Chapter 25

61 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 25
          
             BRIOHNY POV
Lunch break na ngayon at naisipan namin na kumain na muna.

"Lester? Nakita niyo si Zayne? " tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Baka may ginawa lang" sagot nito.

"Ginawa? Eh parang wala nga yon sa maayos na kondisyon" sabi ko.

"Uyy! Nag-alala. " pang-asar ni Andrey.

"Lester, Ariela? Maghanda na kayo ng
kabaong" seryoso kong sabi at kumunot naman ang noo ng dalawa.

"Bakit naman"Ariela.

"Why? "Lester.

"May papatayin ako eh." inis kong sabi kay Andrey at tumawa lang ang dalawa.

"Mauna na kayo sa cafeteria. Hahanapin ko muna si Zayne" utos ko sa tatlo at sinunod naman ako.

------

Naglalakad ako sa hallway ng nakasalubong ko si Nurse Joy, kasama ang isang guro.

"Amf-excuse po Nurse joy" sabi ko

"Yes? " siya

"Amf-nakita niyo po ba si Zayne? " tanong ko.

'Please sana, Oo. Kanina ko pa siyang hinahanap eh. '

"Yes, nasa clinic siya" sabi niya at nag-thank you na ako bago umalis.

"Thank you po" sabi ko sabay takbo papuntang clinic.

Dali-dali ko itong binuksan at parang may nakita akong maitim na usok. At nawala agad ito,naisipan ko na lang na baka namamalik-mata lang ako.

Nakita ko si Zayne na nakahiga sa isa sa mga kama. Agad ko naman itong nilapitan at umupo sa kaunting espasyo ng kama.

"Zayne? " tawag ko

"Hmm? " siya

"Ayos ka lang? Ano bang nararamdaman mo ngayon? " tanong ko

"Itong puso ko" sagot niya.

"Ha? " kunot-noo kong tanong

"Sabi ko itong puso ko bumibilis ang tibok sa tuwing nakikita kita" ngiting sabi niya

"Hay naku! Gutom lang yan. Mag-lunch na tayo" sabi ko at bumangon na siya.

Nasa cafeteria na kami, sina Andrey and Lester na ang kumuha sa order namin.

"Maputla ka ata ngayon Zayne. Okay ka lang? " tanong ni Ariela

"Okay lang ako. Baka napagod lang. " sagot niya.

----

Tapos na kaming kumain at nandito kami ngayon sa field ng school kung saan may iba't ibang food stands at games.

Naglalakad kami at naisipan namin na maglaro.

"Guys! Laro tayo" pagyaya ni Ariela at sumang-ayon naman kami.

Nagbayad kami ng 5pesos at binigyan kami ng 3 darts. Ang kailangan naming gawin ay paputukin yung mga lobo na may laman ng Prize.

Nakakuha si Andrey and Ariela ng mug, si Lester naman maliit na stuff toy na aso.

Ako na ang titira ngayon.

Gusto ko yung teddy bear, yung malaki. Ang kailangan kong gawin ay tamaan yung number 24.

"Ahahaha" tawa nila kasi di ko natamaan maliban kay Zayne na Chinecheer ako.

"May dalawa pa mga ungas! " inis kong sabi s tatlo.

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now