GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 26
BRIOHNY POV
Dinala si Zayne sa Clinic, babantayan ko sana siya ngunit sabi ni Nurse Joy nandon daw ang daddy niya at ayaw mag-paistorbo. Siguro nag-aalala siya sa anak na.'Ano ba kasi ang nangyari kay Zayne. Bigla lang siyang nagkaganon? '
"Sige po Nurse Joy. Babalik na lang po ako. " sabi ko.
"Pero maya-maya iuuwi na siya ni Mr. Wenston" sabi ni Nurse Joy.
"Aah. Ganon ba? Sige po. Uuwi nalang siguro ako. " sabi ko at nagpaalam na sa kanya.
Alas tres pa ng hapon at naisipan ko ng umuwi na lang. Tinawag ko sila Ariela para mag-paalam.
"Ariela. Una na ako. " sabi ko.
"Mag-iingat ka. " sabi nito.
Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Clerk. Dali-dali akong pumunta sa parking lot at nakita ko siya na nakatayo don. Nakasandal sa kotse niya.
"You're late" sabi niya
"Sorry sa paghintay" sabi ko.
"Its. Fine. Maliit na bagay lang to. Kumpara sa paghintay mo sa akin. Am i right? " tanong niya at lumakad ito papalapit sa akin at masyadong malapit ang mukha namin sa isat-isa. Napalunok tuloy ako ng ilang beses.
"Y-yeah" utal kong sagot.
"Thanks" sabi niya at sa wakas inilayo na niya ang mukha niya sa akin.
"Pasok sa kotse babae" utos niya at tinuro ko lang sasakyan niya habang nakakunot ang noo ko.
"Tss. Just get in" sabi niya at tinulak niya akong ng marahan. Wala na akong magawa kundi pumasok na lang sa kotse.
"Saan ba tayo pupunta? " tanong ko.
"Ihahatid kita" sabi niya habang pokus ang mata sa daan.
"Ano? Di mo na--" putol kong sabi dahil nagsalita siya.
"You're not safe. And you know that. " sabi niya. Di na ako nakipagtalo sa kanya at sumunod nalang sa gusto niya.
---Nasa bahay na kami at bumaba na ako. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago nagpaalam.
"Salamat sa paghatid. Mag-iingat ka" sabi ko ngunit laking gulat ko na bumaba siya sa kotse niya, sinarado niya ito, pinasok ang susi sa bulsa at naglakad papasok ng bahay namin.
"Clerk!?" Tawag ko
"Seem like i've been here. Tama ba? " sabi niya at binuksan ko na ang pinto at pumasok na kami. Umupo lang siya sa sofa.
"Oo, dito ka pa nga tumatambay. Binabantayan mo pa ako habang natutulog" sabi ko.
"Oh i see. I hope i remember that" sabi niya.
Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa refrigerator to get some juice at cookies para sa kanya.
Bubuksan ko na sana yung ref ng may nakita akong nakadikit na note.
~Briohny, anak. Nasa bahay kami ng lola mo. Bukas na kami makakauwi. ~
'Hmm. Mag-isa lang pala ako ngayon. '
"Here" sabi ko sabay lapag ng juice at cookies sa mesa.
Umakyat na ako sa taas at nagbihis ng pajamas at t-shirt. I bun my hair before i went downstair.
Pagbaba ko, di ko nakita ang mokong.
'Nasaan na kaya yun'
"Mag-isa ka lang ngayon? " tanont niya sabay pakita sa note na iniwan ni mama.
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.