I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
Nang ako ay makatungtong sa ikalawang baitang ng hagdan ay bigla na lang may bumunggo sa akin. Ito ang naging dahilan upang mawalan ako ng balanse at ako'y bumagsak sa sahig. Sa lakas ng pagkakabagsak ko ay hindi ko lubos maisip kung papano niya pa ako nagagawang tanungin kung maayos ba ang kalagayan ko.
"Sa tingin mo, okay lang ak-"
Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang kaniyang maamong mukha. Biyayang maituturing sa kaniya ang pagkakaroon ng matangos na ilong at nakakasilaw na kaputian ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay sadyang nakakalusaw kung makatingin kahit na may kasingkitan ito. Tila isa siyang banyaga na nagmula sa china o sa korea dahil sa uri ng pananamit nito na pinaresan ng makapal niyang bangs. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko. Hindi ko naman hiniling ito kay Santa, pero bakit lagi na lang akong nakakatagpo ng mga gwapong lalaki na tiyak na hindi naman magiging akin.
"I'm so sorry. Nakatingin kasi ako sa aking relo habang naglalakad at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nagawang tingnan ang aking dinadaanan" Paghingi niya ng tawad matapos siyang makalapit sa akin. Bakas naman sa kaniyang mukha na sincere ang kaniyang paghingi ng tawad kaya mabilis ko siyang napatawad.
"Ahmm..okay lang hindi naman masyadong masakit" Pagsisinungaling ko, pero sa katunayan ay masakit talaga ang pang-upo ko. Kanina lang ay inis na inis ako sa kaniya. Pero mabilis nagbago ang emosyon ko nang makita ko ang kaniyang maamong mukha.
Sige nga, gwapong lalaking nakabangga sa 'yo at humihingi ng taos-pusong pagtawad. Aarte pe be?
"Are you sure? I can bring you to the clinic just to make sure na hindi ka nabalian"
"No okay lang ako...kaya ko naman tuma-ah.." Napangiwi ako sa labis na pananakit ng aking balakang patungo sa aking pang-upo.
"Tara dadalhin na kita" Pagpupumilit niya ngunit mariin ko itong tinanggihan.
"Ah..salamat na lang. First day ko kasi ngayon sa klase at ayokong magkaroon kaagad ng absent sa unang araw ko" Tugon ko habang iniinda ang pananakit ng aking balakang at pang-upo. Tila nakipagtalik ako ng magdamagan at ngayon ay lubos na nanakit ang aking balakang. Pero syempre biro lang, hindi ko pa rin naman nararanasan 'yon. Virgin pa kaya ako.... sa ngayon.
"Anong room number ba ng klase mo nang maihatid kita?"
"Room Psych 5"
"Great! Psych 5 din ako, tara?"
Hindi na niya inantay ang itutugon ko at kaagad niyang nilagay ang aking braso sa kaniyang balikat at marahan niyang nilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa aking tagiliran. Dahan-dahan niya akong inalalayan paakyat sa hagdan, habang ang kaniyang kamay ay nanatili sa aking tagiliran upang umalalay. Mabuti na lang at nasa second floor lamang ang una kong klase dahil sobra talaga ang pananakit ng aking balakang. Sa bawat hakbang ay tila may kuryenteng tumatama sa aking katawan na siyang nagbibigay ng matinding sakit.