briohny ay sinundan ko siya,  di ko nga alam komg bakit. Basta may kutob lang ako. Akala ko sa Cr siya pupunta ngunit sinundan niya lang ang transferee na iyon. Kanina ko pa kasi siya napapansin na laging nakatitig sa lalaking yun at umiiyak nalang bigla. Nasasaktan ako pag malungkot siya.

Nakita ko siya na kinakausap ang lalaking yun. Medyo malayo ako sa kanila kaya di ko naririnig ang pinag-uusapan nila.

Kita sa mata niya ang lungkot,  pinipilit niyang pangitiin ang sarili niya. Ngunit kahit anong tago niya, ramdam ko na nasasaktan siya.

'Sino kaya ang lalaking yan sa buhay ni Briohny? Parang kilala niya to'

Masaya niyang tinititigan ang lalaki habang natutulog ito. Hinahimas niya ang buhok nito at napapangiti siya, yung ngiti na nagbibigay liwanag sa kanyang mukha, ang ngiti niya na nakakagaan ng pakiramdam..... masaya ako at nakita ko ulit ang ganong ngiti niya yung hinding pilit.  Sa ilang taon kaming nagsasama alam ko na lahat ng pinapakita niya ay peke, pekeng ngiti at pekeng tawa. Pekeng masaya.

Mahal ko siya ng sobra, at aaminin ko na nasasaktan ako ngayon at naguguluhan. Ngunit ang mga ngiti sa mukha niya habang pinagmamasdan ang lalaki, ay ang mas mahalaga sa akin dahil kapag masaya siya, masaya rin ako kahit hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti niya.

Umalis na ako don at iniwan na sila.
----

                BRIOHNY POV

Nakita ko siyang gumalaw kaya napatigil ako sa paghimas ng buhok niya. Di ko rin maiwan na ngumiti habang ang mahal mo ay nasa tabi mo at pinagmamasdan siyang natutulog kahit di niya ako naalala, masaya na ako kasi sa wakas nandito na  siya, ang kailangan ko lang gawin ay ipaalala sa kanya ang lahat.

-----

               SOMEONE POV

Hinihintay ko siya sa lumang gusali na ito. Ang isang masamang kaluluwa. Gusto ko siyang makausap.

"Ano ang kailangan mo? "

"Bakit ngayon di pa siya nagpapakita sa akin?"tanong ko

"Sinasabi ko sayo na siya ang mismong lalapit sayo. Yun ang nakikita ko. At pagnakita mo siya iilaw yang kwentas na suot mo, mapapaso ka niyan pagmalapit na siya sa yo. Gusto ko na dakpin mo siya kapalit ng kayaman na nais mo, ang maging mayaman pa sa lahat"sabi niya

"At malalagpasan ko na ang mga kayamanan ng Mr. Hyun na yun. Walang kwentang matanda. Hindi pa pinatay! "Inis kong sabi

"Bakit anong nangyari? "Tanong niya

"Palpak! Dahil may tumulong. Pero mauubos din ang swerte niya" gigil kong sabi at umalis na sa gusaling yun.

Yan na nag update. Hehe
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment

-author

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now