Chapter 22

69 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 22
         

                  CLERK POV
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at bigla nalang akong huminto sa tabi at isinubsob ang mukha sa manubela.

'Bakit ayaw ng katawan ko na may nananakit sa kanya, may nagsasabi sa kanya ng di maganda. Kahit lalaki, babae o bakla ka pa basta may ginawa kang di maganda sa kanya, nagagalit ako. '

Ilang araw ko ng napapansin ang sarili ko, kung paano ito naaapektuhan pagdating sa kanya.
Simula ng naging partner ko siya at naging Queen sa section namin ay maraming nagsasabi ng di maganda sa kanya, kinakalat kasi ng babaeng dapat na makapatner ko sana na inagawan daw siya ng kapares.

Sa hallway...

"Nakakainis talaga ang Briohny na yan. Freak naman. Inaagaw si papa Clerk ko"

"Kaya nga! Akala mo naman bagay sika ni Clerk. "

"Yeah ang lakas ng loob sumali! "

"Will you please shut the fuck up. Or you want to see yourself lying on the floor"walang emosyon kong sabi sa kanila at natakot naman ito.

Sa Locker Area...
"Si Clerk ang gwapo talaga. Ngunit nakakabwesit  si Briohny ang landi-landi"

"Parang higad eh! "

"Sarap i-balibag. Inaagaw niya si Clerk. Dapat ako yung partner, o kahit sino pa huwag lang siya. "

"Kainis. Wala na nga si Zayne dahil naagaw na niya sa atin ang hubby natin pati ba naman si Clerk"

"All of you. Run for your lives or be dead. Don't say anything like that to her. I swear! If i still hear na snasabihan niyo siya ng masasama i'll cut each of your tongue" mahinahon kong sabi.

Kahit saan ako sa parte ng building ay may naririnig akong di maganda sa kanya, kahit bulungan pa yan ay naririnig ko. Ayaw ko na may magsasabi sa kanya na kahit ano. At naguguluhan na ako masyado sa sarili ko.

Inangat ko na ulit ang paningin ko at nagmaneho muli hanggangbsa makarating na ako ng bahay.

----

                BRIOHNY POV
Nasa labas kami ni Zayne sa bahay. Inihatid na niya ako. Nakaupo kaming dalawa sa harapan ng sasakyan niya habang nakatingala sa langit na unti-unti ng dumudilim.

Inaamin ko na naaawa ako kay Prexy. Sobra naman kasi kung makapagsalita sina Zayne at lalo na si Clerk. Napaka-ungentleman ng Clerk na yun, pero kahit ganon sobrang kinilig ako sa mga sinasabi niya, gor the nth time he still protect kahit wala siyang naaalala sa akin, ngunit ramdam ko na malapit na.

"Ang swerte niya no? " biglang sabi ni Zayne

"Bakit naman? " tanong ko.

"Mahal mo siya eh. At kahit di ka niya naaalala, pinoprotektahan ka parin niya at kita ko sa mata niya na mahal ka rin niya" sabi ni Clerk ng nakangiti.

'Nasasaktan ko na naman siya. Kahit pa itago niya sa mga ngiti niya ramdam ko na nasasaktan ko ang damdamin niya'

"Zayne? Mahal rin kaya kita--kasi nga kaibigan kita, isa ka sa mga tao na importante sa buhay ko" sabi ko at nginitian siya

"Pero mas iba yung, mahal mo ko di dahil sa kaibigan mo ako. Pero ayos lang Briohny. I will whole heartedly offer my body to shield you from any harm that's how i love you" sabi niya

"I am not deserving to your love. Makakahanap ka rin ng mas higit mo pang mamahalin. Huma---" putol kong sabi dahil nagsalita siya.

"Please dont push me away Briohny. Hindi ko kaya. Kung di mo man masusuklian ang pagmamahal ko sayo, ayos lang sa akin. Maging Singke nalang ako habang buhay. Hahaha" tawa niyang sabi.

"Sayang kagwapuhan mo. Makakahanap ka rin. Trust me" ngiti kong sabi.

"Di siguro. " sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Sige na. Pumasok ka na sa loob. Huwag ka ng lalabas ng bahay,okay? " sabi niya at niyakap ako ng mahigpit sabay sabing..

"Be safe" sabi niya at pinapasok muna ako ng bahay bago siya umalis.

-----

              THIRD PERSON POV
Malalim na ang gabi at halos lahat ay tulog na. Isang malamig na gabi at mga aso na nag-aangungol. Nagsisilutangan ang mga Ds at ang matandang Orakulo, papasok sa isang building.

Sa kwartong to ay mahimbing na natutulog si Zayne. Nasa ilalim ng unan pa nga ang larawan nilang dalawa ni Briohny.

"Gawin na natin ang pinunta natin rito" sabi ng matandang orakulo.

"Gagamitin ka namin upang maging madali ang plano namin. Susundin mo ang lahat ng gusto at ang mga ipag-uutos ko" sabi nito at kinuha ang itim na likido.

Dahan dahan itong lumapit kay Zayne. Yumuko ito ng kaunti at binuksan ang takip ng maliit na bote na may laman na itim na likido.

Dahan-dahan niya itong binuhos sa bibig ni Zayne. Halos maubos ang laman ng bote.

Tumawa naman ang matandang orakulo na para bang nananalo sa isang paligsahan.

"Sa araw mismo na gaganapin ang plano ay tatalab ang pinainom natin sa kanya. Hahaha. Maghintay lang tayo at magwawagi tayo sa panahong ito" tawang sabi ng matandang Orakulo at tumawa rin ang mga DS na para bang nagsasaya sila na walang ng bukas.

Ngunit parang nakalimutan na ata nila ang isang Grim Reaper na naging tao ulit

Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos.
Hahaha. Bukas na talaga ako mag-update. Mahal ko kasi kayo, di ko kayo matiis.
kindly vote and comment.

-AUTHOR
               

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now