📌 - Dinner

137 7 2
                                    

Chapter 4

Naging kaibigan ko ang kapit-unit ko na si Rist. Mabait kasi ito at masyadong palangiti. He always greets me good morning kapag nagkakasabay kaming lumabas every morning.

He's like the Positive vibes you always want to start with.

Minsan nagkakasabay din kaming dumarating t'wing hapon sa kanya kaniya naming unit. Kung hindi naman sabay dahil may OT kami, nadadatnan ko siyang nagwo-work out sa kanyang bakuran.

Nalaman ko din na sina Jonathan at Ira pala na dating nagmamay-ari sa ngayon ay unit na ni Rist ay lumipat na ng bagong bahay ng mga ito.

One night, I got home late dahil sa tinapos na trabaho kaya naman pagod na pagod ako ng umuwi.

Binuksan ko ang gate para ipasok si baby motmot sa loob ng bakuran ko. Ipinark ko yun ng maayos. I took off my helmet at ipinatong sa motor. Napabuntong-hininga ako sandali sa sobrang pagod and get my bag at binuksan iyon to get my other keys.

"Hi Maya, ginabi ka ata?" Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses ng aking kapit-unit.

"Uhmm, yeah! May tinapos lang." Matamlay kong sagot sa kaniya at bahagyang napangiti.

Mukhang galing ito sa labas dahil pareho kaming magbubukas ng pinto ng unit. At may dala rin itong mga packs of grocery items.

"You look so tired Maya. Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Rist na kanina pa pala nabuksan ang pinto ng bahay nito samantalang ako ay naiinis pa ng hindi pa mahanap ang hinahanap na susi.

Kung kailan ka nagmamadali saka ka mas lalong natatagalan. Kainis no? Naiimagine ko na talaga ang malambot kong kama, hmmm.

My bed, andyan na ako. Hmm.

"I think I needed my bed more than eating my dinner." Sagot ko sa kaniya then finally nahanap din ang susi. Whew!

"I'm cooking dinner. Gusto mong sumabay?" Alok nito.

"Nakakahiya naman Rist. I'm fine. Itutulog ko na lang to." I said and half-smiled. Nabuksan ko na din ang pinto ng aking unit. Thank you Lord.

"This won't take time, swear." Awat ni Rist sa kamay kong binuksan na ng malaki ang pinto.

Bahagya akong nagulat dahil kanina lang nasa kabilang bakod pa si Rist, tapos kisapmata lang, nakahawak na ito sa kamay kong bubukas ng pinto.

Aie, shoot!

Agad kong nabawi ang kamay ng maramdaman ang init na hatid noon sa akin, warming and calming me, something electrifying runs from his touch to my being, something I think ngayon ko lang naramdaman.

Ayan tuloy, bigla bigla na lang ding nawala ang antok ko. Pwede pa lang pampagising tong si Rist. Ano pa kaya ang kaya nitong gawin? Haha

Kahit sa gitna ng pagkagulat, nagawa ko pa atang mag joke ah. Kung joke ba yun. Whew!

Napatingin ako sa gate kong hindi naman naka kandado pero hindi bukas.

"T-teka! Pano ka -" hindi ko natapos ang sasabihin dahil kinuha na ni Rist ang bag kong hawak at ipinasok sa loob ng sala kahit pa madilim ang looban nito.

My night vision ba ang lalaking ito?

And so, ako na lang yung nagbukas ng ilaw na nasa tabi lang naman din ng pinto at napasandal doon. Siya naman ay ngingiting pabalik sa gawi ko habang hawak ang susi ko sa kamay niya.

Alam niyo, gwapo talaga tong si Rist. Maputi ang kulay ng balat nito, parang kahit ibilad sa araw, di mangigitim. He got that messy look hair pero bagay naman dito kasi itim na itim ang buhok nito at bumagay sa kulay ng balat niya. Ang ganda rin ng mata niyang hindi naman bilugan pero hindi rin singkit, and he got that thick brows and lashes that matches his dark orbs. Nakakainggit. Matangos din ang ilong nito na alam mo talagang may halong banyaga - Spanish? French? German? I don't know. And those luscious red lips, mahihiya talaga ang mukha ko.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon