I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jessica as Jessica
Eisen's POV
Kanina lang pakiramdam ko ay parang nasa alapaap ako. Halos mapunit na ang aking pisngi dahil hindi na mawala-wala sa akin ang matatamis na ngiti. Ganun naman siguro talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Para bang humihinto ang mundo para sa inyo. Para bang kayo lang dalawa ang tao sa mundo tuwing kayo ay magkasama. Dahil ang alam niyo lang ay wala ng mas importante pa sa mundong ito tuwing kayo'y magkasama. Tulad din ng pakiramdam ko kanina ay tila huminto ang oras nang makita kong lumapat ang mga labi ng isang magandang babae sa taong pinakamamahal ko. Para akong sinaksak sa dibdib na para bang sinasakal na rin at halos hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman dahil hindi na ako halos makahinga. At ang tanging gusto ko na lang sa sandaling yun ay umalis at ibuhos ang sama ng loob sa pag-iyak.
"I've missed you soooo much!" sabi ng babae sabay halik muli sa labi ni Josh. Parang gusto ko na lang liparin kasama ng hangin ngayon nang hindi ko na makita ang tagpo nato.
"What are you doing here?" gulat na sabi ni Josh at saka niya ibinaba ang babae nang mapanisin niyang napako ang tingin ko sa kanila.
"Of course, I want you to know to meet your daugther!" excited na sabi ni ng babae. Wait ano daw? Daughter? Anak ni Josh? Teka parang nabibingi na yata ako.
"Huh? What are you talking about Jessica?" naguguluhang tanong ni Josh. Parang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko nang marinig ko ang pangalang Jessica. Sa pagkakatanda ko siya ang ex ni Josh na nag-aaral sa Paris pero nakipagbreak na siya dito dahil walang time sa kanya ang ex-girlfriend niya. Pero ngayon heto na siya nagbalik kasama ang anak nila. So paano na ako? Paano na yung kami?
"Wait, that's impossible!" anas ni Josh.
"Okay, I know. Mahirap paniwalaan but I'll explain everything habang kumakain tayo ng dinner!" masayang sambit ni Jessica. Magsasalita pa sana si Josh pero bigla na lang tumili si Jessica nang mapansin niya ako.
"OMG. You must be Eisen? Am I right?" natutuwa niyang sabi na ikinagulat ko. Hindi ko na alam kong anong mararamdaman ko sa mga oras na yun.
"Yes?" naiilang kong sambit.
"Ohh god. I met your mom in Macau. She's with uncle barry. She's so funny and she told me a lot of stories about you!" excited niyang pagkwento, samantalang ako ay naiilang pa din. Ano kayang mga bagay ang pinagkukwento ni mama sa kanya.
"She told me that you're gay and I can finally have a gay friend. Ahh and your so cute!" halos magtutumili siya sa tuwa. Samantalang kaming lahat ay na awkward sa pagsisigaw niya ng gay friend. Maliban kay James na halos humagalpak na ng tawa. Mamaya to sa akin masasapak ko tong mokong na to. At thank you sa babaeng to mas lalong madadagdagan ang pagkayamot ko sa mga sandaling iyon.