📌 - Denim

91 7 7
                                    

Chapter 16

Ngayon ang balik ni Jean sa trabaho mula sa leave nito at nagkataon namang ayaw umandar ni motmot. Ready to go na ako eih kaya lang, di ko maintindihan kung anong nangyari at biglang ayaw umandar ni motmot.

Nakakainis naman kasi, pano ba yan? Sabi kong panay tingin sa relo ko at bumagsak ang balikat.

"Sige na, magco commute na ako." Himutok ko habang masama ang tingin sa motor ko. Kinuha ko ang bag ko at padabog na inilagay sa balikat.

Kailan ko ba pag-aaralang mag-mekaniko? Di ko gamay ang makina kasi eih.

Di ko kakayanin ng 10mins papuntang opisina, kainis.

Aitz, tatawagan ko na lang si Hmm, si Ruvee na male late ako ng medyo matagal.

Kinuha ko ang phone sa bag and dial her number na ilang ring din ang inabot bago sinagot.

"Hello Maya? Napatawag ka? Male late ka ba? Haha." Bungad ng babae sa kabilang linya. Hype ah, ang aga!

"Di ba pwedeng good morning muna? Grabe to." Reklamo ko pero natawa na lang din. "Yes, malelate ako."

"May bago ba? Haha."

Tingnan mo tong isang to. Shoot! May bitbit yang tubig o kape araw-araw, sana mabasa tong babaeng to. Hahaha pero Joke lang. Ang bad ko, ang aga aga.

"Baka paayos ko muna si motmot. Epapa check ko na lang. Baka hapon na ako makapasok." Dahilan ko dito.

Nagbago na ang isip ko, ipapayos ko na lang muna si motmot. Ayoko naman siyang iwan. Baka mamaya angkinin ng iba, shoot! Haha

"Okay. Bessy, mwuahh." Paalam nito.

"Ewww." Napapangiwi ngunit nakatawa kong reklamo na sinabayan din niya ng halakhak. And then the call ended.

Hype at loka loka talaga ang isang yun. Haha wag kayong maingay. Secret natin yun.

Muli napatingin ako kay Motmot tapos napakamot sa ulo at napalabi.

"Alam mo bang nasisira ang araw ko kapag ganyang di maipinta ang mukha mo?" Narinig kong boses ni Rist kaya napatingin ako sa direksyon ng unit nito. Nakasuot lang ito ng simpleng blue shirt at Maong pants.

"Hi Good morning." Bati niya ritong naikot ang mata. "Hindi uso ang batian ng good morning ngayong araw na ito."

Mahinang napatawa si Rist. "Good Morning Maya."

Lumapad ang ngiti ni Maya pero hindi naman totoong ngiti. Ngiting naiinis lang.

"Why are you still here? Don't you have work?" Curious na tanong nito, halata sa kunot nitong noo.

"Ayaw umandar ni Motmot. Papapuntahan ko na lang ng mekaniko dito." Sabi ko sa kaniya. "Bihis muna ako."

"Wait, wait." Pigil nito sa tangka kong pagpasok ng bahay. Nagulat pa ako ng makita siyang nasa likuran ko na, e kanina lang nasa kabilang bakud pa siya.

"May samaligno ka ba? Nananakot ka eih." Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat.

"Really Maya?" Parang di makapaniwala na tanong nito sa harap ko.

Kasalukuyan na kasi kaming nakatayo sa tapat ng pinto ko. Hindi ko yun nabuksan kasi nga pinigilan niya ako.

"Nung nakaraang araw sinabihan mo akong miyembro ng Justice League at X-men, tapos dun sa San Guko whatever. Ngayon naman mga unseen elements? Really Maya?"

"Sorry naman. Eih kasi ikaw, seryoso mo masyado." Napalabi kong sabi na parang bata.

Eh keshe nemen, sorna. Haha

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon