📌 - Emotion

80 5 1
                                    

Chapter 17

Lunes na naman.

At mukhang bangungot ang araw na ito. Sa kadahilanang si Manager Tobe ay nag Super Sayan x12.

"I want everyone's update about your assigned tasks sa Christmas Party. I don't want delay. It was long overdue, and I want details now. Am I clear?"

Aie, grabeng pambungad yun ng umaga. Well, okay na naman yung venue, last week pa. Nakipag coordinate na rin ako sa design team kung saan ilalagay ang mga designs nila. Nagbigay na kasi ako ng pictures of the function area ng NK kaya polishing na lang ata ang kanila.

"Marco is back." Sagot ni Jean sa kaniya kaniya naming tanong why ang init ng ulo ni Manager.

Nangangamoy Selos pala.

Oh, iba talaga ang umiibig at pumapag-ibig. Nakz. Masarap naman talagang mainlove. Kaya lang tindi magselos ni Manager, damay pati mga sibilyan.

Buti na lang talaga may Martial Law ang Mindanao at Tapos na ang gyera sa Marawi, baka sumabak kami dun sa tindi ng Selos ni Manager.

Kasi nga naman, ex boyfriend. Past versus present. Kanino ka pupusta? Sa pula o sa puti?

E chat ko nga yan mamaya sa GC. Haha

Bumalik na kaming lahat sa trabaho. Kung ano ano ang naiisip ko. Hahaha

Buong araw na kapansin-pansin talaga ang di pagpansin ni Manager kay Jean. Kawawa na nga yung ka bessywap namin, very affected.

Katatapos ko nga lang ipatawag sa opisina ni manager and the aura is very very very scary. Sumunod sa akin yung ibang may part din sa committee.

Nagkakatinginan lang kami kasi yung mukha ni Jean nakaharap sa telepono niya, nag aabang, naghihintay na baka tawagin siya at magkausap sila ni Manager.

"Aie nga pala, Ms. Jean. Tungkol dun sa Proposal para sa AL Corp. Signed na ba ni Manager Tobe?" Tanong ni Maika, ang Secretary ni Boss.

Napatingin kami sa petite na babae na tulad namin ay naka business attire din. Nakalugay ang wavy nitong buhok at nakapamulsa sa pusod ng among cubicle.

"Hi Ms. Maika." Bati namin sa kaniya.

Pero napukaw ng atensyon ko ang hinihingi nitong documents kay Jean.

AL Corp.

Di kasi ako ang may hawak nun kundi si Jean.

"Yun ba yung pinaulit ni Boss Macky? Naku wala pa. Pero for printing na yun for hard copies." Pilit na napapangiting sagot ni Jean.

"Can you send that to me today or tomorrow? Urgent kasi yun. Kelangan ko na yun before the Christmas Party."

"Mukhang malabo Ms. Maika, LQ ang labteam natin." Bulong ngunit dinig naman naming sabi ni Ruvee.

"Uie, shh!" Hampas dito ni Gabby dahil bumukas ang opisina ni Manager at lumabas iyon doon habang may kausap sa phone tapos pumasok ito sa may Pantry.

"Don't worry Ms. Maika. We'll sure to work this out." Pahayag ni Jean pero doon nakatingin sa kaniyang table na maraming papel.

Nagkatinginan na lang kaming apat kasama si Ms. Maika na solid JeanBe din.

Nagpaalam na si Ms. Maika na babalik sa post nito habang kami ay nagpatuloy sa pagtatrabaho.

"Jean, ahmm, gusto mo ako na ang magpa print ng Docs? You look so stress and depress." Alok ko dito.

"Ayos lang ba Maya?" Jean na bahagya lang napangiti.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon