📌 - Now What?

57 5 0
                                    

Chapter 28


















================

"When it comes to Love,
para tayong BDO kasi we find ways.
Kahit pa minsan,
sa masamang paraan."

================






























Simula nang magising si Maya ay nakatulala lamang itong nakatingin sa puting Kisame ng kwarto nito dito sa Hospital. Wala na itong dextrose at oxygen at IV dahil maayos na naman na ang lagay nito.

"Inzan?" Alanganing tawag ni Bea sa pinsan at umupo sa higaan nito and hold her hand. "Ayos ka lang?"

Pilit na ngiti ang binigay ni Maya sa pinsan.

"Pwede na tayong lumabas mamaya, hinihintay na lang yung results ng mga tests. Where - ." Hindi natapos ni Bea ang sasabihin dahil bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang naka pormal pang suot na Mayor ng lungsod.

Agad sumama ang timpla ng mukha ni Bea nang mapagsino ang dumating at tumayo mula sa pagkakaupo.

Binati naman ito ng mga magulang ni Bea na naroon din sa loob ng silid.

"Hey Loves, how are you? Are you okay now?" Nag-aalalang tanong nito sa dalaga. Makikita sa mukha nito ang lungkot at pag-aalala.

Tango lang din ang sagot ni Maya dito.

"Maiwan na muna namin kayo saglit. Kukuha lang kami ng clearance para makalabas na si May maya maya." Paalam ng mga magulang nito.

"Magpapahinga lang ako saglit." Paalam ni Maya sa dalawa at bahagyang tumagilid at pinikit ang mga mata nang makalabas na ang mga magulang ni Bea.

Katahimikan ang sumunod.






























==============/==============


























Maya

Nang makita kong pumasok si Rocky sa silid ay parang nais kung maiyak ng muli ay maalala ang nakaraan, kaya naman ay nagpaalam ako sa kanila na magpapahinga kahit ang totoo ay kagigising ko lang.

I acted tired and closed my eyes habang nakatalikod sa gawi ng dalawa na tumahimik. Sa sobrang tahimik, naririnig ko na ang yabag ng mga sapatos na naglalakad sa labas pati ata buga ng aircon, dinig ko.

Nakarinig ako ng iilang buntong hininga na mukhang galing sa pinsan ko bagu nito basagin ang katahimikan.

"Let's talk, outside, privately." Mahinang sabi nito at narinig ko na lang ang yabag ng sapatos nitong malamang ay patungo sa gawi ng pinto.

May isa pang yabag ng sapatos akong narinig kasabay ng pagpihit ng seradura at ugong ng pagbubukas ng pinto. Akala ko umalis na sila nang may maramdaman akong dumampi sa uluhan ko.

"Take a rest May." Saad ni Rocky matapos akong halikan sa may ulo ko at narinig ang yabag nitong papalayo at pagbukas at pagsara ng pinto.

Nagulat ako sa ginawa nito at napamulat ng mata kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata.

Kung makikilala mo lang ng tuluyan ang tunay na ugali ni Rocky, he's so sweet, thoughtful and kind. Di lang ito pasensyoso pero mapagmahal ito. Mapagmahal na tao at alam kong tunay ang pagmamahal nito para sa akin.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon