📌 - Invitation

79 4 0
                                    

Chapter 8

Days passed na naging mas busy pa kami. Kahit nasa Thailand sina Manager Tobe at Boss, naiwanan pa rin kami ng samut-saring dokumento. Print dito print doon. Type dito, type doon. Parang musika na namin ang tunog ng pagtipa sa keyboard.

Ilang araw na din simula ng nangyari sa amin ni Rist at ilang araw ko na rin siyang di nakikita kahit na kapit-unit lang kami. Mas maigi nga to, yung siya na rin mismo ang umiwas dahil may mapupuntahan pa naman siya, ako kasi, apartment at work na lang ang buhay ko. Alangan namang umalis ako ng unit ko?

Palabas na ako ng unit ko ng tumambad sa akin ang motmot kong may kulay. I mean, may kulay si motmot ko, blue and white pero teka bakit naging rainbow ata siya ngayon?

Kunot-noo akong napalapit sa motmot ko. Shoot! May nanliligaw ba sa akin ng di ko alam?

Nakz! Wag ka muna mag-assume maya. Haha baka mamaya, hindi pala yan para sayo, oh di kaya naman ay death threat pala to.

Shoot! Death Threat? Ano ako? Anak ng presidente ng Pinas? Martina Ayaniya Duterte? Haha

Nilapitan ko si Motmot na may pag-aalinlangan. May life-sized pink na teddy bear na mukhang nagsa sunbathing sa taas ng scooter ko, may hawak na bouquet of Santan na ikinatawa ko. Oh, I love it. Tapos sa kabilang kamay kuno nito ay isang box ng Ferrero Rocher. Sino kayang loko loko ang na-iwan ng mga ito dito?

Unang una, di ako mahilig sa matamis at anong gagawin ko sa chocolates na yan? Hmmm, bigay ko kaya kay Ruvee at Gabby? Secondly, pink talaga yung teddy bear? Bigay ko kaya to kay Jean? Fave niya ang pink. Haha akin na lang yung santan. So cute.

I saw a card na nakatupi sa tabi ng bouquet ng santan. Kinuha ko iyon, binuklat at binasa.

Maya,

Pardon.

I have wronged and I'm sorry. But I know sorry is not enough. And maybe your right. I think I'm still trap in the memories of my wife and I'll be hurting you if this continues. Sorry.

Je suis désolé.

Rist

Bahagya akong napangiti sa sulat nito. It's hand written at ang cute ng penmanship niyang naka cursive. O, kaniya ba yun? Baka pinasulat lang.

Pero di maipagkakailang nagkalapit lang pala kami dahil sa alaala niya sa kaniyang asawa. That's saddening in my part because i thought we started as friends.

O baka pinasundan niya ako at nalaman niyang dito ako nakatira kaya pinaalis niya sina Jonathan at Ira? Shoot! That's absurd! Impossible! Kasi matagal ng plano ng dalawa na lumipat ng bahay na hindi na sila magrerenta pa.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa naiisip. Anong kalokohan na naman itong iniisip ko?

Kinuha ko ang bulaklak ng santan at ang box of chocolates. Kukunin ko na din san ang teddy bear na kasing laki ko ata nang may mapansin sa apakan ng scooter.

Hala!

Mas kinuha ko yun at itinaas ng eye level.

Milk tea! Naka paper holder ito na pwedeng bitbitin. At may nakadikit doon na sticky note.

Je suis désolé

I hope we can still remain as friends. Milk tea? :-)

Rist

Bahagya akong napangiti. Ansarap sanang kiligin kaya lang, hmmm, pwede ba?

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon