Chapter 12
After the wedding ay inihatid ako ni Rist pauwi ng apartment. At kinabukasan, hinatid din niya ako bilang si Motmot ay hindi umuwi ng bahay, este nasa parking ng building namin, naiwanan.
Napaaga ng kunti ang dating ko sa opisina, a bit conscious dahil baka may makakita sa akin na bumaba sa sasakyan na hindi alam ng mga kaibigan ko. Di ko pa to nasasabi sa kanila at hindi ko alam kung kailan. Basta sa ngayon, humahanap lang ako ng tyempo. Kasi diba medyo tagilid ang standing ng puso ko.
Buti pa si Jean, may Manager Tobe na alam namin at kitang kita naming inlababo si Manager kay beshy. Si Ruvee naman hinahabol ng lalaki. I remember that guy over our lunch na sumulpot na lang bigla sa tapat namin. In all fairness, gwapo, matangkad at head turner. Si Gabby naman, mahal niya si brother and they are torn between his Service and love. Eih ako? Nakikipag agawan ng posisyon sa patay na asawa? Ganern?
"Bye Maya!" Paalam ni Rist nang makababa ako sa kotse nito.
"Bye. Thanks!" Nagmamadali kong baba at bahagya pang napalingon sa paligid at baka makita ako ng isa sa tatlo.
Mabilis akong naglakad na sobrang kinakabahan patungo sa may elevator, pilit pinapakalma ang sarili.
Wala Maya. Walang nakakita sayo. Kalma.
At tsaka, sabihin mo na lang na kapit-unit mo kung sakaling may magtanong.
Yes, tama! Ganon na nga.
Friendly kapit-unit lang ganern dahil si Motmot ay naiwan dito.
Agad na akong nakisabay sa kumpol ng mga tao na sumasakay sa elevator. And when I came to our floor, nagchichikahan na ang tatlo.
"Morning!" Masiglang bati ko sa kanila.
Agad silang napatingin sa kani kanilang relo pagkatapos ay sa akin na dumaan sa tapat nila. Magkatabi kasi kami ni Jean ng table, nasa likod naman sina Ruvee at Gab.
"Yes!" Sigaw ni Ruvee tapos humarap Kay Gabby habang nakalahad ang palad dito na abot langit ang tawa. "Akin na! Haha! Panalo ako!"
Si Gabby naman ay napakamot sa ulo tapos may dinukot sa bag nito. Wallet pala tapos kumuha ng isang daan at padabog na binigay iyon kay Ruvee habang masama ang tingin sa akin.
Si Jean naman tawa din ng tawa samantalang ako ay walang naintindihan sa kanila. "Anyaree mga besh?"
"Bakit ang aga mo?" Himutok ni Gabby na mukhang naluging intsik.
"Haha, pinagpustahan nila kung maaga ka ba o late ngayon." Paliwanag ni Jean.
Shoot! Haha Pagkatuwaan ba ang pagiging late ko?
"Salamat at maaga si Ms. Late. Haha." Nakangising sabi pa ni Ruvee. "Bakit nga ba maaga ka? E naiwan mo naman si motmot?"
Natahimik ako sa tanong nito at hilaw na napatawa. Shoot! Ang obvious ko naman ata.
"Siguro may naghatid sayo no?" Tudyo ni Gabby. "Wrong timing talaga uh-oh. Sayang yung 100 ko. Huhu!"
"Hatid? Wala no. Nag ano ako, nag commute." Tumalikod na ako agad and turn on my computer para hindi nila mapapansin ang pagsisinungaling ko.
Naku, iba pa naman yang mga kaibigan ko. Daig pa ang imbestigador kung maka interrogate.
"Commute ba talaga?" Si Jean na nakisali na din sa dalawa.
"Eh kasi wala nga." Depensa ko. Basta walang aamin. Haha
"E surprise visit kaya natin eto at ng magkaalaman. Haha." Suhestyon pa ni Ruvee na sinang-ayunan naman ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Forget Me, Not (Unedited)
DiversosWill you ever fight for the Love you thought is real? Will you still Love the person who hurts you? Will you ever find love when Truth becomes Lies and Lies becomes the Truth? -------------- Date Started : November 2017 Date Ended : July 21, 2018