Chapter 27

60 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 27
         
                 BRIOHNY POV
Mabilis lumipas ang araw at Thurday na ngayon. Di ko na nakikita si Zayne at masyado na akong nag-alala. Naisip ko na lang na baka di pa siya magaling sa sakit niya.

Nong nag-stay si Clerk sa bahay namin,  yun na rin ang huling bonding na meron kami kasi di ko na rin siya madalas na nakikita, nakikita ko man ngunit may mga babae naman na pumapalibot sa kanya, lalo na ang mga ibang estudyante sa ibat-ibang University. Katulad ngayon, di ko siya nakikita, nasaan na kaya nagsususuot ang mokong na yun.

Naghuhugas ako ng mga tasa, marami kasing estudyante dito sa coffee booth namin.

"Briohny? Pumunta ka muna sa stock room at kunin mo yong harina na nandoon. " utos ng kaklase ko.

"Ah sige May, kukunin. Ikaw na muna dito" sabi ko at tumango lang siya.

Naglalakad ako sa hallway ngayon, pababa na sana ako ng hagdan ng may narinig ako na may nag-uusap sa music room. Naka-lock naman ang pinto kasi nong pinihit ko ang doorknob ay di ko mabuksan.

Idinikit ko ang tenga sa pinto at nakinig.

"Handa na ba ang lahat? "

"Oo, handa na."

"Mabuti naman. Bukas na natin makakamit ang tagumpay"

"Tama ka diyan. Tara bumalik na tayo kay Orakulo"

At nawala na ang boses.

Ibig sabihin, hindi tao ang mga yun kundi mga DS.

'Ano namang pnaghahandaan ng mga pangit na yun' tanong ko sa sarili at dali-dali na umalis don.

Nasa stock na ako at bitbit ang sako ng harina.

"Grabe, ang bigat nito" reklamo ko, dahil pinasan ko ito sa balikat ko.

Paakyat na ako ng hagdan pabalik sa 4th floor ng nakasalubong ko si Mr. Wenston, ang daddy ni Zayne, baka pupunta siya sa groundfloor para tignan ang nangyayari sa baba.

"Hello po Mr. Wenston" bati ko.

"Oh hija. Nag-iisa ka lang ata.? Dapat di na ikaw ang nagdala niyan. Inutusan mo na sana mga kaklase mong lalaki" sabi niya at nginitian ako, alam ko na kung saan namana ni Zayne ang pagngiti niya.

"Okay lang po. Kaya ko naman" sabi ko.

"Kamusta ang booth niyo? I heard na malaki daw kita niyo" sabi niya.

"Haha di naman po masyado" sagot ko.

"Tara,  tulungan na kita. " sabi niya at aakmang kukunin ang harina sa balikat ko ng may nagsalita sa likod ni Mr. Wenston.

"No need. Ako nalang po ang tutulong sa kanya. " sabi ni Clerk. Haays. Napakawalang-galang talaga. Sumasabat eh. Susulpot kong kailan gusto.

"Ah. Okay. " sabi ni Mr. Wenston at ngumiti ito sa akin saka bumaba papuntang groundfloor at kunting lakad para makarating sa field kung saan nangyayari ang kasiyahan.

"Akin na yan" sabi niya at kinuha ang sako ng harina na nasa balikat ko. Pinaikot-ikot ko naman yung braso ko kasi nangangalay na, kanina pa.

"Bakit ka pala nandito? " tanong ko.

"I ask them kung nasaan ka then they said na nandito ka sa stock room. Bakit ka ba mag-isa. Alam mo ba na nakaramdam na naman ako ng kaba na mapapahamak ka. " inis niyang sabi.

"Di naman ako napahamak ah. Wala namang mangyayari sa isang tao na kumuha lang ng harina sa stock room" inis ko ring sabihin.

"I beg you. I cannot assure kung nasa tabi mo ko palagi, kaya mag-iingat ka" sabi niya at nauna ng maglakad sa akin. Dahil sa inis ko padabog ako na sumunod sa kanya.

---

Busy ang lahat sa kanya-kanyang gawain at sa pag-entertain ng mga kaklase at schoolmate ko sa mga bisita namin sa ibat-ibang University.

