Hello ulit. Hahaha
Kapag talaga may ulan, may update ako. Hahahaha
5 chapters to go, dead end na si Maya. Hello nga pala kay Tseb WP. Haha supporter sa epbe, sabi niya kasi moment naman daw ni Maya at Rist. Hahaha
Ewan ko lang talaga sa update.
😂😂 Byers
Rue 💋
Chapter 30
=================
Ang Pusong Nagmahal pero Nasaktan ay nagiging Bato,
It gets HARD.==================
Days had passed at maayos kong ipinagpatuloy ang buhay bilang si Maya Yapchengco na nagtatrabaho sa DMX.
Bukod sa pagpapalit ng bahay ay nagpalit na rin ako ng number at umiwas sa posibleng lugar na pwede kaming magkita ni Rist o kaya ay makapag-alaala sa akin nang may kinalaman sa kaniya.
Nariyan yung nakikita ko yung sasakyan niya sa tapat ng building namin nakapark kaya napipilitan akong dumaan sa Fire Exit. Kapag nagpupunta kami sa Mall ay todo iwas akong mapadaan sa Love Café, ang dami kong alibi para di kami mapunta dun.
Kahit nung nagdaang birthday ko, pagtapos ng trabaho ay diretso uwi. Hindi ko na nga nagagamit si Motmot dahil walking distance lang ang bago kong tinutuluyan mula sa Building ng office.
At for the meantime, I tried to forget everything about him. At salamat dahil hindi ko na siya nakikita pang muli dahil mukhang hindi ko pa kakayanin.
=============/=================
"Maya besh, may gagawin ka ba tonight?" Tanong ng nasa likuran kong si Ruvee habang nagliligpit ng gamit sa tapat ng mesa nito.
"Hmm, wala naman. Why?" Isip ko. Wala naman akong gagawin kasi wala na naman pinupuntahan simula ng -.
Oh c'mon Maya, stop thinking about it. Don't think of him, sinaktan ka niya. Yan ang dapat mong itatak sa isip mo.
"Hey, you're spacing out. You okay?" Jean snapped.
"Huh? Sorry! Ano yun?"
"Ang sabi ko, girl's night out tayo. Tagal ng leave mo kaya babawi ka samin." Paliwanag ni Ruvee.
"Ahuh! Kaya libre mo." Dugtong ni Gabby na may malawak na ngiti.
"Aba! Walang ganon, wala akong sweldo dahil nag leave ako. No work no Pay." Reklamo kong natatawa. "Baka yung iba dyan dapat manglibre, may hindi na ulit single eih."
Napatingin kaming tatlo kay Jean na nagliligpit na rin ng gamit.
"May sinasabi kayo?" Maang-maangan nito. "Oh, Time out na. Tara, gutom na ako." Sabi pa nitong tumayo na bitbit ang bag.
"Aysus, pumag-ibig lang - naging bingi na." Tukso ni Ruvee na tumayo na din.
"Akala ko Love is Blind, Love Is deaf din pala. Ocean Deaf." Hirit ni Gabby.
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
DiversosWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018