Chapter 1
First day of our working days na walang Jean sa Office.
Monitor.
Keyboard.
Documents.
Send Email.
Break Time.
"Uie mga besh, tara na Lunch." Aya ni Ruvee sa dalawa pang kaibigan na kasalukuyang nag-unat ng mga buto dahil sa buong umagang paggawa ng mga paperworks.
Naka cubicle kasi silang apat dito sa kanilang Department kaya ayun, sila sila din ang laging nag-uusap.
"Yeps. Gutom na ako." Sang-ayon naman ni Gabby at tumayo na rin sa upuan nito. "Gusto ko ng masarap sa tanghali." Dugtong nito at napangisi.
"Yung masarap na masarap. Slurp" Gatong pa ni Maya na nahawa sa ngisi ni Gabby.
"Ayun, may masarap. Naglalakad." Biglang sabi ni Ruvee sabay turo sa may direksyon ng elevator na ikinalingon ng dalawa.
Kasalukuyang naglalakad papasok sa elevator ang isang lalaki na naka-puting long sleeve top at black pants habang nakangiti. Naka side view lang ito sa kanila pero kita parin nila ang paghawak nito sa necktie at niluwangan iyon ng kaunti habang nayuyogyog ang balikat.
Nagkatinginan ng makahulugan ang tatlo at agad kinilig. Nandyan yung kagat labi, tirik ang mata, kagat daliri at pinipigilan ang pagsigaw dahil sa nakita nilang masarap.
Agad nagtago ang tatlo sa malapit na Cubicle dahil biglang napalingon sa kanilang direksyon ang masarap at gwapong lalaki.
Matagal na nilang pinagpapantasyahan ang head ng kabilang department, adjacent to them. Matipuno, gwapo, maputi at sobrang yummy. Yung tipong gusto mo na lang itong araw araw titigan, hawakan at papakin.
Partida, naka formal wear pa sila habang nagtatago dun sa dulong cubicle.
"Hui, anong ginagawa niyo dyang tatlo?" Boses ng babae ang sumita sa kanila na ikinaayos nila ng tayo at ayos din sa nagusot na bahagya na damit.
Kasamahan pala nila na nasa kabilang cubicle.
"Ha? Ah w-wala!" Napakamot na sagot ni Maya sounding so defensive. "Nag - aano lang kami. Nag ~ ~ ~ ja jack en poy. Tama!"
Napatingin naman ang tatlo sa kanya na nakakunot ang noo.
Pinandilatan niya ang dalawa dahil nilaglag pa siya.
"Ahh - Jack en poy. Oo jack en poy!" Agad na sakay ni Ruvee sa usapan.
"Para saan?" Ganoon parin ang eksresyon ng mukha ni Gabby, may pagtataka.
"Diba nga Jack en poy. Kung sinong matatalo siyang manlilibre. Pero dahil nagtanong ka, manlilibre ka." Paliwanag ni Maya.
"Yes. Yehey! Libre!" Sagot ni Ruvee at halos sabay pa nilang inakbayan ang kaibigang kanina pa ata nila planong batukan na dalawa.
They bid their goodbye sa babaeng katrabaho ng hindi na hinintay ang magiging sagot nito.
"Gabby, besh. Wifi ka ba?" Tanong ni Ruvee.
"Ha? Hindi - bakit?" Sagot din ni Gabby
"Ang loading mo kasi eih." Sagot ni Maya at sabay pa silang natawa sa hirit ng huli.
"Loading pala ah, ge. Sasabihan ko si Jean na akin na ang pasalubong niyo." Banta nito sa dalawang kaibigan dahil sa siya naman ang napagtripan.
"Eto talaga, di ka mabiro." Hindi maampat ang ngiti sa labi ni Maya. "Manlilibre ka pa kaya."
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018