📌 - Crazy

52 5 0
                                    

Hello guyshue,

Sorna talaga sa delayed UD. Medye besy kese eke. Haha charut!

Two Updates ahead. Bumawi ako. Haha

Warning to self:

maba bash na naman ako nito. hahaha



K byers.


Lovelots,

Rue 😅


























Chapter 27

Lahat ng nasa loob ng silid ng ospital ay nagpapalitan sa pagbabantay sa tila natutulog lang na si May habang tumutunog ang IV monitor in monotone.

Ang Tita Sabrina nito na ina ni Bea ang nagpupunas sa dalagang nakahiga. Mag aalas nwebe na ng umaga at kakatapos lang itong ma check up ng kaniyang doctor.

Pinupunasan ng Ginang ang mukha ng dalaga nang dahan dahan nagmulat ang mata nito. Bukas sara bukas sara, tila nag aadjust sa nakikita.

"Mahabaging langit." Gulat at maiiyak na sabi ng Ginang na napahawak sa kamay ng dalaga. "May, gising ka na. Ringo gising na ang pamangkin natin."

Agad tumalima sa paglapit ang Ginoo sa gawi ng asawa na kanina ay nakaupo sa upuang malapit sa bintana ng kanilang inuukupang pribadong kwarto.

Pagbukas ng pinto ang nagpatingala sa mag-asawa.

"Ma, anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Bea nang mapansin ang mga magulang sa tabi ng pinsan.

Laking gulat niya nang makita ang dilat nitong mata at agad nilapitan ang kama nito na hindi pa rin makapaniwala. Napindot nito ang intercom na diretso sa Nurse Station at ibinalita ang paggising ng pasyente.

"May, finally. Gising ka na. You're back." Maiiyak na bati nito sa babaeng nakahiga pero gising na.

Ngunit hindi makikitaan ng kahit na anong emotion ang mukha ng babae bagkus ay nakakunot ang noo nito.

"N-nasaan ako?" Mahina nitong tanong na tila pagod na pagod ang boses pero mahihimigan mo ang pagtataka sa boses nito.

Ang kaninang saya ay napalitan ng pag-aalinlangan dahil sa sinabi ni May. Hindi nila pwedeng sabihin pa ang nangyari.

"M-may?" Parang hindi alam ni Bea kung ano ang sasabihin dahil sa tanong nito. "Magpagaling ka na ha?" Tanging nasabi nito.

Nayakap ni Ginoong Ringo ang kaniyang maybahay nang maiyak na ito. Bea also shed tears dahil sa pagkabigla at napatagilid nang dumating ang Doctor at mga nurse na umaasikaso dito.

They check the vital signs of the Patient at normal naman ito.

Bea was enrolled in a Medical school at malapit ng matapos kaya alam niya ang procedures sa Ospital. Malapit na din kasi ang internship niya.

Binigyan si May ng gamot at pampatulog dahil hindi pa nanunumbalik ang lakas nito at kailangan nito ng pahinga.

"We will conduct series of tests when she wakes up. And Ms. Yapchengco, you are a Medical Student, siguro naman alam mo na ang posibleng maging kundisyon ng pinsan mo sa maaaring maging resulta." Paalala ng doctor.

Wala naman silang nagawa when they saw May closes her eyes and drifted into deep slumber.

Napapikit na lang ng mata si Bea dahil sa tindi ng dagok na ito. And she knew where this is leading.

Nang dinala si May sa Ospital, naging kritikal ang lagay nito. Maraming dugo ang nawala dito, nagka fracture sa likod at nabagok ang ulo. Wala namang namuong dugo pero masyadong malakas ang impact.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon