Chapter 3
Sa hapon na ako nakapagtrabaho ng maayos dahil kahit nandun na ako sa opisina ay wala ako sa tamang katinuan para gumawa ng paperworks. Kaya buong umaga ay sa cafeteria ng building ako tumambay para ayusin ang sarili at makapag-isip ng tama bago gawin ang trabaho.
At kahit nagtataka ang mga kaibigan ay sinarili ko lang ang nangyari kahit maya't maya ang tanong nila akin pero sabi ko na lang, di ko kilala at hinabol ako. Totoo naman talaga yun kaya ayun kahit di kumbinsido ay nanahimik na lang.
Di ko namalayan, alas 7 na pala. Nag overtime kasi ako para tapusin ang dapat ay ginawa ko kaninang umaga. And when I'm done, I turned off the PC at lumabas na ng cubicle. May nakasabayan akong mga nag OT din kaya lakas ng loob ko eih. Haha
Pagdating sa lobby ng building, binuksan ko ang bag at kinalkal iyon, hinahanap ang susi ng aking baby motmot, pangalan ng aking motor.
Pero halos ilabas ko na ang laman ng bag ko ay hindi ko mahanap yun. And then it hit me, naiwan ko nga pala ang scooter ko dun sa may gilid ng daan.
Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko para iwanan ang baby motmot ko kakabit ang susi nito. Para ko na ring ibinigay lang ng basta basta ang pinaghirapan ko dahil sa katangahan ko. Para bang umakyat ako sa puno ng Mangga na walang kasanga-sanga upang kumuha ng bunga pero ng nakakuha ka na, inilagay mo lang sa tabi inangkin na ng iba.
Tapos tinakbo pa niya ang papuntang opisina kaya heto gusto ko na lang mapahinga sa sobrang pagod at bugbog ng katawan. Pero paano ako uuwi kong wala ang baby Motmot ko?
"Aish! Kainis naman!" Himutok ko ng makarating sa may labasan ng building.
"Maghihintay na lang siguro ako ng taxi." Kausap ko sa sarili at napalinga sa paligid pero halos mga pampribadong mga sasakyan ang dumaraan.
Napapakamot ako sa inis dahil kapag may nadadaang taxi, puno o may sakay.
"Ms. Maya?" Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.
Matatakot sana ako kasi ganitong ganito din ang scenario kaninang umaga buti at si Manong guard lang pala.
"Yes po kuya?" Nakangiti kong tanong dito.
"Idinaan po dito kanina ang motor niyo maam pati ang susi." Sabi nito sabay abot sa akin ng isang susi na kilalang kilala ko dahil sa Kulay asul na gitarang keychain nito.
"Po? May naghatid?" Nagtataka at syempre nagulat kong tanong kasabay ng pag-abot ng susi ko mula kay manong guard.
"Nakalimutan ko pong ihatid sa opisina niyo kanina ms. Maya, nagmeeting po kasi kami." Paliwanag ng gwardiya. "Inihatid po ng isang pick up kanina ma'am. Napalitan na daw po yan ng gulong kaya pwede niyo na pong gamitin. Nasa labas lang po nakapark."
Shoot!
Ano yun? Panong? Bakit?
Andaming tanong ni Maya sa isip nito na hindi niya alam paanong sasagutin. Akala niya nawala na ang motor niya pero naisauli pa sa kaniya, buo at maayos. Ibig sabihin ba non, yung lalaki kanina na sumunod sa kaniya ang may gawa nito?
"Ahmmp, kuya, wala ba siya o silang iniwan na contact number? Para bayaran ko yung paghatid at pagpapaayos." Maya
"Aie, wala po maam." Tanging sagot ng gwardiya at nagpaalam na upang magpatuloy sa trabaho.
Ako naman ay tinungo ang parking Area at totoo nga, nandun ang motor ko na naka-park at maayos na ang gulong.
Shoot! Whew!
Mukhang kailangan kong magpasalamat dun sa lalaking tinakbuhan ko, kung siya man talaga ang nagsave ng motor ko.
Isinuot ko na agad ang helmet ko dahil pagod na ako para mag-isip pa ng gagawin sa sumalba sa motor ko. Sa ngayon mas kailangan ko ng ipahinga ang buong sistema ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018