Chapter 29
December 31
It's New Year's Eve at nandito halos lahat ng taga Celeste sa tapat ng Municipal Hall upang sabay na ipagdiwang ang Bagong Taon.
Naghanda ng malaking pagsasalo sina Gov at Mayor para sa lahat at pagsapit ng alas Dose ay sabay naming sasaksihan ang magarbong Fireworks display. Taon taon itong nagaganap kaya kaming mga taga Celeste ay nagdadala ng mga pagkain na pwedeng ipamahagi sa lahat upang pagsaluhan.
Mula alas 10 ng gabi pagkatapos ng Misa ay dito na halos dumideretso ang lahat. May mga nagpe perform din kasi para masiyahan ang mga dadalo. Sayawan, kantahan, variety shows na mga taga Celeste lang din ang may gawa.
Sa gilid ng Munisipyo nakalagay ang mga mesa at upuan dahil malawak iyon doon. At kitang kita ang malawak na kalangitan.
Iniwan ako kanina ni Rocky dahil kinausap nito ang ibang mga Opisyal namin sa Celeste. Kaniya kaniya kasi ang mga tao sa pag eenjoy.
Lumapit ako sa buffet table at kumuha ng pagkain.
"Happy New Year May." Bati ng boses ng pinsan ko na di ko namalayang nasa tabi ko na pala. Nakasuot ito ng denim sexy shorts, white hanging blouse at gladiator sandals na abot hanggang kalahati ng binti nito. Ako kasi naka hanging pants at fitted shirt.
"Woah. Sexy!" Napasipol pa kuno ako dahil hinagod ko pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Hinampas niya ako sa braso kaya bahagya akong napahiyaw. "AWW!"
"Sira!" Natatawa nitong saad.
"Happy New Year Bea Samantha Yapchengo - Roman. Haha." Pahayag ko sa pangalan nito ng buo. Matapos marinig ang huling binanggit kong pangalan ay hinampas akong muli.
"Aray! Ang Harsh!" Reklamo ko pero natatawa naman.
"Hindi porket naaalala mo ng lahat eih okay na. And hello? Roman? Excuse me? Di ako magpapasakal sa lalaking yun." Reklamo din nitong pinag ekis ang braso sa dibdib and rolled her eyeballs.
Alam na nina Bea, Aunte, Uncle at iba ko pang kamag-anak ang pagbabalik ng ala-ala ko. Nagkaroon kami ng oras nong mga nakaraang araw upang mag-usap. Ipinaliwanag din nila sa akin ang lahat kung bakit ganito ang nangyari sa kasalukuyan. At naiintidihan ko na naman.
"Edi hindi. Kasi ako yung magpapakasal. Basta wag mo kong sasakalin. Haha!" Tukso ko dito.
"May, we still have time. Matutubos pa kita mula sa hinayupak na yun." Mura nito sa Mayor na hinawakan ang kamay ko.
Ang alam kasi nila ikakasal talaga ako sa Mayor. And Bea too. Pero may pinag usapan na kami ni Rocky. At sekretong petmalu yun.
"Uie, yung bunganga mo, walang filter." Natatawang sita ko dito. "Hinayupak nga pero Mahal mo naman. Aysus!" Tukso ko rito at pinandilatan lang ako ng mata ng bruha.
Masyadong in denial.
"Muling ibalik ang tamis ng Pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, Sayang naman ang ating nakaraan." Kanta ko sa kawalan.
"Walang tamis ng pag-ibig at wala din kaming nakaraan." Sabat nito sa kanta ko.
"I know. Kasi ayaw mo siyang maging nakaraan at nilipas ng panahon. Dahil gusto mong siya ang maging iyong ngayon, bukas at kailanman." Hirit ko pa rito na tawang tawa.
"Balakajan! Wala ka pa ata sa tamang katinuan eih. Ibabalik kitang hospital."
Itong pinsan ko kahit kailan in denial, NBSB pa naman. "No boyfriend since birth", pero iba din description niya, "No boyfriend still beautiful". Hindi naman kasi counted yung nag med school siya, kasi kalaunan din umamin yung guy sa kaniya na ito ay bakla.
Naku, way Back college days, Punong puno ng flames nila ni Rocky yang notebook niya na laging Love ang sagot. Inspiration niya si Rocky but the table turned upside down. Si Rocky naman ngayon ang patay na patay sa kaniya.
