GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 30
BRIOHNY POV
Nasa dressing room na kami ni Ariela at ni Keyle. Marami kami sa loob kaya naghahanap kami ng kanya-kanyang pwesto kung saan mag-aayos."Tss! Dahil naman kay Clerk kaya sumali yan"
"Oo nga. Nakakainis ang babaeng yan"
"HOY! KAYONG MGA PANGIT AT TAPON ULO. HUWAG NIYONG PAGSALITAAN ANG ATE KO NA GANYAN! " galit na sabi ni Keyle.
"AKALA NIYO NAMAN KUNG SINONG MAGAGANDA EH MAS MAGANDA PA BESTY KO SA INYO, WITH OR WITHOUT MAKE-UP. PAANO PA KAYA KUNG NAAYUSAN NA SIYA MAS LILITAW KAGANDAHAN NIYA. GIGIL NIYO SI AKO. BALIBAG KO KAYA KAYO? HA? ANO!? " galit ding sabi ni Ariela.
"Hayaan niyo na sila. Huwag niyo ng patulan. Ayusan niyo na lang ako. " sabi ko sa kanila.
Naka-fitted black dress ako at black pair of 3inch heel. They bun my hair at light make up.
"Sige na Ate labas kana. Kayo na sunod" sabi ni Keyle at tinulak ako palabas. Lumabas na rin sila at pumunta sa upuan nila. Huminga muna ako ng malalim dito sa back stage.
'Okay! Kaya ko to. ' sabi ko sa sarili
Lumabas na ako at sa kabilang side ay si Clerk. Napako ang tingin ko sa kanya. Anak ng! Ang gwapo niya sobra. Para siyang Greek God sa ayos niya ngayon, yung magandang tindig niya, ang walang emosyon niyang mukha pero gwapo parin. Everything about him is so damn perfect. He never failed me to beat my heart like this, parang baliw ang puso ko na gustong tumalon.
Nagtagpo kami sa pagitan at kumapit ako sa braso niya, ngunit may sinabi siya sa akin...
"Yo-you look beautiful, damn beautiful. Nagmukha ka ng tao" sabi niya.
Enebe! Okay na sana eh. Dinugtungan pa.
"Tss! " yun nalang ang nasabi ko.
"Waaahhh.. Ang gwapo ni Clerk. "
"Anak ng! Naging masama ba ako nong dati kong buhay dahil di ako binayayaan na katulad ni Clerk"
"Clerk? Aahh! Please. Huwag ganyan. Hihimatayin ako"
"Ang ganda din ni Briohny oh"
"Oo nga. Mas gumanda siya. "
"Wohooo.. Besty. Waahh! Ang ganda mo talaga. See? Ang ganda ng besty ko. Ano kayo ha? Nga nga! Haha"Ariela.
"Go ate! "Keyle
"Go Briohny. Kaibigan namin yan" Lester.
"Briohny oh? May banner kami. Haha"Andrey.
Yan ang maririnig mo sa Auditorium ng Wenston. Ang daming tao at parang natatae na ako dahil sa sobrang kaba. Aaminin ko takot ako pagganito. Huhu.
"Hey! Don't be nervous. Isipan mo na walang tao, na tayo lang at ang mga kaibigan mo" sabi ni Clerk na nakatingin sa crowd.
"Introduce yourself" sabi ng MC
"I'm Clerk Maynard Hyun. Business department. Section A-7"cool na sabi ni Clerk. Parang sanay na sanay lang eh.
"I'm Briohny Jane Park. Business department from Section A-7"pagpapakilala ko at naghiyawan silang lahat sa amin.
"Go Briohny!! Nanonood si Cynin.! " sigaw ng kaibigan ni Cynin. Kakawayan ko na sana sila ng biglang binaba ni Clerk ang kamay ko at tinignan ko lang siya ng masama. Nag-Tss lang siya sa akin
Humiwalay na ako sa kanya at pumunta na ulit sa dressing room para dito na maghintay. Naiinis na rin ako sa suot ko kaya nagbihis ako ng black fitted pants at nag-crop top with white inner sando.
Nakaupo kami rito ang mga di pa tinawag, ngunit naiihi ako kaya lumabas muna ako at nag-cr. Habang naglalakad ako papuntang Cr ay may parang sumusunod sa akin. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid.
