Chapter 20

72 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 20
   
              BRIOHNY POV
Mabilis na dumaan ang panahon at Biyernes na ngayon. Dahil sa last day na ng preparation ay sobrang busy  ng lahat. Kami ni Clerk lagi na kami magkasama dahil sa pag-eensayo, sa booth namin ay Horror Both ang napili ng Section namin, sabi nila ako daw ang White lady. Haha go naman ako diyan. Naisipan ko rin na tumawag ng mga kasama, mga kaluluwa. Para realistic kung baga.

Si Zayne naman lagi na akong binabantayan kahit sa pag-eensayo namin ng mga participant, medyo nagiging Oa na siya pagdating sa akin, nong may lakad kaming magbarkada tas may lalaki na naka sumbrero at itim na jacket bigla niya ako hinila papunta sa tabi niya, maulan din yun  at may nag-rai-rain coat. May dumaan sa harapan namin na naka-rain coat na black yung isang teenager bigla na naman akong hinila sa tabi niya o di kaya sa likod niya, at nong nasa convinience store namin kami, may huminto na itim na van,  bigla niya akong hinila at masamang tinignan ang van para bang ready na siya kong ano ang lumabas don eh mga pasahero lang naman. Nakakaloka na.
"Tara na kain na tayo. " pagyaya niya sa amin.

"Tara" sabi ko naman. Tatayo na sana ako ng bigla akong tinawag ng guro.
Lalapit na sana ako sa guro ng hilahin ako pabalik ni Zayne.

'Problema na naman nito'

"Mr. Hyun, kakausapin ko lang po siya" sabi ng guro.

"No! Kailangan marinig ko ang sasabihin mo sa kanya" seryoso niyang sabi

"Mauna na kayo guys sa cafeteria, pati na rin Ikaw Zayne" sabi ko.

"No! Im staying"seryoso niyang sabi

"Tss! Ang Oa mo na ha! Noong nakaraang araw ka pa. Balibag kita nga---" putol kong sabi dahil nagsalita ang kumag.

"Shattap! Respect the teacher. She has something to tell you right? *tingin sa akin* Now, what. It. Is? *tingin sa guro*"sabi niya at diniinan ang huling sinabi niya

Nagbuntong-hininga nalang ako.

"I just want to tell Briohny that,  your father choose her to be the one who will tour the students of different universities and the visitors of our school. Hindi lang naman siy---" putol na sabi ng guro dahil nagsalita siya. Ang bastos talaga. Siya ata ang walang respeto eh! Kingina to.

"No! " sabi niya at hinila na niya ako, ngunit pumiglas ako para mabitawan niya ako.
Tinignan ko siya ng masama. Napupuno na ako eh. Ang oa na niya

"Problema mo Zayne?! " inis kong tanong.

"Ikaw" sagot niya

"Paano naging ako. Gusto kong tanggapin ang offer ng daddy mo. Madali lang naman yun ah! " inis kong sabi.

"I have to go" sabi ng guro at iniwan kami sa silid dalawa. Tangina nagugutom na ako.

"Huwag. Please Briohny. Trust me and Shattap." Sabi niya

"Bleeh!  Bahala ka diyan" sabi ko sabay binelatan siya at naglakad  ng mabilis. Hinabol niya ako sabay tawag sa pangalan ko. Sa paglalakad ko nakarating na ako sa cafeteria, nakita ko sina Ariela at dumiretso sa kanila. Nagugutom na ako, kung di lang umepal yung Zayne na yun kanina na sana ako nakakain. Huhu.

----

                     ZAYNE POV
Tinatawag ko si Briohny ngunit di ako pinansin. Sinundan ko siya kung saan siya pupunta, sa cafeteria lang pala, kasama sina Ariela so kampante na ako. Oa na ako kung Oa, shattap nalang kayo.. Ehh sa ayaw ko siyang mapahamak eh. Proprotektahan ko siya at kung kailangan kong kalabanin ang aking ama ay gagawin ko.

Speaking of him. Naisipan ko na kausapin siya tungkol sa pagpili niya kay Briohny. Alam ko na way niya lang yun in order to do their plan which is to give Briohny to someone that i do not know in exchange of wealth.

I went inside to my father's office without even knocking, parang narinig ko pa nga siya na may kausap.
"What's bring you here my son? " tanong niya ng nakangiti.

"I want you to stop kung ano man ang pinaplano mo kay Briohny, huwag mo ng ituloy if you don't want me to forget you as my father. This is not the right thing dad. Naging gahaman ka na, hindi pa ba sapat ang lahat ng kayamanan na meron tayo? " sabi ko.

"Ano bang meron sa babaeng yun. Are you in love with her? " tanong niya na medyo tumaas ang kanyang boses.

"Y-yes! Yes!  I love her. I love her so much dad. Is this a valid reason now for you to stop? " tanong ko.

"No. Itutuloy ko parin. I dont need your opinion. Kung ayaw mo kong tulungan, and then huwag. Huwag kalang pumagitna sa mga balak ko" sabi ni tsaka tumayo. Nahampas ko nalang ang kamay ko sa mesa dahil sa inis, tsaka ako umalis at iniwan siya.

----

                  MR. WENSTON POV
*BAAGSSS*rinig kong paghampas niya sa aking mesa saka umalis at sinara ang pinto ng malakas.
Gusto niya ang babae ngunit ang mas importante ay yung gusto ko. Maiintindihan din ako ni Zayne.
Napabuntong-hininga nalang ako.

"Tutol pala ang anak mo" sabi ng Orakulo. Kasama ang ibang mga kaluluwa na kulay itim at may mapupulang mata.

"Oo. At ayaw niya akong tulungan. Pero wala akong paki. Basta huwag lang siyang maging sagabal" sabi ko.

"Sa tingin mo ba di siya magiging hadlang? " tanong nito.

"Sisiguraduhin ko na hindi" sagot ko.

"Maaari natin siyang gamitin" sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko.

"Paano? Eh ang tigas ng ulo. Ayaw akong sundin at tumututol pa" sabi ko.

"Ako na ang bahala. Ang anak mo pa ang maging tulay para maging tagumpay ang plano natin. " sabi nito

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? " tanong ko.

"Malapit ang anak mo sa babae. Mas maganda yun diba. Di na sia mahihirapan, at di rin maaasahan ng babae na ang lalaki na malapit sa kanya ang maglalagay sa kanya sa panganib" sabi ng Orakulo. Napaisip naman ako. Tama nga. Tama. Si Zayne ang gagawin kong tulay para matupad ang mga plano namin.

'Pasensya na Zayne, but mas importante ang gusto ko. Babawi nalang ako sayo anak pagmatapos na ang lahat'

Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
What can you say?
Kailangan ko ng motivation. Cheer niyo naman ako. Hehehe

Kindly vote and comment
-AUTHOR             

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now