Pero alam ko mahal pa rin nitong pinsan ko si Mayor. Naku, edi sana matagal ng may Jowa yan. Lage nga niyang sinasabi na Single by Choice daw siya. If I know, single because she's waiting for him. Haha
"Ayieeeehhh. Mahal na Mahal niya si Rocky. Uyyyy!" Tukso ko rito.
Naputol ang usapan namin nang nag ingay ang telepono ko.
"Baby Shark doo doo do dodooo,
Baby Shark doo doo do dodooo,
Baby Shark doo doo do dodooo,
Baby Shark. 🎵🎵🎵"Natitigan ko ang screen sa rumihestrong pangalan. It's HIM.
I actually anticipated na tatawag siya kasi this past few days tawag siya ng tawag pero di ko naman sinasagot.
Well, unang una, pano ko nga ba siya kakausapin? Pano ko ba sasabihin ang Hello na hindi pipiyok at iiyak? Pano ba gawin na magpanggap na masaya kahit ang totoo ay hindi? Pano ko pa ba papaniwalan ang lahat ng sasabihin niya gayong alam ko na kung ano ang totoo?
"Ang Karma talaga digital." Pasipol sipol pang parinig ni Bea sa tabi ko.
Ayan, nakaisa tuloy siya sakin. Aruy talaga.
I turned my phone off. Kung sakali mang kakausapin ko siya, dapat personal. Ayoko sa phone, dapat harapan kami at nang masabi ko sa kaniya ang lahat nang dapat na sinabi ko sa kaniya noon pa. Overdue na, pero sasabihin ko pa rin.
At kung darating man ang araw na yun, sana handang handa na ang puso kong piliin kung ano ang tama.
"What's your plan now? Babalik na ako sa Denmark sa makalawa. Babalik ka na rin sa trabaho mo bukas. What will you do now?" Biglang seryoso nitong tanong.
Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Nahanapan na ako ni Rocky ng bagong titirhan. Mas malapit sa Office. At nailipat na daw ang mga gamit ko dun."
Napag-usapan na namin to Rocky at agaran din ang solusyon nito. Hindi ko pa kakayanin na makasama siya sa iisang lugar.
Masikip, baka di kayaning huminga.
"Wow. Impressive! Pero hindi naman pwedeng takbuhan mo siya, you know his filthy rich. He can find you."
"Haharapin ko naman siya, pero siguro hindi pa muna ngayon. I still need to strengthen myself. Ayokong pagharap namin, lamunin ako ng pag-i pag-ibig na yan. Minsan na niya akong sinaktan. Ginawang tanga sa ikalawang pagkakataon, at ayoko ng maulit ito sa ikatlo pa. That would be my last, at dapat wala ng kasunod."
"Okay. Just give me a call when something happen. You know I would always fly back for you." She said while holding my left hand and squeezing it lightly.
"Oo na, tatawagan kita sa araw ng kasal ko. Fb live na lang pala. Para mainggit ka. At pwede ka pang mag sad doon or mag angry." Natatawa kong tukso rito. "Pwede ring, Itigil ang kasal kung ayaw mong masakal."
Tinapon niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tiningnan ako ng masama.
"Aray, ang sakit." Reklamo ko pero tawang tawa sa mukha ng pinsan kong galit. "Masyado kang mapanakit, alam mo ba yun? Kaya sinasaktan mo na lang din ang sarili mo sa di pag - amin na -."
Natigil ako sa pagsasalita ng tinakpan iyon ni Bea. "Ang daldal mo."
Natatawa pa rin ako nang bitawan niya ako. "Oo na nga, titigil na. Di na kita pipilitin, baka mapilit pa kitang umamin. Ayieeeehhh."
Akma nito akong susuntukin nang matigil sa ere ang kamay, at imbes na suntok, hampas na lang. Haha nasundan ko naman ang tingin nito kanina at nakita ang bahagyang pagsulyap pala ni Rocky sa gawi namin.
At bagu ko pa matukso yung isa, nawala na sa harapan ko. Haha
Napagdesisyunan ko na lang na makipagkulitan sa iba ko pang mga pinsan dahil nilalayuan ako ni Bea. Haha
At pagsapit ng Alas Dose ay nag ilawan ang kalangitan kasabay ng kaniya kaniyang hiyawan at sigawan ng buong Celeste.
Sana tulad ng fireworks na sobrang liwanag, maging ganon din kaliwanag ang aming bukas.
"Happy New Year, Rist."
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018