Chapter 12: Tell me I'm your BABE

30.9K 755 85
                                    

Lharby as Josh

Lharby as Josh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eisen's POV

Patuloy ang paghalik sa akin ni Josh.  Pakiramdam ko ay ibang tao ang nasa ibabaw ko ngayon. Imbes na saya ang maidulot nito sa akin ay tila wala akong magawa kun'di ang maluha sa mga nangyayari. Umabot hanggang sa dibdib ko ang ang kaniyang paghalik. Walang sawa niyang sinipsip ang magkabilang utong ko. Hindi ko magawang masiyahan sa ginagawa niya pero patuloy pa rin siya sa pagpapaligaya sa akin na hindi ko naman magawa. Lumuhod siya para tuluyang tanggalin ang aking pang ibabang suot at saka niya lang napansin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata. Bigla na lang niya akong niyakap ng pagkahigpit at saka humingi ng tawad.

"I'm sorry, I'm so sorry" Paghingi niya ng tawad habang humihigpit ang kaniyang pagyakap sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil tanging luha ko lang ang tanging nagbibigay kasagutan sa kaniya.

"Please don't cry, I'll do anything...please don't cry" Pakiusap niya sa sa'kin pero wala parin ako naging tugon sa kaniya. Ilang sandaling katahimikan at tumigil na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Umupo siya sa tabi ko dahil naramdaman niya atang nabibigatan na ako sa pagkakadagan niya sa akin. Nakaupo siya sa tabi ko at hawak-hawak niya ang aking kaliwang kamay habang pinupunasan naman niya ang mga natitirang luha sa aking mga mata. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at bigla siyang nagsalitang muli.

"Sorry talaga, alam kong hindi mo nagustuhan ang inasal ko kanina. Ako rin naman ay nagulat sa mga ginawa ko at hindi ko alam kung bakit pero sana mapatawad mo ako"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Parang nag-iba ka" 

"Paano mo naman nasabing nagbago ako?"

"Napapansin ko kailan lang para bang iniiwasan mo ako"

"Oo aaminin ko na iniiwasan nga kita" Yumuko siya at humigpit ang pagkakapit niya sa aking kamay.

"Bakit naman? Dahil ba sa nagiging pabigat na ako sayo? O baka naman hindi ka na natutuwa sa pag-stay ko dito?" Malumanay kong tanong.

"Hindi naman sa gano'n. In fact masaya nga akong andito ka sa mansyon. Totoo, lumalayo ako sa'yo dahil ayokong tuluyang mahulog ang loob mo sa akin. Kahit hindi mo aminin alam kong may gusto ka sa akin" Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. 

Gano'n na pala ako kaobvious kaya iniiwasan niya ako.

"Pero hindi lang dahil doon 'yon.  Ayoko ko rin na lalo pang mapamahal ako sayo...dahil matagal tagal ko na ring pinipigilan ang sarili ko"

Tama ba ang pagkakarinig ko? Mahal? Mahal daw niya ako?

"Ha, anong ibig mong sabihin?" Kailangan ko ng clarification sa mga pinagsasabi niya, mahirap na ang umasa o baka bingi na akong talaga kaya kung ano-ano ang naririnig ko.

"It's true, mahal kita.. Bago ka pa man makarating sa mansyong 'to ay minahal na kita, dati pa. Pero mas lalo kitang minahal nang makilala kita ng lubusan" Nakangiti niyang sabi at ako ay parang lumabas sa katawan ko ang aking kaluluwa dahil hindi ako makapaniwala sa pag-amin niya sa akin.

Living with my Step Brothers (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon