Chapter 34: I believe in you

20.5K 565 25
                                        

David as Jethro

David as Jethro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Eisen's POV

Nag-aalala na ako nang mapansin kong walang ibang tao dito sa loob ng venue kundi ako lang. Sinubukan kong tawagan si Jethro pero hindi niya magawang sagutin ang tawag ko. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Sam, kaya lalong tumindi ang takot ko na baka may nangyari ng masama kay Jethro. Naisipan kong tumawag sa police para makapag report dahil nangangamba ako na baka may nangyari nang masama kay Jethro, pero bago pa man ako makatawag ay may biglang nagsalita sa aking likuran. Boses ito ng isang lalaking hindi ko kilala kaya mabilis akong lumingon para makita kong sino ito. Laking gulat ko nang makita ko siya.

"Hi Eisen, um- you know it's a little bit embarrassing but let me do this for you, okay?" sa gulat ko ay tanging pagtango lang ang naging sagot ko. Bihis na bihis siya ngayon na para bang aattend ng isang prestigious event. At ako heto simpleng polo shirt lang at shorts. Wala naman kasi akong idea sa gusto niyang mangyari ngayon.

Sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay biglang lumiwanag nang husto ang venue at may biglang tumugtog na music. Wag mong sabihing kakanta si Jethro? Alam kong wala siyang talento sa pagkanta pero hindi ko inaasahang gagawin niya ang lahat ng ito, para sa akin?

I know your eyes in the morning sun

I feel you touch me in the pouring rain

Simula pa lang ng kanyang pagkanta ay halata na sa boses niya na hindi talaga siya sanay na kumanta. Ang lalim ng boses niya at wala pa sa tono, pero kahit ganun pa man ay hindi naman ito masakit sa tenga pakinggan.

And the moment that you wander far from me

I want to feel you in my arms again


Yung mata niya ay hindi na naalis ang pagtingin sa akin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit niya pa kasi ginagawa ang ganitong bagay?

And you come to me on a summer breeze

Keep me warm in your love, then you softly leave

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, halos mangatog ang tuhod ko habang papalapit siya sa akin. Hindi maganda ang boses niya para ma-impress ako pero bakit pakiramdam ko ay hinaharana ako ng kagaya ni Michael Bublé ngayon?

And it's me you need to show...

How deep is your love, how deep is your love?

Living with my Step Brothers (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon