📌 - Run

175 6 0
                                    

Chapter 2




Maya

Naghahanda na ako para pumasok suot ang aking usual get up, pencil cut one inch above the knee skirt, mint green button blouse with ruffles on the neckline na pinatungan ng itim na blazer. Mukhang kagalang galang.

Dinampot ko na ang aking shoulder bag na nakapatong sa may center table sa living room and check every corner of my unit para iwas disgrasya. I locked the door nang makalabas. Turn on the engine of my scooter at lumabas na sa gate. Sinigurado ko na ring naka lock ang gate bagu tuluyang umalis at iwan ang bahay ko.

I have 12 minutes left before the time at kapag na traffic ako, tiyak! Late ako. Haha pero sana naman wala.

I was halfway near the office nang biglang may pumutok sa likurang bahagi ng motor ko kaya agad ko itong napahinto sa pagpapatakbo. Buti at hindi pa ako nakararating sa may national highway, kundi pira-piraso ako ngayon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng mga mas malalaking sasakyan.

I park my vehicle near the pavement para iwas traffic. Sinilip ko ang likuran ng motor and shoot! Flat tire ako.

Naman talaga! Ngayon pa ako na flat tire.

Napailing na lang akong dinampot ang bag sa holder sa scooter. Tinanggal ang helmet at napapailing na napatingin sa relo at sa gulong ng motor. Paulit ulit.

Para akong timang na ganon lang ang ginagawa. Feeling ko isa itong puzzle na kailangan kong masagot pero buti sana kung math problems, seconds lang tapos na. Pero hindi, flat ang gulong ko at malalate na ako. Kainis talaga!

Napapakamot na lang ako sa ulo sa inis. May alam akong vulcanizing shop pero tatlong kanto pa o mahigit mula dito.

"Aish, ano ba to." Himutok ko at napapapadyak na sa inis.

Napalingon ako sa paligid. Puro kainan ang nandito. Maaga pa din at kukunti pa lang ang mga establishments na nakabukas at mga taong parito't paroon. At hindI ko alam kung may malapit bang vulcanizing shop dito.

May nagpark na isang pick up sa unahan ng aking motor na ikinalingon ko. May isang lalaki na bumaba sa driver's seat nito. Isang lalaki na naka blue t-shirt at black pants at sapatos. Eto siguro ang driver. Hindi ko na lang pinansin.

Nilapitan ko ang motor ko para kunin ang susi kong nakasabit pa dun. Baka kasi itakbo na lang bigla. Naku, katas yan ng paghihirap ko. Sayang naman! Anhirap kaya magbanat ng buto.

Nakaisang hakbang palang ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"M-Maya?" Gulat ang boses ng lalaking iyon na tumawag sa pangalan ko.

Ako bilang curious ay napatingin sa boses na tumawag sa akin. Ayoko naman mag-assume na ako yun pero kasi sa puntong yun, parang nahihipnotismo akong lumingon sa baritonong boses na tumatawag sa akin.

Bumungad sa aking mga mata ang gulat na mukha ng isang maputi at gwapong lalaki, doon nakatayo sa dulo ng pick up na nakapark malapit sa aking motor.

He looks so shock na para bang reaksyon mo kapag nakakakita ka ng multo sa sobrang gulat. Kunot ang noo, nanlalaki ang mga mata. Shock can be easily read.

"Ahm, yes? Did you call my name sir?" Kumpirma ko sa tawag nito at bahagyang napalinga sa paligid dahil baka assuming lang talaga siya.

Baka si Maya ni sir Chief ang hanap niya. Pero joke yun. Haha

Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi ko at ang kanina'y gulat ay bahagyang napalitan ng nanunuring tingin.

Napansin ko din ang kaninay gulat ngunit masayang mukha ng driver ng pick up kanina na bigla ding nagtaka at nalungkot ng marinig ang sagot ko.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon