GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 14
BRIOHNY POV
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Iniisip ko na masamang bangungot lang ang lahat, na yung mga narinig ko ay puro kasinungalingan lang. Pero hindi, hindi yun panaginip at lalo di yun kasinungalingan. Ang lalaking mahal ko ay ikakasal na.Dahil sa mga narinig ko ay tumakbo na ako. Di ko na pinansin ko naagaw ko ba ang atensyon nila, ang importante ay makalabas ako para makahinga.
Nasa tapat na ako ng sasakyan ni Zayne.
"Briohny? " tawag niya ngunit di ko siya pinansin
"Ipaalala mo sa kanya ang lahat. " sabi niya.
"Sa tu-tuwing gin-ginagaw ko i-iyon ay di si-siya na nini-wala, pi-pinagta-tabo-boyan niya lang ako. Huhuhu. Ayaw niyang ma-maniwala sa akin" utal kong sabi dahil sa paghikbi ko. Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Shh. This will make you feel better, a tight hug for my love" sabi ni Zayne at umiyak lang ako sa dibdib niya habang hinihimas niya ulo ko.
"Sa-salamat" sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya, sakto rin at lumabas na sila. Nakatingin siya sa akin. Di naman ako nananaginip diba? Nakita niya ako, samantala yung babae ay inirapan ako, siguro napansin niya na nakatitig ako kay Clerk.
"Hubby, let's go. Grandpa, Clerk and i Will have a date. I want him to tour me in this place. " pasigaw na sabi ng babae, hinila lang ako ni Zayne ay niyakap.
"Huwag mo ng tignan. Masasaktan ka na naman eh. " sabi niya.
"Zayne, su-sundan natin" sabi ko at tumango lang si Zayne.
Sinusundan namin ang sasakyan ni Clerk. Papunta sila sa mall, nakatuon parin ang mata ko sa sasakyan niya hanggang sa mag-park na sila at nag-park narin kami ni Zayne. Pagbaba nila ay saka pa kami bumaba.
Maraming babae na naagaw ang atensyon ng dahil kay Clerk.
"Gwapo niya sobra. "
"Gosh, bagay sila ng babae"
"Mestisa ang girl"
"Pogi. Nakaka-ingit naman"
"Hey! Stop staring with my future husband" rinig kong sabi ng babae na kasama ni Clerk.
"Maldita" sabi ni Zayne at natawa lang ako.
"Hehe. Sira! Baka marinig tayo. " sabi ko. Sinusundan parin namin sila. Nagtatago kami ni Zayne para di kami makita.
May nakita akong isang sumbrero at shade. Binili ko iyon at isinuot, gayun din si Zayne. Nakita namin silang pumasok sa shop na puro heels.
Nakaupo lang siya sa labas ng store at may upuan naman don kaya umupo siya sa isa sa mga bench at hinihintay yung babae.
"Lapitan mo na" sabi ni Zayne.
"Teka lang naghahanap ako ng tyempo" sabi ko.
Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya."Kamusta ang pagsunod sa akin" bigla niyang sabi at muntik naman akong mahulog sa kinauupuan ko.
"Ka-kanina mo pa alam? " nahihiya kong tanong at humarap siya sa akin. Tinanggal ko yung shades ko.
'Ang galig niya talagang makiramdam sa paligid niya'
"Oo. At pwede ba. Tigilan mo ang pagsusunod sa amin. " sabi niya at tumayo, tatayo na sana ako ng bigla dumating si Zayne.
"Ganyan mo ba siya kausapin? Di porket nakalimutan mo siya ay ganyan mo na siya pakikitunguhan. Sana nga sa akin nalang siya" sabi ni Zayne kaya tumayo na ako sa pagitan nila baka mag-away pa to.
"Wala akong paki-alam sa sinasabi mo. Hindi ko naman talaga siya natatandaan. "Sabi niya
"Sino ka ba? Sino ba siya sa buhay ko. Bakit pinipilit niya sa akin ang mga bagay na wala akong naaalala" sabi niya at itinuon ang mata sa akin. Umiyak lang ako sa mga sinasabi niya.
"AKO YUNG BABAENG MAHAL MO NOON. ANG BABAE NA PINAKAKAINGATAN MO. ANG BABAENG MAHAL NA MAHAL MO AT ANG KABIYAK NG IYONG PUSO. ANG BABAE NA SOULMATE MO AT ANG NAGPALAYA SAYO" sigaw ko sa kanya at seryoso niya lang ako tinitigan. Taas noo ko siyang tinignan kahit pa tumutulo ang luha ko. Tahimik lang si Zayne pero alam ko na nasasaktan siya sa nakikita niya.
"Hey! What are you doing to my Hubby.! " sigaw ng babaeng kasama niya na may dalang paper bag. Pinahiran ko yung luha ko at hinila ako ni Zayne sa tabi niya.
"You! You are the girl earlier at the restaurant, and also yesterday! " irita niyang sabi.
"Can you please stay away from him" sigaw ng babae.
"Don't shout at her, if you dont want me to forget that you are a woman. " sabi ni Zayne at seryoso ang mukha nito. Inirapan lang siya ng babae. Naunang naglakad si Clerk at iniwan niya yung babae. Tinatawag niya ito ngunit di ito lumilingon.
Naisipan ko narin na umalis sa mall na yun.
Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment na rin-AUTHOR
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.