📌 - Speak

75 5 50
                                    

Happy Morning. 😁

Yeshu, may update ulit at malapit na akong ma expired. Haha

Minadali na ang mga update ko, di ba halata? Haha

Anyways highways, samahan niyo ko na kutusan si Maya at ang mga bessywaps. Hahaha

At tsaka sorna agad in advance, naiba ang plot ko sa dulo dahil sa timeline ng UWF. Haha 2 moe chapters and we're done.

Lablab,


Rue 😂







































Chapter 33

"This is real, May!" Kuya Maw confirmed matapos kong ipakita sa kaniya ang marriage contract na binigay sa akin ni Rist kaninang umaga.

Lunch break na at talagang pinapunta ko si Kuya dahil kanina pa ako mukhang tanga sa opisina. Kinausap ko pa si Manager bago ang lunch break, itinanong ko kung anong sinabi ni Rist sa kanila ni Boss.

Yung singsing naman tinanggal ko sa kamay.

"He said na girlfriend ka niya at gusto niyang makatrabaho ka. At may di kayo pagkakaintindihan sa ngayon kaya galit ka sa kaniya. That's what he said." Maikling kwento ni Manager.

Kaya ayun, pinakiusapan ko na lang si manager na huwag sabihin lalong lalo na kay Jean dahil malalaman din ng ibang ka bessywaps ko. Sabi ko pa, ako na ang magsasabi sa kanila.

Arrggghhhhhh. Edo double kill ko talaga yung hayp na yun.

"Pero edo double check na lang muna natin para masigurado." Dagdag ni Kuya.

"Kuya, if this is real, I mean, yes, this is real! May isa pa akong problema. God, magtatrabaho ako under him starting next week, kuya. Re-sched ko na lang daw ang leave ko. Kuya, how about the wedding? Prepared na kami ni Rocky." Himutok ko na hindi makapaniwala sa gulong ito.

"Did you call Rocky?" Kalmado paring tanong ni Kuya.

Nandito kami sa isang restaurant malapit sa building namin.

"Yes! Mag-uusap kami mamayang gabi. We'll find resort to this arrggghhh, problem."

Bakit ba ayaw matapos tapos tong problema na meron ako?

After lunch ay bumalik na ako sa cubicle namin. I tried to focus my mind dun sa mga tambak na papeles na nasa table ko na kailangan kong matapos e sort out bagu ang leave, pero dahil yung leave ko ay na pending, hai ewan.

Ansakit ng balakang ko pati ng leeg ko dahil sa matagal na pagkakaupo. At di ko namalayan, coffee break na pala. Pero imbes na mag kape tumayo ako para sana eh mag refill ng tubig sa tumbler ko.

Pero hindi natuloy dahil sa pagdating ni Ms. Maika na ang lapad ng ngiti na nagpahinto sa akin sa pagpunta sa pantry.

"Ikaw Ms. Maya ah, naglilihim ka sa amin." Umpisa nito at kinurot pa ako sa tagiliran.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong tanong at napahawak sa tagiliran kong nakurot nito na hindi naman ganon ka sakit. Kahit yung tatlong ka bessywap ko napatingin sa aming dalawa.

"Aysus, mag maang maangan ba." Tudyo nito. "Kayo bang tatlo alam niyong may Jowa tong si Ms. Maya?"

"Weeh?" Halos sabay sabay pang react nung tatlo.

"May jowa ka besh?" Takang tanong ni Ruvee na inikot ang swivel chair paharap sa amin.

"Uie, sino yan? Bakit di namin alam?" Dugtong na tanong ni Gabby.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon