GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 32
BRIOHNY POV
Nagising ako dahil sa ingay. Parang may mga tao na umaango-ngol, na para bang pinaghihirapan. Ngunit hindi sila tao. Sa gitna ng silid na ito na kung nasaan ako ngayon ay may mga kamay, ulo at kalahating katawan na nakabaon sa sahig. May mga kamay ng mga kaluluwa ang nakadikit sa mga pader. Yung nakadikit sa pader ay tinitigan ako.Nakaramdam ako ng kilabot at sobrang takot, alam ko na nangyari na to sa akin noon pero mas nakakatakot to. Geez! Ikaw ba naman, kasama mo mga kaluluwa na nakabaon sa gusaling to at kita sa mukha nila na nahihirapan sila.
Nakatali ang kamay at paa ko. Nahirapan nga akong bumangon at umupo dahil sa nakatali ako.
Sumandal ako sa pader kahit sa uluhan ko ay mga kaluluwa na pilit akong inaabot.Napapikit nalang ako sa naalala ko.
Si Zayne ang nagdala sa akin dito, alam ko na di niya kagustuhan to. Alam ko kung gaano niya ako pinahahalagahan. Hinding-hindi niya ito magagawa sa akin. Alam ko na may ginawa ang mga pangit na iyon.
May narinig akong yapak ng paa na papalapit dito. Bumungad sa harapan ko si Zayne, ang matandang Ds at mga pangit niyang alalay. Pero mas pangit ang pinuno nila. Sunod tong matandang DS na to."Gising ka na pala" sabi ng matandang Ds sa akin.
"Hindi ba halata. Nakadilat na mata ko oh! " inis kong sabi.
"Tumahimik ka.! " inis niyang sigaw.
'Tss! Pikunin! Ikaw kaya tong maingay'
"Ikaw kaya ang maingay diyan. May patanong-tanong ka pa e-obvious naman na gising na ako. Duhh! " taray kong sabi. Pagdating sa kanila lumalabas talaga ang dark side ko, sabagay kinaiinisan ko sila. Sobra! Sinaniban nila si Dwight, ngayon naman si Zayne. Mga potcha!
"Sige. Magtapang-tapangan ka. Walang mag-liligtas sayo rito. Ang lalaki na narito ngayon ay di ka na maililigtas. Kaya nga siya ang napili namin dahil alam ko na hahadlang to" sabi niya sabay tingin kay Zayne. Parang isang robot si Zayne na kinukontrol ng pangit na matandang to. Walang emosyon ang mukha niya na nakatitig sa akin. Naiiyak naman ako dahil nadamay na naman ang kaibigan ko. Ayaw ko na may mangyaring masama kay Zayne.
"Orakulo. May pinuntahan muna si Mr. Wenston. May aasikasuhin daw muna siya at susunod na muna rito" sabi ng isang Ds
Kumunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko.
"Mr. Wenston? Diba--"putol kong sabi dahil nagsalita si Orakulo kuno.
"Oo. Siya ang--"puto niyang sabi dahil nagsalita ako.
"Patapusin mo muna ako. Tukmol ka!" inis kong sabi at nakita ko naman na naiinis na rin ito sa akin. Huhuhu. Mapapaaga ata ako nito. Goodbye philippines, goodbye ma and Keyle, goodbye my Clerk. Huhu
"Anong! Urgh! Akala ko mabait ang daddy ni Zayne. Kaya naman pala para may nararamdaman akong kakaiba sa papa niya. " sabi ko.
"ANONG KLASE SIYANG AMA.? KAHIT ANO PA ANG DAHILAN NIYA AY DAPAT DI NIYA HINAHAYAANG MAGKAGANITO SI ZAYNE. DAPAT WALA ANG ANAK NIYA SA SITWASYONG TO. " inis kong sabi.
"DAHIL SA KAPANGYARIHAN. PERA. PERA ANG NAGPAPATAKBO SA LAHAT. PAG MAYAMAN KA, MAYAMAN PA SA LAHAT NG MAYAMAN AY TITINGALAIN KA. AT DAHIL SA PERA ITOY MAGBIBIGAY SA YO NG KAPANGYARIHAN. WALANG ANAK-ANAK! NAINTINDIHAN MO" sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Nimal! Tumatalsik laway mo. Hindi pera ang nagpapatakbo sa mundo. Kailangan ba talaga na maging gahaman? Di na ba siya kuntento sa anong meron siya, ang kayamanan nila na meron siya at ang anak niya na higit pa sa kayaman? Humingi pa talaga ng tulong sa inyo. Ang samaaa." sabi ko
"Tumahimik ka ata. Di ko hinihingi ang opinyon mo. Pagkarating ni Mr. Wenston ay gaganapin namin ang seremonya. Pakakawalan namin ang aming pinuno. At papatayin ka na rin namin. Ngunit mas maganda na pahihirapan ka muna" sabi nito sa akin.
"Tss"yun nalang ang lumabas sa bibig ko.
'Kung ito na talaga ang katapusan ko, Hindi ko alam kong kaya ko, dahil maiiwan ko siya. Ayaw ko rin na pumarito siya, dahil isa na siyang tao na maaari ng masaktan at mamatay. Hindi na siya ganong kalakas, di na siya nakakalutang sa ere at magkapagteleport. Isa na siyang tao. Ayaw ko na mapahamak siya. Mas mabuti pa na ako. Ayaw kong masisisi dahil napahamak siya dahil sa akin. Hindi ko kaya. '
Naiwan si Zayne at ang ilang Ds. May mga tao rin na tauhan ata ni Mr. Wenston. May kakaiba rin sa kanila, parang may ginawa ang pangit na matandang yun. May dala rin itong mga baril. Gwardiyado talaga ako. Haays.
Naisipan kong kausapin si Zayne na para bang natulala o ano.
"Zayne? " iyak kong tawag.
Lumingon to sa akin at tinignan ako na walang kabuhay-buhay."Zayne? Gumising ka please. Hindi ikaw to. Labanan mo kung ano ang ginawa nila sayo. Please." pagmamakaawa kong sabi at bigla naman itong napahawak sa ulo.
"Aaahhh.!! " reklamo niya.
"Zayne? Anong nangyayari sayo?" alala kong tanong
"Hawak ko ang isip ni Zayne. Hindi mo siya magigising. " sabi niya na para bang may dalawang boses to.
Napapikit nalang ako ng mata at umiyak.
Naguguluhan na ako. Sobrang sakit ng pakiramdam ko, itong puso ko. Dapat na ba akong mawalang ng pag-asa o tatanggapin nalang ang mangyayari sa akin sa kamay nila. Kailangan kong maging matapang. Ayaw ko na magtagumpay sila sa gusto nila. Hindi ko hahayaan na bumalik ang pinuno nila. The world will be in chaos if that's happen.
'Clerk? Mahal na mahal kita. Huwag mo na akong hanapin. Ayaw ko na mapahamak ka dahil sa akin. Sisisihin ko lang ang sarili ko. Mas okay na ako na ang mawala. Kakatao mo lang at ayaw ko na mawala agad sayo yun. Marami ka pang bagay na gustong gawin na di mo nagawa noon. Gawin mo yun kahit di mo ko kasama. 'Sabi ko sa sarili
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa.
Sorry sa typos.What can you say guys? Hehe.
Kindly vote and comment.
-author(genhyun09)
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.