📌 - Sorry

80 4 0
                                    

Hello guyshue,

Susubukan kong nag update once a week. Haha kasi four chapters na lang matatapos ko na siya. 😍😍

Salamat po in advance sa nakasama ko sa kwento ng buhay ni MAYA.

lablab 😘😘

Rue 😁

























Chapter 31









============/============

Nakagagawa tayo ng desisyun sa buhay dahil para sa atin, iyon ang tama kahit sa mata ng iba ito ay Mali.

==============/===============
























"Sa twing nakikita kita, lage ka na lang umiiyak." Kahit punong puno ng luha ang mata ay nakaya ko pa ring tingalain kung sino man ang nagsabi nun.

Ang boses na yun na laging tumatawag sa akin. Ang pamilyar na boses na yun na gumising sa akin.

"Tama na." Nakaupo ito sa tabi ko at pinahid ang luha sa pisngi ko, pero imbes na tumahan ay mas lalo lang akong naiyak.






























===============/==============




































San Pedro Church

"Sabi na sayong wag mo na siyang mahalin, pero ginawa mo parin. Edi sana di ka nasasaktan ngayon." He hugged me from behind habang sinasabi yun. Kaya nang iniharap niya ako sa kaniya ay mas lalo lang akong naiyak.

"K-kuya." Hindi ko na talaga mapigilan. Ang sakit, sobrang sakit.

"I'm sorry baby bunso. Iiyak mo lang yan." Sabi nitong hinahagod ang ang likod ko. "He'll pay for hurting my baby. Hinding hindi ko to papalampasin. Magsisisi si Allester na sinaktan ka niya."

Puno ng diin at galit ang tinig ni Kuya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Habang ako ay patuloy na nakayakap sa kaniya at umiiyak.



























===============/==============































"Bakit mo sinagot si Allester?" Seryosong tanong ni Kuya sa akin habang nagmemeryenda kami sa cafeteria. Dalawa lang kami ngayon. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni kuya na kapag magkasama kami, kaming dalawa lang talaga. "You're still young baby bunso."

"Kuya talaga, ang pag-ibig walang pinipiling edad. Kapag ang puso tumibok ng bongga, di mo na yun mapipigilan. Pigilan na ang ulan, pero yung Pag-ibig, nungkang mapapahinto mo yun. Bakit ikaw ba, di ka pa ba naiinlove?" Sagot ko rito.

"Basta, pag sinaktan ka ng Allester na yun. Mapuputol na din ang pagkakaibigan namin." Pang-iiba nito ng usapan at sumeryoso.

"FO na agad kuya? Grabe ka naman. Parte na ng pag-ibig ang masaktan. Pero kapag ako nasaktan, naku! Ikaw na bahala sakin kuya. Hehehe!"

Ginulo lang nito ang buhok ko at masaya kaming nagkatawanan.



































Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon