Chapter 19
Napagdesisyonan naming magka bessywap na doon na magbibihis sa bahay nina Jean para sabay sabay na kaming pupunta sa Christmas Party na gaganapin sa NK Hotel and Resort. At tsaka alam ko susunduin ni Manager si Jean. Haha
Sasabayan namin at baka hindi pa sila umabot sa Function Hall dahil dumiretso sa Hotel. Haha Joke yun. At kung sakali namang di pumayag si Manager na isabay kami, aitz, humanda siya. Mawawasak ang JeanBe Fans Club. (Insert Smirk. Bwahahaha)
"Still can't decide what to wear, alin ba ang maganda besh?" Tanong ni Ruvee sa amin between the off-shoulder na mahaba o yung isa na kulay krema pero above the knee.
Nakatayo ito sa may puno ng bed, at siya na lang ang di pa nakakapagbihis.
"Alam naman nating kahit alin dyan ang susuotin mo ay lilitaw parin yung ganda mo. Look at us? It's not on what you wear but it's on how you wear that dress." Sagot ko pa rito habang hawak ang brush and putting some blush.
Nakaharap ako sa mirror kaya alam kong nag agree sa akin ang dalawa pa, Jean and Gabby.
She then picked the cream colored dress at agad ng nagbihis. Jean wears a spaghetti strap blue gray dress na very sexy at litaw ang makinis nitong balikat. Si Gabby naman ay naka low neckline dress na bulaklakin while I had wore an off-shoulder flowery dress na may brown belt. At siempre, the accessories to complete the bohemian theme of our party.
(Please see media of Until We Fall by Clio_San from chapter Title - Christmas Party Blast 1 for reference.)
Tumunog ang cellphone ni Jean na nasa Table sa loob ng room niya. Kaya ayun nagkatinginan kaming tatlo lalo na nang magpaalam ito na sasagutin ang tawag.
Nagkatinginan lang kami na para bang nag-uusap gamit ang isip at binilisan ang galaw na pinag-aayos namin ang mga gamit namin dahil sa tila nagka intindihan na kami kung anong gagawin.
Bumalik na si Jean maya maya at saktong naabutan nito kaming nag-aayos ng gamit.
"Susunduin ka ni Manager?"
"Magtataxi na lang kami, ayos lang."
"Kaya ko naman motorin yung venue kahit ganito suot ko."Sunod sunod naming sagot tatlo. Syempre with all the facial reaction kasi para mas convincing. haha
"Susunduin tayo. Huwag niyo nga ako artehan ng ganiyan, hindi bagay. Haha." At parang yun ang naging cue namin para mapaniwala si Jean na seryoso kami.
Shoot, gusto ko na talagang matawa. Promise. Haha
"Pero hanggang hatid lang si manager, sa pagkakaalam ko ay may kaniya kaniya kayong sundo." Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Jean.
Si Rist agad ang naisip ko. Haha Alam niya na ngayon ang party namin, susunduin niya kaya ako? Haha sige umasa ka Self.
Si Ruvee baka isabay ni Mr. San Diego, tapos di niya iuuwi. Shoot. Kaya lang sino kaya susundo Kay Gabby? Aits, itanong ko nga mamaya. Haha baka sa free shuttle?
Aitx, ako din pala. Makikisabay sa free shuttle. Haha
Agad na kaming lumabas sa silid ni Jean at nag uunahang bumaba. Hahaha At yun nga nahuli si Jean.
Naabutan namin si Manager sa sala na nakaupo at napatayo nang makita kami.
"Hi po Manager." Halos sabay naming bati rito na nahihiya. Eh kasi naman, nag-uunahan kami sa pagbaba ng hagdan at biglang pa demure nang makita namin siya.
So epic. Hahaha
"Hello Ladies." Bati nito na nakangiti. "Pwede na kayong mauna sa sasakyan, I'll just wait for Jean."
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
RandomWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018