GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 16
ZAYNE POV
Sinundan ko si Briohny, nakaupo habang nakasandal ang sarili sa puno, nang nahagip ng mata ko na papalapit si Clerk sa kanya, nagdadalawang isip pa nga tong kung lalapitan niya ba o hindi, para ngang natatae eh.Sa ganong paraan alam ko na masaya si Briohny, mag-so-sorry ata si Clerk sa kanya. Dapat lang dahil di niya alam kung gaanong naghihirap si Briohny ng dahil sa kanya, nong wala siya, ako ang nagpapasaya sa kanya kahit wala akong alam kung bakit siya malungkot noon at parang malayo ang iniisip, ako ang nagpapasaya sa kanya kaya ayaw ko na makita siyang malungkot at nahihirapan. Mahal ko si Briohny, unang kita ko palang sa kanya hanggang sa naging magkibigan kami, mas lumalalim pa ang nadarama ko sa kanya. Pero alam ko naman kung ano ang lugar ko sa buhay niya, di man niya akong kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya kay Clerk, ayos lang sa akin. Mag-papare nalang ako. Tsk. Tsk. Sayang ang ganda kong lalaki.
Narinig ko na tumunog ang bell. Naglakad na ako at bumalik sa klase.
---BRIOHNY POV
Narinig na namin na tumunog ang bell kaya tumayo na kami at naglakad pabalik ng classroom. Nagkwe-kwento ako sa kanya tungkol sa aming dalawa at nakikinig naman siya, pero kita mo parin sa mukha niya na wala siyang maintindihan at wala siya naaalala kahit kaunti sa mga sinasabi ko. Bahala na, ang importante hinayaan na niya ako na ipaalala sa kanya. Hindi ako susuko, kayang-kaya ko to. Fighting lang."Bilisan mo ang paglalakad" sabi niya. Bumalik ako sa reyalidad, di ko namalayan na nauna siya sa akin at nakasunod ako sa kanya, medyo malayo na nga ako sa kanya eh.
Nasa classroom na kami at mainit ang mga mata nila sa akin. Kasama ko kasi si Clerk at magkasabay kaming pumasok. Eh bahala sila diyan. Mainggit sila. Kainis!
Dumating na ang guro at nagsimula ng mag-turo.
---
Tapos na ang klase at uwian na. Palabas na kaming lima ng klassroom at sumunod lang si Clerk sa likod namin. Gusto ko sana siyang kausapin ngunit bigla lang akong hinila ni Ariela.
"Teka! Saan tayo pupunta? " tanong ko kay Ariela.
"Kakain tayo sa labas. Treat ni Zayne" sabi ni Lester.
"Grabe ang kapal ng mukha niyo, siguro nangangalawang na yang pera niyo sa pitaka niyo. Lage nalang kayo nagpapalibre. " sabi ko sa tatlo at natawa nalang si Zayne.
"Ang sama mo" nakapout na sabi ni Ariela, sina Lester at Andrey naman umaakting na naiiyak. Psh! Artistahin.
Lumingon ako at nakasunod parin siya sa amin.
Syempre naman! Briohny. Ito yung daan palabas ng main gate!
Para na akong baliw kinukontra na ako ng isip ko. Huhu.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Clerk, walang emosyon naman itong nakatingin sa akin.
"Gosh! Si Clerk. Andiyan pala siya. " kilig na sabi ni Ariela.
"Yes? " sabi niya sa akin.
"Gusto mong sumama.? Gusto niyo yun diba guys? Total transferee siya dito at wala pa siya kaibigan. " ngiti kong sabi sa kanila at lumiwanag naman ang mukha ni Ariela, nakangiti sina Lester at Andrey, tahimik lang si Zayne.
"Not interested" sabi niya at nilagpasan kami.
"Ang gwapo niya" sabi ni Ariela na paheart-heart pa ang mata
"Hoy babae! Tumutulo na laway mo oh! Kadiri" maarteng sabi ni Lester at inirapan lang siya nito.
Nasa parking area na kami at nakita ko siyang papasok ng sasakyan niya.
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.