📌 - Drive

98 5 0
                                    

Chapter 5

Iminulat ko ang aking mata at napatingin sa ceiling na nakangiti. Kinuha ko ang sariling kumot at nagtalukbong.

My room is still dark dahil nakasara pa ang bintana pero alam kong umaga na. Pakiramdam ko hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mangyayari ngayong araw na ito.

Kinuha ko ang cellphone sa side table ng kama at tiningnan ang oras.

Shoot! Napabungisngis ako. Haha alas kwatro? Ito na ata ang pinaka maaga kong gising ah. At dahil nagising na ako, alam kong di na ako makakabalik pa ng tulog. Bumangon na ako sa kama at di na nag-abalang buksan pa ang bintana dahil ang totoo, hindi ko naman binubuksan ang bintanang yan. Haha

Walang view dyan sa likod eih. Haha

Pumasok na ako sa banyo to do my morning rituals pagkatapos ay pumunta ng kusina para maghanda ng tea. Kumuha ako ng teabag sa drawer at inilagay sa Cup and pour hot water in it.

Masyado pang maaga kaya ang ginawa ko nagbihis ako ng jogging pants at nagsuot ng rubber shoes. I tied my hair in high ponytail at inubos ang tea bago tuluyang lumabas ng aking unit.

Medyo madilim pa sa labas at tanging mga ilaw sa daan at sa mga bahay ang nagpapaliwanag sa paligid. Ni-lock ko din ang unit ko bago lumabas ng gate. Sinilip ko naman ang bakuran ng kapit-unit ko at patay pa ang ilaw aa loob. Tulog pa malamang.

Linggo ngayon at wala akong trabaho kaya habang maaga pa, nag jogging ako paikot ng subdivision.

I'm not a fitness, figure and health conscious person. Kahit ano nga ata kinakain ko pero hindi naman ako tumataba. Sabi nga nila, ang sexy ko daw kasi flat lang yung tummy ko.

Hindi ko rin alam. Madalas naman kaming magka ayaang magbabarkada sa mga Bars, pero laging si Gabby at Ruvee ang taga aya (haha, isn't it? Support mo nga ako Jean.), wala daw akong bilbil. Sabi ko na lang, may bilbil ako, konti lang. Haha

May nakakasabay akong mga nagjo jogging pero dahil likas na tamad ako pagdating sa fitness, nag walkathon lang ako. At wala din naman masyadong mga ligaw na aso sa subdivision na maaaring manghabol.
Pero ang alam ko sa tao, meron. Merong nagpapahabol at naghahabol. Haha

Nung medyo lumiwanag na ay bumalik na ako sa aking unit. Mukhang nag stroll in the city nga lang ang peg ko - nanlilimahid version. Haha

"Good Morning!" Bati ng sino pa nga bang nabati sa akin sa umaga? Edi si Rist, at ahemmm, nagpu push up lang naman sa labas ng bakuran niya. "Aga mo nagising ah, did you jogged?"

Nagfeflex tuloy yung mga muscles niya sa braso. Hmm, siguro wala lang sa kaniya ang timbang ko kung bubuhatin niya ako.

Aie, shoot! May buhat buhat na akong nalalaman. Haha

"Hi, morning." Ganting bati ko sa kaniya na umiwas ng tingin at pumasok na sa bakuran ko. "Yeah, sort of."

"Nga pala, wear something comfortable and extras later, just in case." Nakangiting paalala nito na nagpapahid na ng kaniyang pawis sa mukha.

"Why?" Nakakunot noo kong tanong. "May pupuntahan pa ba tayong iba maliban sa Shop mo?" Usisa ko dito.

"Let's just say, susulitin lang natin ang araw!" Nakangiti pa ring sabi nito. "And sa daan na tayo kumain, I prepared foods for us."

Tango lang ang naging sagot ko dahil nawala na sa tapat ko ang lalaki. Kaya naman pumasok na lang ako sa unit ko.

You heard me right. Pupunta kami dun sa kanyang coffee shop pero hindi lang purong kape ang binebenta. Medyo may kalayuan daw kasi yun dito and it would take us almost an hour drive para marating yun. And kaya pala siya nandito ay para maghanap ng bagong pwesto ng kaniyang shop, to branch out.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon