I am Eisen, 19 years old. I am now living with my 5 step brothers. 5 handsome step brothers to be exact. Hindi ko alam kung papano nangyari ang lahat ng ito dahil mabilis ang pangyayari. Isang araw lang ay binalita sa akin ni mama na kasal na siya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen's POV
Tila napako ako sa kinakatayuan ko nang makita ko si Jethro sa may pintuan ng music room. Ang sama pa rin ng tingin niya sa'kin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan at huling-huli ako sa akto na walang idadahilan. Magpapaliwanag na sana ako nang biglang magsalita si Jean.
"Nagjajamming lang kami ni Eisen, Is there something wrong with that?"
"No...what I mean is, what's the meaning of this Eisen? You're supposed to be be resting on your bed right now. Hindi pa magaling yang butt cheeks mo tapos nagawa mong maglakad-lakad?" Sambit ni Jethro. Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kaya pinili kong manahinik.
"Hindi siya lumpo, okay? And the Doctor said naman na kailangan niyang ma-exercise ang kaniyang mga binti" Pagtatanggol ni Jean sa akin.
"You call that exercise? Ang layo ng kwarto niya sa music room, sa condition niya ngayon you think exercise ang matatawag dun?" Medyo lumalakas na ang boses niya.
Pero totoo naman malayo talaga ang kwarto ko sa music room, halos isang minutong paglalakad bago mo marating ito kung ibabase sa normal na kalagayan ko. Pero dahil nga ika-ika akong maglakad inabot ako ng higit sa tatlong minuto bago ko marating ang kwartong 'to. Sasagot pa sana si Jean pero inunahan ko na siya agad na sumagot para matigil na ang alitan nilang dalawa.
"I'm sorry, kasalanan ko ang lahat Jethro. Medyo bored kasi ako sa kwarto kaya napag-isip isipan kong maglakad lakad hanggang sa makarating dito. Kaya 'wag mo nang sisihin si Jean, hindi rin naman niya ginusto na pumunta ako dito" Nakayuko na lang ako habang nagsasalita dahil ayokong makipag eye to eye contact sa kaniya baka maintimidate pa ako lalo.
"You just plainly called me Jethro?" Napatingin ako sa kaniya nang siya'y magtanong. Halatang hindi siya natutuwa sa nangyayari dahil nakataas na ang kilay niya habang nag-aantay ng sagot ko.
"I'm sorry Ku---ya" Halos mautal kong sambit dahil ayoko talagang tawagin silang kuya dahil hindi ako sanay at ayokong masanay. Pero nanatiling nakataas pa rin ang kilay niya at nakatingin sa akin. Saka ko lang naalala na gusto nga pala niyang tawaging...
"Hey you're being rude to him!" Sabi ni Jean kay Jethro habang nakaakbay sa mga balikat ko ang kaniyang braso.
"I'm just telling him the truth okay? Now go back to your room Eisen! At ikaw Jean you have a telephone call from your manager"
Tinapik naman ni Jean ang likod bago siya umalis ng kwarto at sumunod na rin ako palabas ng kwarto. Siguro dahil naging pasaway ako kaya ngayon ko lang naramdaman ang kirot habang naglalakad ng dahan-dahan. Kailangan ko na rin pa lang uminom ng gamot at pain killer kaya siguro medyo masakit nang ilakad. Marahil ay napansin ni Jethro na nahihirapan akong maglakad kaya nag-alok siyang tulungan ako. Dahil sa inis ko sa kaniyang mga sinabi ay kaagad kong tinanggihan ang kaniyang alok ngunit nagpumilit pa rin siya.