Chapter 35
Nag file ng case against Mr. Shawn Allester si May bilang ang kaniyang kuya Maw ang kaniyang sariling lawyer.
Sa una ay tinanong pa ni Yano ang kapatid kung itutuloy ba ang kaso dahil mayaman ang pamilya ni Tito Shawn at maaaring maabswelto ang kaso. But what Shock them ay ang lantarang pag-amin ng Ginoo sa kasalanan kaya nakulong ito at alinsunod sa batas ay makukulong ng sampung taon at higit pa.
"I know iha, walang kapatawaran ang ginawa ko sa pamilya mo. Nagawa ko lang iyon para sa kinabukasan ng kumpanya at ng anak ko. I thought you won't be enough for him. But that's what I thought. And as his father, I forget to see his heart, the heart I once had, the heart that when fell in love, nothing can break that love apart." The last words spoken and heard by Maya bago nakulong ang ama ni Rist.
But Maya isn't contented, gusto din nitong makuha ang kostudiya ng anak na si Mariuz sa poder ng kinikilala nitong ama.
Nagpasa sila ng affidavit na nagpapatunay na siya ang Ina at gusto nitong makuha ang nawalay na anak.
============
Maya decided to resign from DMX pero hindi siya pinayagan dahil may agreement pa siyang pinirmahan with AL Corp and that would mean Breaching of Contract. Kaya kahit hindi bukal sa loob ni Maya ang magtrabaho sa kumpanya, ay tinuloy pa rin iyon.
Lagi niyang nakakasama si Mariuz, ang anak, habang nagtatrabaho. Kapag field siya, o sa project site ay naiiwan sa building ang anak.
Usapan din sa Kumpaniya ang nangyari sa kanila bilang sila ay kilalang mag-asawa sa loob ng company pati na ang nangyaring pagkakakulong sa Ama nito. But just stayed quiet outside.
============
"Why do you have to this Maya?" Puno ng hinanakit ang tinig na tanong ni Rist nang paunlakan ni Maya ang imbitasyon nito na mag-usap.
"Kailangan mo bang kunin sa akin ang anak ko? Anak natin siya Maya, anak natin. Bakit mo tatanggalan ng karapatan na lumaki ang bata na walang buong pamilya? Di na ba natin to pwedeng pag-usapan? Please May, wag naman si Mariuz, wag naman yung anak natin. Matatanggap ko pa na wala ng tayo, wala ng ikaw at ako, pero sana wag mo kong tanggalan ng karapatan na maging ama sa anak natin. Yun na lang ang meron sakin na magpapaalala sayo." Halos pumipiyok na ang boses ni Rist ng sabihin ang lahat ng iyon sa tapat ni Maya at napapasinghot tanda na pinipigilan ang pag-iyak.
Nasa love cafe sila sa may NK Hotel and Resort, ayun na rin sa gusto ni Rist.
"Siya na lang ang meron ako May, please, hwag naman ang anak ko, ang anak natin!" Sabi nitong tuluyan ng naiyak at lumuhod sa tapat ni Maya.
Tuluyan namang lumuha na si Maya, ang kanina pang pinipigilan niyang luha. It's her first time to see Rist this vulnerable, lumuluhod sa tapat niya, nagmamakaawa.
Pero buo na ang desisyon ni Maya na kunin ang anak na nawalay sa kaniya ng ilang taon.
"I'm sorry Rist. Pero ayokong mamuhay ang anak ko sa poder ng mga taong pumatay sa mismong mga lolo at lola niya." Yun na ang huling pag-uusap ng dalawa magmula ng mag-umpisa ang hearing sa pagkuha ng kustudiya ng bata.
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
SonstigesWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018