Chapter 15
Katatapos lang ng Lunch break pero pakiramdam ko gutom na gutom pa ako. Hindi lang sa tiyan but also mentally.
Shoot! Kanina pa ako tawag ng tawag sa NK, walang nasagot. At kung meron man, Voice message? Tama ba yung number nila dito sa Website nila? O mali ako ng dial?
I tried again and again pero nang sumagot na, Fully booked daw sila on that day na gusto namin.
Shocks! Bat ko nga sinuggest tong hinayupak na NK?
Hala, Joke lang sa may-ari. Haha baka di na ako makabalik dun.
Nakapangalumbaba akong nakatutok sa screen ng computer ko when an idea pop up in my mind.
Hmmm, di naman siguro masama mag pull off some strings diba? Insert evil smile. Bwahahaha
I take my phone out my bag at nagpaalam sa dalawa na pupunta lang akong Pantry. Everybody's busy kaya alam kong walang makakarinig sa akin dito sa loob. Baka kasi kapag doon ako tumawag sa labas, madinig ng dalawa, magtanong at di ko pa alam paano sasagutin yun kung sakali.
Sa sobrang excitement, na e dial ko agad ang phone number nito. At yun nga nag ring. Hindi pa nakakadalawang Ring, may sumagot na agad.
"Ahmmp, Hi?" Alangan kong bati. Paano ko nga sisimulan ang hihingin kong pabor sa kaniya?
Kinakabahan ako kasi baka isipin niya I'm only gonna use him. Shoot! How will I start?
"Hi! You called." Masiglang bati nito. Yung ikalawang salita talaga nito ang nagpatawa sakin.
I plead guilty. Siya kasi lage tumatawag sa akin. And here I am calling him, and will be asking favor.
"Ahmmp, kasi - "
Hindi ko natapos ang sasabihin nang nakarinig ako na tila ba may tumikhim sa kabilang linya.
"Oh my God. Did I call on a wrong time?" Na guilty ko biglang tanong.
Hala, sana pala nagtext na muna ako bago tumawag. Naku, self, ang bobo natin.
"Ahmmp, actually I'm on a lunch meeting. Can I call you after this?" Sabi nito sa kabilang linya.
"Hala, oo oo sige. Sana di mo na lang sinagot." Maliit ang boses na sagot. Eih kasi naman busy pala siya at this moment, sinagot pa ang tawag ko.
Pero tawa lang ang sinagot nito. "Call you later Ma Cherié."
Na end na yung call pagkatapos nun. Nakagat ko tuloy ang hinlalaki dahil sa pag-iisip na nadistorbo ko ang meeting niya. Pero di ko naman maiwasan ngumiti kasi nemen, ma cherié daw.
Ewan ko sayo, Risto.
"Maya besh, ayos ka lang?" Tanong ni Ruvee na pumasok pala sa Pantry. Kunot ang noo nito na nakatingin sa akin. "Mukha kang kinikilig na sinasaniban - pero mas lamang ang nasaniban."
At natatawa itong lumapit sa water dipenser at nag refill sa water tumbler nitong may drawing na Pikachu. Pikachu lover yan, marami yan sa kwarto niya. Buti nga di pa sila nagkakapalit ng mukha ni Pikachu, haha.
"Anong nangyari sayo?" Ulit nitong tanong.
"Na stress kasi ako dun sa kakahanap ng possible venue na inutos ni Manager. Kaya baka dito sa pantry, may magbigay ng Idea." Nagpapasalamat ako na di ako nabubulol habang sinasabi ko yun at baka hindi ako paniwalaan ng isa.
Yung pasok niya kasi, napaka wrong timing. Haha shoot! Sinisi pa si Ruvee.
"Pagkain ba inspirasyon na hanap mo? Haha Oh siya iwanan na kita. Baka makakita ka pa ng lablayp dito sa Pantry sagabal pa ako. Haha." Maya pa ay paalam nito na natatawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018