GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 6
BRIOHNY POV
Nakatitig lang ako sa upuan niya habang yung mata ko para ng nahuhulog. Di kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa kanya. Lakas talaga ng epekto niya sa akin kaya ngayon mukha akong zombie.Malapit na magsimula ang klase ngunit wala pa siya. Maya-maya lang ay dumating na siya, ang kaninang antok kong mukha ay lumiwanag ng nakita siya, ang cool niya talaga. Yumuko ako para di niya makita ang mukha ko, ramdam ko na natingin siya sa akin saka siya umupo.
Nagsimula na ang klase at halos lahat ng tanong ng guro nasasagutan niya. Ang galing naman.! Hehe
"Now i will announce you, your partner for this activity. "Sabi ng guro, maraming pangalan na ang binaggit ngunit wala pa sa akin, si Zayne naman dismayado kasi di kami partner. Bigla akong napaupo ng maayos kasi kanina yung mukha ko nasa desk, matutulog sana ako ng biglang binanggit ang pangalan ko at sa kanya.
"Clerk and Briohny" sabi ng guro at tumingin sa akin ng walang ka emosyon. Naku! Yung puso ko abnormal na naman.
"Now go to your partner and submit it in the end of this period. I dont accept late performances! " sabi ng guro
"Amf-uh. Si-simulan na natin" utal kong sabi
'Briohny umayos ka bakit ka nauutal. '
Kumuha siya ng papel at may sinusulat don. Akala ko nga wala siyang balak gumawa ngunit pinakita niya ang papel sa akin.
"Pass it now. And the rest of the remaining itulog mo nalang diyan" sabi niya at kinuha ko na ang papel. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya ba ginawa niya agad para makatulog ako. Nakakahiya! Siguro nahalata niya na inaantok ako, kasalanan din naman niya.
Pumunta na ako sa harapan at pinasa sa guro ang papel at sinabihan pa kami ng very good.
Napakamot nalang ako ng batok saka umupo ulit pero bago yun ramdam ko ang masasamang tingin ng mga babae sa akin. Tss! Bahala sila.Umupo ako ulit at natulog na.
-----Di ko namalayan na lunch break na pala. Ginising ako ni Zayne, pagtingin ko sa upuan niya ay bakante na ito. Siguro lumabas na siya.
Naglalakad na kaming lima papuntang cafeteria. Nakita ko siyang nag-iisa don, pero maya-maya may mga babae ng lumapit sa kanya at pinalibutan siya. Naupo nalang ako ulit.
"Bakit? May problema ba briohny? " tanong ni Zayne
"Wa-wala. Kumain na tayo. " sabi ko sa kanila at ngumiti.
Tatayo na sana ako para isauli tong tray na ginamit namin ng may biglang bumangga sa akin, yung tatlo nauna na, si Zayne naman nag-cr pa at hihintayin ko lang daw siya dito pagkabalik ko ng tray na ginamit namin ngunit may bumangga sa akin at nabitawa ko lahat. Naagaw ko ang atensyon nila pati narin sa mga babae na pinalibutan siya, di ko alam kong nakatingin ba to sa akin.
"Bulag ka ba! Binangga mo ako" sabi ng babae at may tatlo itong kasama.
"I-ikaw yung bumangga sa akin" nakayuko kong sabi.
"What?! Ginagawa mo akong sinungaling! " inis niyang sabi at sinampal ako.
*pak*
'That's it! Inubos mo na pasensya ko'
"Ikaw naman talaga eh! " inis kong sabi sa kanya at sinampal ko siya, nagulat naman ang mga kasamahan niya.
Sasampalin niya sana ako ulit ng may humawak sa braso niya, ingat ko ang paningin ko at si Clerk/GrimReaper ang humawak sa braso niya."Don't hurt her" walang emosyon niyang sabi at hinablot naman ng babae ang braso niya.
"Kasi naman my Clerk eh, she make landi with you. " arte niyang sabi.
" i don't care" sabi niya saka tumalikod. Binelatan ko sila bago hinabol ang mahal ko.
Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami sa hallway. Sa garden ata to ng school pupunta
" Clerk! Hintay! " sigaw ko at huminto siya. Pumunta ako sa harapan niya at nagsalita.
"Salamat don ah" ngiti kong sabi.
"Look? Di ko alam kong bakit nagawa ko yun. Kusang kumikilos ang mga katawan ko na di naman inuutusan ng isip ko, kaya kung pwede ba, iwan mo na ako at huwag kang sumunod" sabi niya. Imbes na masktan ako sa sinabi niya ay nagsisitalon ako sa harapan niya dahil sa sinabi niya.
"Kasi nga, ayaw mo na may nananakit sa akin, at mahal mo ako" sabi ko sa kanya.
"What are you talking about? Baliw! " sabi niya at inwan ako na nakangiti ng malapad sa kanya.
"I LOVE YOU. DI KITA TITIGILAN. HAHABULIN KITA SAAN KA MAN PUMUNTA. HINDI KO HAHAYAAN NA MAWALA KA PA" sigaw ko sa kanya. Alam ko na narinig niya iyon. Hehehe.
Nagsimula na naman ang klase samantalang siya tahimik lang.
Tapis na ang klase namin at uwian na. Hahabulin ko sana siya ng bigla akong inakbayan ni Zayne.
" saan ka ba nagpunta kanina? Di ba sabi ko sayo na hinayin mo ko" naka pout niyang sabi.
" ah hehe sorry na. Wag ka ng ngumuso diyan. Mukha kang aso" sabi ko sa kanya at natawa lang ang tatlo.
"Tara na uwi na tayo"sabi ni Lance
Kaya umuwi nalang kami. Gusto ko sana siya sundan. Huwag na nga lang. Bukas nalang. Heehehe
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos guys.
Kindly vote and comment guys-AUTHOR
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.