📌 - Bride

89 5 22
                                    

Good Morning. 😁

Finally this is back. But I still hate Watty for doing this to me.

Para siyang relasyon namin ni ex. Kung kailan huminto na akong umasa, saka ka naman babalik. Tsk!

Ang kaibahan lang, bumalik ka sa akin. Siya, andun na sa iba. 😂😂

Kalami na lang jud ipa barang tabaghaka. (Jusq dzae, bisaya pa more).

So, anyways, here's my pasabog na update. 😉



Always,

RUE2018 💋





Chapter 18

Masaya akong bumaba ng Hagdan na nakasuot ng maluwang na puting t-shirt at shorts. Hindi ako nagsalamin sa araw na ito at isinuot ang bagong bigay ni Paps na contact lenses. Pinatanggal na rin kasi namin kahapon yung braces ko. Di kasi pantay ang ngipin ko kaya simula pagkabata may braces na ako.

"Good Morning Mams, good morning Paps. Good Morning my sweetie love." Masigla kong bati sa kanila nang makapasok sa dining area.

Isa isa kong hinalikan sina Mams at Paps. They're not yet old at the age of 46 and 49. Still young!

"Good Morning baby." Ganting bati ng aking mga magulang.

Hinalikan ko rin sa pisngi ang super lovable, huggable and kissable kong boyfriend, Si Sweetie Love Rist na naka apron na pink na gamit ko pag nasa kusina.

"Amoy Bacon and Eggs ka Sweetie Love, sarap." Kumento ko ng akapin niya ako gamit ang free hand nito dahil isinangkalang pa nito ang sunny side up na egg.

Natawa lang ito ng bahagya pati na sila Mams at Paps. Araw araw ko kasi yang sinasabi kay Sweetie love.

"Good Morning Mon Amour."

Naupo na ako sa tapat ni Mams. Pang animan kasi ang aming hapag at magkaharap kaming nauupo araw araw.

Paps is recovering from a mild stroke habang si Mams ang nagbabantay sa kaniya. Si Sweetie Love? Dito na sa bahay namamalagi, pinagsisilbihan ako. Haha Joke lang.

Every weekend siya nandito para bisitahin kami. Nagta trabaho ako sa Government kaya naman araw ng sabado at linggo ay bonding time.

May kasambahay naman kami pero hands on si Sweetie love sa paghahanda ng pagkain sa amin kapag nandito siya sa bahay. Ang galing ng sweetie love ko magluto.

Kaya nga pinaniniwalaan ko ang salitang "The way to a woman's heart is through her stomach."

Matapos magluto ay inilapag ni Rist ang niluto nito sa mesa. Fried rice with vegetables, may plain rice din dahil bawal kay Paps ang mamantika, may vegetable stew, Miso soup, Bacon and eggs.

He was smiling serving the meal and even kiss my head bago tuluyang maupo sa tabi ko. Wala na rin ang kanina'y suot nitong pink apron at isinabit na nito pabalik sa lagayan.

"Magde date ba kayo ngayon anak, Rist?" Tanong ni Mams habang pinaghahanda si Paps ng breakfast.

"Mams. Dito na lang ako sa bahay." Apila ko sa Ina bilang alam nito na hindi naman ako sanay gumala gala dyan sa labas. "Besides, may lakad po mamayang hapon si Sweetie love. Diba love?" Tanong ko habang sinusubo ang nalutong bacon.

"May lakad ka ngayon nak?" Si Mams kay Rist. "Bat di mo isama itong anak ko at nang di na magmukmok sa loob ng bahay itong girlfriend mo!"

"Eh Mams, gusto ko nga siyang isama. Siya naman po ang ayaw. Pagalitan mo nga." Sumbong pa ng nobyo ko kaya nahampas ko ito sa braso.

Forget Me, Not (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon