📌 - Friends

100 7 2
                                    

Chapter 14

Kinabukasan ay halos hindi matanggal tanggal sa akin ang good vibes. Yung ang aga aga ang sarap kumanta ng, "Pi-nangingiti, pi-nangingiti mo ako. Ikaw ang sunshine ko." Haha

I had that very light and heavenly aura at napaaga akong dumating sa opisina. Nandun na rin sina Gabby at Ruvee pero wala pa si Jean. Imposibleng ma late yun. Hmm, baka pinagod ni Manager. Haha

Napahagikhik pa ako sa naisip nang puntahan ang sariling table.

Baka ma shoot to kill na ako nito ni Jean kapag nalaman niya ang iniisip ko.

"Morning besh! Ang aga pa busy na kayo?" Tanong ko sa dalawa na nagtatype na sa kanilang keyboard. Nang tingnan ko ang oras, may 5 minutes ba bago ang official time.

"Morning!" Halos sabay pang sagot nila pero dun parin sa computer nakatingin.

"Check your email besh." Yun lang sinagot ni Gabby na agad ko namang sinunod. Nang maopen ang computer at na check ang mail, Aie shoot! Binalik lahat ni Manager ang mga Documents na pinasa namin kahapon. Madami daw errors and for revision bago e send ulit kay Jean.

Bago ko pa mabuksan ang isang file, dumaan sa tapat ng cubicle namin si Manager Tobe na may balisang mukha at dire-diretsong lakad. Sakto, dun na dumating si Jean at wala na kaming imikan dahil sa tadtad naming trabaho.

Manager naman eih. Baka di naka score?

Joke lang manager. Haha

Hai. Back to work.

Di na lang ako nagpa apekto sa negative vibes na dumapo sa paligid at ifinocus ang mata, kamay at isip sa trabaho.

Malapit ng mag 6 ng gabi kami natapos. Ansakit ng pwet kong na glue ata sa upuan ko. Kaniya kaniya nga kaming reklamo. Hai!

Wala na din kaming energy para magkulitan kaya naman kaniya kaniya din kaming uwi.

Napadaan pa kaming bulletin kanina kung may Update sa Christmas Party. Meron na nga doon pero wala pang venue, hmm, bakit kaya?

Ano kayang nangyari kay Manager? Tinatanong naman namin si Jean, kibit lang din ito.

LQ ba tong dalawa? Parang kahapon, okay naman sila. Hmm, naku. Pano na ang JeanBe loveteam namin? Haha

"Bye Besh. Diretso uwi ha." Paalam namin sa isa't isa. Hinintay ko na muna silang sumakay ng Taxi bago pinuntahan si Motmot sa parking.

Inilagay ko sa holder ang bag, sinuot ang helmet and was about to start the engine when somebody stop the motor to go. Kaya napatingala ako sa kamay na nakahawak sa motor kong umaandar na.

"Rist? Anong ginagawa mo dito?" Nagulat kong tanong and awtomatikong pinatay ang engine ng motor ko.

Nakangiti itong nakaharap sa akin. "Hi."

Walang ano anong kinuha nito ang susi sa lagayan pati ang bag ko at isinukbit sa balikat nito.

"Uie, teka lang." Awat ko dito.

"May pupuntahan tayo. Si Manong Fred na ang bahala kay Motmot." Nakangiti parin nitong sabi at ibinigay sa isang mama na naka blue ng damit.

Naaalala ko siya. Siya yung kasama niya noong una naming pagkikita.

Nakanganga pa rin ako sa harap niya na nagugulohan dahil wala naman kaming usapan na pupuntahan. Naramdaman ko na lang na nakalas na nito ang helmet sa ulo kong inabot dun sa tinawag nitong manong Fred.

"Manong Fred, ikaw na bahala kay Motmot." Yun lang at hinawakan na nito ang kamay ko at umalis kami dun sa parking.

Si Manong Fred naman ang siyang nagmaniobra kay Motmot.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon