Bas as Eisen
Eisen's POVSunday, 1:45pm
Mainit ang panahon at nakakainip ang byahe. Andito ako ngayon sa loob ng isang magarang sasakyan at hindi mapakali. May halong pananabik at takot akong nadarama sa unang pagkakataon na makikita ko ang pamilya ng aking step-father. Kamakailan lang nang magpakasal muli si mama. Agad-agad akong pinalilipat sa mansyon na pagmamay-ari ng kaniyang napangasawa sa batangas. Isa siyang milyonaryong nagmamay-ari ng iba't ibang business dito sa Pilipinas, karamihan nito ay nasa agricultural business at mga bangko sa metro manila.
Sobrang sakit nang pwet ko, halos apat na oras na kaming bumibyahe at hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Feeling ko tuloy ay hindi na ako virgin, sobrang hapdi na kasi ng pwet ko. Halos lahat na ata ng posisyon nang pag-upo ay nagawa ko na para maibsan ang pananakit. Ilang sandali pa ang lumipas nang makita ko ang dagat. Sobra akong natuwa kasi tuwing summer lang ako nakakapag swimming sa dagat. Pero heto ako ngayon, kahit araw-araw pa akong magpakasasa ay magagawa ko na.
"See the line when the sky meets the sea it calls me..." Hindi ko mapigilang mapakanta sa sobrang ganda ng view ng dagat.
"Ano ho yon sir?" Tanong ni manong Uber, este manong driver na nagpakilalang Magno raw ang pangalan.
"Ah..wala, tatanong ko lang po sana kung malapit na tayo?" Nakaluhod na ako sa upuan ng sasakyan. Di ko na kayang umupo, feeling ko tinatasahan na yung pwet ko at napupudpod.
"Andito na po tayo Sir" Tugon niya.
Namangha ako sa mga nakikita ko. Andito kami sa harap ng malaking gate. Sa labas pa lang ay matatanaw mo na ang isang napakalaking mansyon at sadyang napakaganda nito.
"Manong nasa Malacañang ba tayo?" Tanong ko habang papasok ng gate ang sasakyan. Ang ganda ng mansyon parang Old English Manor House.
"Palabiro po pala kayo Sir, andito po tayo ngayon sa mansyon ng mga Wells" Nakangiti niyang tugon.
Isang half american and half filipino ang napangasawa ng mama ko at 27 years na siyang may business dito sa Pilipinas, siya si Barry Wells. Madalas ko siyang nakikita sa mga magazine at na featured na rin siya sa Forbes magazine dati.
Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong namangha nang matanaw ko ang napakalaking garden. Parang nasa England ako ngayon. Labis akong natuwa at nagmamadali akong pumunta roon nang biglang may narinig akong nagsalita.
"If I am not mistaken, you're Eisen right?" Sambit ng isang lalaki.
Bigla akong napalingon. OMG! Sinong artista 'tong kaharap ko? Isang lalaking nakasandal sa front door habang nakapamulsa. Tinitigan ko nang mabuti ang kaniyang mukha. Napakaaliwalas nito, maputi at may mapupulang labi. Pamatay ang mga titig niya na para bang kayang kaya ka niyang mahulog sa pamamagitan ng kaniyang pagtingin. Tila ilang sandali lang ay mapupunit na ang kaniyang suot na long sleeve na nakatiklop hanggang sa kaniyang siko dahil sa laki ng kaniyang mga biceps.
BINABASA MO ANG
Living with my Step Brothers (BL)
RomanceI am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...