Binalewala ko nalang yun at nag-cr na. Pabalik na ako ng auditorium ng nakasalubong ko si Zayne. Laking ngiti ko nong nakita ko siya.
"Zayne? " tawag ko at lumapit sa kanya.
"Nanood ka ba don? " ngiting tanong ko.
"Yeah" sagot niya, napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya, di naman siya ganito kung sumagot sa akin, ang daldal nga niya at palangiti. Ni wala nga akong makita na kahit anong emosyon sa mukha niya maging sa mata niya.
"Ah-amf. Pasok na tayo sa loob" sabi ko ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at tinitigan ako ng diretso, ngunit biglang bumungad sa pintuan si Clerk. Naka white v-neck to, with leader jacket at black pants.
Nagkatitigan silang dalawa at biglang kumunot ang noo ni Clerk at bumaba ang tingin sa kamay ni Zayne na nakahawak sa kamay ko.
"Let her go! Maybe i need to mark her another rule. Thou shall not touch her if you treasure your life. She my property! " walang emosyong sabi ni Clerk.
"Is that a threat? " tanong ni Zayne.
"It's just a rule" cool na sagot ni Clerk.
Hinila na ako ni Clerk papalapit sa kanya."Zayne? " tawag ko at sinara na ni Clerk ang pinto. Narinig ko na bumukas ang pinto, siguro siya ang pumasok at sumunod sa amin.
Nasa back stage ako ngayon dahil kami na sunod ang mag-pe-perform ng biglang may sumulpot na Ds, kasama si Zayne. Nagulat ako sa nakikita ko. Bakit kasama nila si Zayne?
"Bitawan niyo si Zayne! " inis kong sigaw sa pangit nilang pagmumukha.
"May gana pa talaga kayo magpakita sa akin. Di niyo ba alam na nasusuka ako sa tuwing nakikita ko kayo"inis kong sabi.
"Tumahimik ka! Hindi kami pumunta rito para laitin mo. Nandito kami dahil ikaw ang pakay namin" sabi ng DS
"Ako naman pal--Tss! Kainis. Dahil ba sa dugo ko. Nimal naman oh! " pagmura ko.
"Zayne. Gawin mo na" sabi ng Ds kay Zayne. Naguguluhan naman ako. May inilabas na itim na tela si Zayne na parang panyo at lumapit ito sa akin. Tatakbo na sana ako mg biglang may sumulpot na DS sa likod ko.
Isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Clerk.
"Zayne?! Ano bang nangyayari sayo! Hindi to ikaw! Anong ginawa niyo kay Zayne" naiiyak kong sabi.
"Wala ka na don. Gawin mo na Zayne"DS
CLERK POV
Parang may nararamdaman ako ngayon na di ko maintindihan. Parang di ako mapakali sa kinatatayuan ko habang hinihintay na tawagin kami. May narinig akong ingay. Alam ko na boses na iyon ay kay Briohny.
Habang tumatakbo ako papunta sa dulo ng backstage kung nasaan siya ay bumibigat ang puso ko at sumasakit ang ulo ko.May nakita akong mga DS na pinalilibutan siya, kasama si--Zayne.
Lumapit ako sa kanila at nag-silutangan naman sa ere ang mga Ds at ginugulo ako. Nakita ng mata ko na nahimatay na si Briohny sa braso ni Zayne dahil may kung anong tinakip sa kanya.Pinagsusuntok ko ang mga Ds at binalibag sa pader. Pinagsisipa sa tiyan at binali ang mga leeg nila.Natatamaan rin nila ako sa mga kuko nila at nasugatan ako sa braso. Lalapitan ko na sana si Briohny na bigla silang naglaho.
"Hindi" bulong kong sabi at bigla akong napaluhod sa pader at napahawak sa puso ko. Parang umiilaw ang puso at ang ulo ko at sobrang sakit nito.
"BRIOHNY! " sigaw ko na may halong sakit na nararamdaman.
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa.
Sorry sa typos
Naku! Malapit ng matapos. Haays
What can you say reader? Please say anything.REPLYBOXPOLICY TAYO.
-AUTHOR.
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.