Nag-se-serve ako ngayon sa table 4.

"Hello, here's your orders. Enjoy" ngiting sabi ko sabay lapag sa inorder nila. Apat ito na lalaki at mukha mayayaman ang mga ito

"Hi miss" bati ng lalaki na singkit ang mata. Di ko mapagkakaila na gwapo sila pero mas gwapo parin si Clerk kahit saang anggulong tignan.

"What's your name miss? Alam mo ba na lagi kaming bumabalik dito dahil sa kaibigan kong to, siya si Cynin. Ang torpe sa grupo namin. Hahaha" sabi ng lalaki at nakita ko naman na namula at nakayuko yung tinutukoy niyang Cynin.

"Ah ganon ba? Salamat sa kung ganon. Ako pala si Briohny" ngiting sabi ko sa kanila.

"Kasing ganda mo pala pangalan mo. Cynin! Magsalita ka" sabi ng kaibigan niya.

"H-hi Briohny. I'm Cynin. " nauutal niyang sabi at natawa nalang ako sa isipan ko dahil ang cute cute niya. Namumula na parang natatae.

"Hi sa iy--" putol kong sabi ng may nagsalita sa tabi ko.

"Thou shall not fall for her cause she's mine. Thou shall not flirt with her and you'll be dead. " seryosong sabi ni Clerk at hinila ako pabalik sa counter.

"Bitaw! Ano bang problema mo.! " inis kong sabi.

"Put this in mind Briohny, pag-maalala na kita mas higit pa ang magiging reaksyon ko. " sabi niya at umalis na. Nakatulala naman ako sa sinasabi niya. Itong puso ko naman parang nagkakarera sa bilis ng tibok nito. Nakakainis ka talaga Clerk. Lage mo nalang ako pinapakilig sa mga salita mo.

---
Nababagot na ako sa counter, tanggap lang ako ng tanggap ng pera. Isinubsob ko ang mukha ko sa desk at nilalaro ang ballpen sa kamay ko na bigla akong pinatawag.

Nasa office na ako ni Mrs. Cruz. Siguro para sa event bukas ang pag-uusapan namin. Kumatok ako bago pumasok. Nahagip ng mata ko si Clerk at naupo sa tabi niya, wala rin siyang imik sa akin. Di nga akong pinapansin.

"Alam niyo na ba ang gagawin niyo bukas?  Well,  ito ang flow. First:Introduce your name and Section. Second:Yung formal attire niyo, suits and dresses. Third:Mag-perform kayo ng kahit ano. Talent portion. Fourth:Umupo lang kayo sa upuan niyo para i-judge ng mga judges at para sa votes ng mga students and other student from different Universities. So did you all get what i've said? " tanong ni Mrs. Cruz.

"Yes maam! " sagot namin maliban kay Clerk. Tss

"And ang King and Queen of Overall, yung may mataas na puntos sa inyo ay sila ang magiging Overall. Pero nakadepende parin yun sa mga estudyante, panigurado na pasok ka na agad Mr. Hyun--ang Queen nalang. "Sabi ni Mrs. Cruz.

"Syempe ako yan"

"Dapat ako. Papa Clerk, gusto ko na maging reyna mo"

"Ako rin. Sana manalo ako"

"Mas mataas ang votes na makukuha ko kaya, back off bitches. Hahaha"

'Ewan ko sa inyo! Mga sira! '

Pgakatapos non ay lumabas na kami. Nakasunod ako sa kanya, nakapasok lang yung dalawang kamay niya sa bulsa niya.

"Ano ang e-pe-perform natin? " tanong ko. Tumigil siya bigla sa paglalakad at hinarap ako.

"I don't know. Let's just go with the flow. " sabi niya.

"Kakanta nalang tayo. Marunong ka bang mag-gitara" tanong ko at magkasabay na kami sa paglalakad.

"Y-yeah..marunong ako. "Sabi niya. Bakit parang di ako convince sa sagot na marunong siya. Hayaan na nga. Baka may alam siya talaga

Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
What cha say readers? Hehe
Kindly vote and comment
-Author
                 

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now