Chapter 11
Sa function hall ng NK Hotel and resort ginanap ang engrandeng reception ng bagong kasal.
Piling mga tao lang ang invited and those were close family friends and relatives kaya naiilang akong makisabay sa kanila ng usapan.
Nasa isang round table ako kasama ang mga kaibigan ng bagong kasal. But usually are guys.
Si Rist kasi doon pinaupo sa harap kasama ang parte ng entourage with sponsors. And it's so awkward to create conversation with their friends na very friendly naman kahit papaano na para bang parte ako ng pagkakaibigan nila.
Magbabarkada pala sina Nohan ( ang husband ni Ada), Rist at etong mga lalaking kasama ko sa mesa. Kasama din sa table namin ang may-ari ng NK H&R na si Naille (Nayl). I am the only girl in their table. Agaw pansin dahil naka coat and tie sila samantalang ako naka off-shoulder cream colored dress. The wedding is semi formal kaya kung nag jeans ako, baka na OP na ako.
The program actually went well. Hanggang sa pag throw ng garter at bouquet. Pinupush pa nga ako ng mga boys na sumali dun sa mga kababaihang naghihintay nang ihahagis na ang bouquet, pero ayoko nga, nakakahiya. Feeling ko pa naman outsider ako.
Nagkaroon din ng surprise si Nohan para kay Ada na isang special production number, it's a song and dance number at makikita mong sobrang tawa habang umiiyak si Ada.
Napuno nga ng kantiyawan ang function hall dahil sa special number nila. Yung mga boys na kasama ko kanina sa table, silang lahat ang sumayaw dun sa set stage nila. Kaya mag-isa sana ako sa table pero nandito ngayon sa tabi ko si Rist.
"You didn't join them. Ang saya nila." Nakangiti kong tanong sa lalaki kahit medyo nahihiya parin ako sa lalaki sa nangyari kaninang umaga.
"Oh no! Parehong kaliwa ang paa ko. I might ruin everything they had prepared." Sagot nito.
Patuloy kaming nanood hanggang sa natapos na masayang masaya ang mga tao, even me, I'm smiling and laughing all through out the performance.
Nagsibalikan na ang mga boys na pawisan at pulang pula sa di ko alam kung sa kahihiyan o sa kakatawa. Haha
Nagkanya kaniyang kantyaw sa katatapos lang na performance. And you can see and feel that they had enjoyed it. I am enjoying too lalo na ang food. Haha
The couple gave their thank you's and appreciation to all the sponsors and all of us that came to their special day.
"Thank you for sharing this day with us. I love you all." Ada said over the microphone and everyone clapped their hands.
"But before this day ends, I really wanted to ask a friend to sing us a song. I hope she won't say no. Maya, please?"
I was in the middle of drinking a glass of water when I heard my name being called. Halos mabilaukan pa ako dahil sa narinig.
Shoot! MAYA? May kapangalan ba ako dito?
"Hey, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Rist na binigyan ako ng kulay asul na panyo na tinanggap ko naman. Napatakip kasi ako ng mukha matapos mabilaukan.
Tapos napatingin ako sa paligid na agad tumahimik. Tapos yung mga lalaking kasama ko sa mesa nakatingin sa amin ni Rist, sa akin.
Ako bang Maya ang tinawag niya? Na friend? Hala!
Napalingon ako sa gawi ng bagong kasal and they really are looking at me, at my direction. Nag sink in bigla sa loading kong kukute na ako nga yung gusto niyang pakantahin.
"Please, please, please, Maya?" Nakangiting sumamo nito sa harap ko.
Hilaw na ngiti ang naibigay ko sa kanya. Like, WTF? Ako? Kakanta? Shoot!
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018