Hello there guyshue,
Hekhek, nakakatawa ang update ko. Hindi magtugma sa nangyayari sa kwento ni Jean. Haha
Pero pilit kong tinatawid kasi malapit na ang katapusan. Isagad mo na ang kapit sabi ng Tarsier. Hahaha
Mainit na tanghali para naglalagablab na update. Jowk. Haha
Enjoy.
Rue 😉
Chapter 32
"Inzan, sorry." Ani Bea habang hinahagod ang likod ko.
Hindi ko alam kung paano kaming nakauwi ng bahay basta nandito na kami sa may sala ng aming bahay. Nandito na rin sina Auntie at Uncle dahil nagising sa usapan namin sa sala.
"Yung invitation ako ang nakatanggap, inilagay ko yun sa mesa mo sa kwarto." Paliwanag nito.
"W-wala akong nakita, wala akong nakita inzan." Hindi pa rin humuhupa yung sakit na malaman ang katotohanan, at dapat lang talaga na ako ang sisihin. Kasalan ko ang lahat.
"On the day of the wedding, I thought alam mo May kaya ka nandun. Because I was invited too. But I didn't know bunso, I'm sorry. Partly may kasalanan ako kasi kahit ako nagalit din ng sobra kasi nasaktan ka, nasaktan yung kapatid ko." Kwento ni kuya.
Nabasa din kasi nila ang sulat na iniwan ni Licia.
"It's all my fault. Kung sana - sana pinakinggan ko sila, maaaring buhay pa si Licia. Pero hindi, hindi ko na maibabalik ang dati. Hindi na kuya. Hindi na. Kasalan ko, kasalanan ko." Sisi ko sa sarili.
Hinawakan ni Bea ang kamay ko habang niyayakap ako ng mahigpit ni Kuya Maw.
Ang sakit sakit. Ang sakit na dahil sa akin nagkanda leche leche yung mga buhay ng tao sa paligid ko. Na ako lang pala ang may kasalanan ng lahat. Inilayo ko ang sarili sa kanila, hindi ako naging open for their friendship. Akala ko di nila ako tanggap, akala ko ayaw nila sa akin. Di ako nakinig sa kanila kasi inuna ko ang sarili ko.
I became selfish. I am selfish.
================/================
Kinaumagahan ay absent ako sa trabaho dahil malayo ang ba byahiin ko pabalik kaya sinulit ko na ang araw. Pinuntahan ko ang bahay nina Licia at humingi ng tawad sa pamilya nito. Nagkausap na rin kami ni Ate Lira.
"I'm sorry Ate. Kasalanan ko talaga ang nangyari."
"Don't blame yourself May. Di dapat kita sinisi, sinabihan na kami na may taning na ang buhay ni Licia pero mas pinili kong sisihin ka kasi ikaw yung lagi niyang bukambibig at hinahanap sa mga huling araw ng buhay niya. Mahal na mahal ka ng kapatid ko May. Kaya Sorry."
"Mahal ko din po si Licia ate. Mahal na mahal." Sagot kong napayakap na dito.
================/================
Lumipas ang mga araw at buwan, hindi na muling nag cross ang landas namin ni Rist. Dapat ay masaya ako kasi hindi na niya ako ginugulo pero yung puso ko iba ang nararamdaman.
Isa pa tong singsing na lagi kong dala dala.
Halos mangiyak ngiyak ako nung nagdaang araw dahil yung singsing para nga talaga sakin. The inside of the ring, may naka encrypt dun na Name ko. Bakit di niya ito binigay sakin?
![](https://img.wattpad.com/cover/131377003-288-k58192.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
De TodoWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018