📌 - Broke

95 5 0
                                    

Chapter 7

Days had passed at hindi ko na nakakasabay si Rist dahil sa kadahilanang iniiwasan ko siya.

And why not diba? Bakit? Do I have to act that as if walang Kiss na nangyari samin? Na wala lang yun? Na parang sinabi ko na lang din sa sarili ko na Ang dali ko lang makuha?

At syempre nalilito at naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan yung mangyari. At bakit ba yun nangyari? Mali yun, maling mali talaga!

Hahalik ka ba ng isang tao ng walang dahilan? At magpapahalik ka ba dahil wala lang? Ano yun? Friends with benefits? Ang sagwa besh, ayoko ng ganon.

At tama lang sigurong iwasan ko siya dahil tanong ako ng tanong sa sarili, hindi ko rin alam ang sagot. Dahil kahit ako, dalang dala ako dun sa halik.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa pag-iisip. Arrghhh, naiiisip ko na naman yun. Kainis.

"Uie, Maya. Ayos ka lang? Parang kinakalaban mo naman masyado yang computer na naka off na." Natatawang pansin sa akin ni Gabby.

"Medyo sumakit lang ulo." Alibi ko pero hindi naman makatingin.

Another OT for today. Hindi pa kasi natatapos ang business meeting nila Jean at Manager Tobe. Magtatatlong linggo na sila dun.

"Tara na besh. Uwi na tayo. O mauuna na ako sa inyo?" Aya naman ni Ruvee na bitbit na rin ang bag sa balikat.

"Cumming este coming." Sagot ni Gabby at nagtawanan kami.

Mga bunganga talaga ng mga kaibigan ko, buti na lang wala ng ibang tao sa floor namin kaya walang leakage to kinabukasan.

Agad ko ng kinuha ang bag ko at sumabay na sa dalawa pababa ng Building.

Well, hope we'll end the night well. Pero sabi nga nila, expect the unexpected.

Nauna akong umuwi sa dalawa, kasi kasama ko si baby motmot. Magkaiba din kasi kami ng direksyon kaya kaniya kaniyang uwi.

Pagdating sa apartment, yun na nga ang sinasabi kong expect the unexpected.

May lalaking pumaparito't paroon sa labas ng gate ko na naka cross arm, naka shorts, t-shirt at tsinelas. Guess who?

Kumabog ata ang dibdib ko ng makita ko siya. Paano ko ba to iiwasan kong magkapit-unit lang kami?

"Maya." Tawag nito sa akin nang bumaba ako ng motor at nagtanggal ng helmet. "Can we talk?"

Iniwasan kong tumingin sa kaniyang direksyon at sa halip, tinungo ko ang gate ng apartment at binuksan yon. Pero hindi ko pa man nabubuksan ay kinuha na ni Rist ang susi sa kamay ko at marahas akong hinila papasok sa kaniyang bakuran papasok sa nakabukas niyang unit.

"R-Rist, ano ba? What are you doing?" Pilit kong pinapatigas ang boses ko sa kabila ng takot dahil sa pag-iiba ng ugali nito. Bigla itong naging seryoso at dumilim ang awra at parang halimaw sa paningin ko.

Tama nga ang sabi nila, may itinatagong pangil ang nagdadamit mabait. I thought I know him, pero biglang hindi pala talaga.

He slammed the door behind me na muntik ko ng ikinatalon.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali? Please tell me. Gagawin ko lahat, lahat lahat! Hwag mo lang akong iwan. Wag mo lang akong iwan ulit, ma chérie." Pagsusumamo nito habang hawak hawak ang aking mukha at pinapaulanan ako ng halik.

Macherry? Machirey? Ano daw?

I didn't get the word, tunog banyaga pero isa lang ang nasa isip ko, he's calling me his wife. Akala niya asawa niya ako.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon