Additional Chapter:
Masayang nakikita ni Maya ang kambal na naghahabulan sa kanilang bakuran. Ilang taon na din ang nakalipas at masaya na at kuntento ako sa buhay na meron ako ngayon kasama ang dalawa kong anak.
As for Bea and Rocky, happily married na last year, at ayaw pa muna ng anak ni Bea kasi susulitin na daw muna nito ang asawa na ngayon ay Governor na ng aming lugar.
As for Yethi and Polo, ayun, nag settle down na sila sa States. Nohan and Ada, may dalawang babies na din. As for the guys, nakahanap na ang mga yun ng happy ever after nila. Hahaha
How did I know? Syempre, nagkapatawaran na kami no.
Sabi nga ni Auntie, you can't simply love a life full of hatred. You need to forgive and eventually healed. You can't forget but the wounds and the scars from the past will heal in time.
"Mommy!" Halos sabay na tawag ng dalawa kong kambal na nasa tapat na ng kotse namin.
They were still young at 10. They're still my babies. At pareho na silang Mommy ang tawag sa akin dahil na rin sa naiinggit daw si Mayang sa tawag ni Mariuz na mommy.
Matangkad si Mariuz ng ilang inches kay Mayang and he's protective to his sister na sobrang pasaway. But she also protects her brother kapag nabubully dahil medyo nerdy kasi ito.
Pinuntahan ko na ang direksyon nila at binuksan nila ang pinto, mayang at the front, Mariuz at the back.
May pupuntahan kami ngayon. Kung sino o ano? You'll find about it later.
Minaneho ko na ang sasakyan at inilabas yun sa bakuran namin.
"I'm soo excited. Yey!" Masiglang sabi ni Mayang na nakaayos ng upo.
"Yeah, me too. How about you mom?" Tanong ni Mariuz na nakalabas ang ulo sa gitna ng mga silya at nakatingin sa akin.
"Of course I do." Masigla ko ding sagot at tumutok na sa daan habang nag-aaway ang kambal ng ipapatugtog sa radio until they settle to a Korean song I don't even know and understand.
My daughter's a big fan of Kpop and kdramas while my son's a Japanese enthusiast. They differ with each other but they still click as siblings. Pero yun nga lang minsan, ang ingay kapag hindi napapagbigyan ang babae. Naku naku naku.
Pumasok kami sa isang bakal na gate na nakabukas. Dumiretso lang ako ng maneho at inihinto sa partikular na pinaghihintuan ko na sasakyan, sa lilim ng puno ng Pine Tree.
"Okay babies, do your stuff. I'll just follow you. Okay?" Utos ko nang pinatay ang makina.
"Okay mom. See yah."
Bumaba na kaming tatlo. Magkaakbay ang dalawa na tinungo ang kabilang bahagi ng lote bitbit ang mga dala nila kanina na kinuha sa trunk. I took my basket of flowers too mula dun at inilock ang sasakyan.
Sa kabilang lote lang ang punta ko.
Nandito kami sa Celeste Cemetery.
Dala ang basket ng bulaklak ay tinungo ko ang himlayan ng aking best friend. Nilinis ko ng bahagya ang lapida nitong natabunan bahagya ng mga petals ng bulaklak bagu itinabi sa isa pang basket ng bulaklak ang dala ko.
Malamang bumisita na dito ang ibang mga kaibigan namin.
"Hey pretty girl. Kumusta ka na bff? Sana ayos ka na?" Masayang bati ko habang nakatingin sa pangalan nito. "Ayan ha, binisita na kita. Wag ka ng magtampo dyan kung di kita nabisita nung last birthday mo. Busy ako, kaya ngayon ako bumawi. Haha Sorry na please."
"I know you're happy there Lic. I know you are." Huling sinabi ko kasasunod ng paghangin ng bahagya kaya napangiti ako dahil alam kong sang-ayun siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
De TodoWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018